Xiara's POV
We made our last day memorable. Gumala kami ni Winter sa mga famous places dito sa Tagaytay. Nagpunta din kami sa Sky Ranch at bumili din ng ilang souvenirs.
Yesterday was really fun. At kagaya nga ng sabi nila, kapag sobrang saya mo daw, may kapalit yun na lungkot. Hindi kasi lahat puro saya lang.
"Xi, ready?" tanong ni Winter sa'kin. Ngayon na kasi ang araw ng balik namin sa Manila.
"Yep, patapos na." sagot ko at ibinalik na sa bag ko ang lip tint na ginamit ko.
Sumunod na ako sakanya palabas ng rest house nila. 4AM palang at paalis na kami, para daw may oras pa kaming magkasama pagbalik ng Manila.
Pinagbuksan ako ni Winter ng pinto saka ako pumasok sa loob ng kotse. Umikot naman siya papunta sa kabilang side at umupo na rin sa driver's seat.
"Matulog ka muna, gigisingin nalang kita kapag nasa Manila na tayo." sabi niya na tinanguan ko lang.
Tumingin ako sa bintana at pinag-isipan ng mabuti ang realidad na naghihintay sa'min pagbalik namin. Ang mga bagay na masakit man pero kailangan kong gawin.
Hinayaan ko nalang na mag-isip ako ng kung anu-ano hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
Nagising ako sa marahang pag-alog sa akin ni Winter. Sumilip ako sa labas at nang makitang nasa tapat kami ng McDonald's ay napatingin ako ulit sakanya.
"Let's eat? Wala pa tayong kinakain since makaalis tayo ng rest house e." sabi niya at nginitian ako.
Winter please.
"Sige." maikling sagot ko at lumabas na ng kotse. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan ang oras 9:35AM na. 3 hours nalang. Tatlong oras nalang at mawawala na siya sa'kin.
Kinuha ni Winter ang kanang kamay ko at hinila na ako papasok ng McDo. He's all smiles. Madaming tao ang nakapansin agad sakanya pagkapasok namin. Sikat nga pala 'tong kasama ko.
"Go find a seat, I'll order for you." sabi niya kaya naman tumalikod na ako at naghanap ng bakanteng upuan. Maaga pa naman at wala pa masyadong tao kaya madali lang akong nakahanap.
Hindi naman nagtagal at nakita ko na si Winter na dala yung pagkain na inorder niya. May dalawang hot coffee, isang large fries, dalawang sundae, at longganisa with egg and rice. Pang-breakfast nga.
Nilapag niya na yung mga order sa harap namin at nag-simula na din kaming kumain.
Tahimik lang kaming kumakain. Minsan ay nagkakatinginan at nginingitian niya 'ko pero iniiwas ko lang ang tingin ko.
Nagpatuloy lang ako sa pag-kain nang makita kong ibinaba niya yung kutsara at tinidor niya sabay tingin sa akin. Hindi na siya nakangiti, seryoso na yung mukha niya.
"Spill it." pagsasalita niya.
"Spill what?"
"Ang tahimik mo. Hindi mo ako kinikibo. Kapag sasagot ka sa'kin laging maikli lang. May problema ba?"
Umiling ako at ngumiti ng matipid. "Wala lang ako sa mood. Hayaan mo nalang ako."
Ipagpapatuloy ko na sana ang pag-kain nang bigla siyang umupo sa tabi ko at nilagay ang palad sa leeg at noo ko.
"Wala ka namang lagnat Xiara ko e. Ano bang nararamdaman mo? Gusto mong dumaan sa hospital pagtapos natin ku—"
"Winter, stop!" madiin kong sabi na nagpahinto sakanya. "Tapusin mo nalang yung pagkain mo and stop worrying about me. Wag kang makulit."