Xiara's POV
Napa-mulat ako ng mata nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng apartment ko. Napapikit pa 'ko saglit nang bumungad sa'kin ang sinag ng araw. Ang sakit ng ulo ko!
Hawak-hawak ang ulo ko ay nag-punta ako sa pinto para tignan kung sino ba yung nambubulabog ng ganito kaaga.
"Xia— oh!" gulat na sabi nila Mizzy, Lily at Cara nang pagbuksan ko sila ng pinto.
Gulat parin yung expression nila kaya nag-salita na 'ko.
"Ano ba? Nambubulabog kayo ng ganito kaaga tapos tutunganga lang kayo jan? Tss." Isasara ko na sana yung pinto nang pigilan 'yon ni Cara at nagsipasok na silang tatlo sa apartment ko.
"For your information, 9:47AM na po kaya!" sabi ni Mizzy kaya napa-tingin ako sa orasan ng apartment ko at nakita kong 9:47 na nga.
"Tsaka bakit mukha kang..." naputol ang sasabihin ni Mizzy nang sumingit yung dalawa.
"Sabog."
"Pinagbagsakan ng langit at lupa."
"Pasan mo ang buong mundo."
"At mukha kang Chinese dahil jan sa mata mo!"
Napa-hawak naman ako sa ibaba ng mata ko. Namamaga nga.
"A-ah... wala 'to. Baka kinagat lang ng ipis." Simpleng palusot ko.
"Sus. Wag ka na magsinungaling! Alam na naming yung nangyari sa'yo kagabi! Trending kaya kayo ni Winter sa twitter, kanina pa." sabi ni Lily at pinakita sa'kin yung cellphone niya na nasa Twitter app.
Tinignan ko yung trending list.
#EarthquakePH
#PSYInDangerZone
#SikatPeroHindiFeeling
Happy United KNJDLQ Day
#ALDUBNaniniwalaNaKamiSaForever
WinXi Fighting Til' the End
#MaiDenBiyahengLangit
Happy Birthday Winter
#IWTBwp
Xiara
Clinick ko yung pangalan ko at nakita ko yung mga tweets ng mga fans ni Winter tungkol sa'kin.
Sinasabi ko na nga ba, flavor of the month lang ni Winter yang Xiara na yan eh! *smirk*
Let him explain his side first. @xkfperez WinXi Fighting Til' the End :)
Ashley is back! WinLey forever!
Kaya siguro never pang ipinakilala ng formal ni Winter si Xiara sa fans because he still loves Ashley.
Ibinalik ko kay Lily yung phone niya at tinignan naman nila 'kong tatlo nang may pagtataka.
"Oh? Mananahimik ka nalang jan?" tanong ni Mizzy sa'kin.
"Anong gusto niyo gawin ko? Puntahan si Winter?" tanong ko.
"Pwede. Kaso mukha kang sabog, mag-paganda ka muna." Sabi naman ni Cara kaya napa-irap ako.
"Tumigil nga kayo." Inis kong sabi.
"Bakit kami titigil? Niloloko ng idol namin yung bestfriend namin na girlfriend niya eh. Hindi naman pwede yo'n!" sabi ni Mizzy at nagsi-sang ayon naman yung dalawa.
"Lumaban ka dapat!"
"Mas maganda ka pa nga dun sa Ashley'ng bruha na yun noh!"
"Sabihin mo kay Winter ipakilala ka na ng formal para naman malaman nilang seryoso yung relationship niyong dalawa!"
