Third Person's POV
"Woooh! Let's partyyy!" sigaw ni Xiara habang papalakad sa gitna ng dance floor.
Pagkatapos ng kadramahan niya sa loob ng apartment ay dumiretso siya sa bar. Wala na siyang pakielam sa mga nangyayari at ang gusto nalang niya sa gabing iyon ay makalimot. Ang makalimot sa lahat ng sakit.
"Miss, are you alone?" bulong sa kaniya ng isang lalaki mula sa kaniyang likuran.
"May nakikita ka bang kasama ko? Wala naman na silang lahat, iniwan ako!" sigaw ni Xiara sa lalaki.
"Ako, hindi kita iiwan." bulong na naman nito.
"Wooooh! Paasa lines! Jan ka na nga!" huling sabi nito at iniwan ang lalaki sa dance floor.
Nang makalabas ng bar ay nadama niya ang napakalakas na hangin kaya medyo nakaramdam na siya ng hilo. Binalewala niya lang ito at dumiretso na para pumara sana ng taxi. Ilang minuto siyang nag hintay pero walang taxi na dumating kaya naman naisipan niyang tawagan nalang si Mizzy at magpasundo dito.
Hinintay niyang mag-ring at nang sagutin na ito ay hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong mag-salita pa.
"Mitz! Sunduin mo 'ko dito sa barrr! Bilisaaan mooo." sabi nito at pinatay na ang tawag.
Naupo lang siya sa isang pavement habang naghihintay sa kaibigan. Halos makatulog na siya doon ay wala parin ang kaibigan.
"Ang bagal bagal naman!" inis na sabi nito. Gusto na niyang mag pahinga. Habang buhay, kung pwede lang.
Natahimik si Xiara nang may humintong pulang kotse sa harapan niya. Pamilyar ang kotseng yon at kung hindi siya nagkakamali ay kay Winter ang kotseng iyon.
Nakasigurado lang siya nang lumabas na ang lalaking driver no'n na naka-pajama lang at white shirt. 'Pfft. Ang weird naman pala netong mag bar e.'
Nawala siya sa mga iniisip nang biglang bumaling sa kaniya ang tingin ng binata. Dirediretso itong nag-tungo sa kinauupuan niya at pinatayo siya.
"What the hell were you thinking?! Bakit ka nasa bar, Xiara Kaethe?! Mag-isa ka pa! Hindi mo ba naisip na baka kung mapa'no ka?! Paano kung bigla ka nalang mapag-tripan ng mga gagong lalaki jan?!" sermon nito.
"Uy!" natawa ng mahina si Xiara, "May pake ka pa pala?"
Muli ay nag-tuluan ang mga luha niya dahil sa sakit na dulot ng nangyayari.
"Tangina kasi, sabi nila kapag daw uminom ako makakalimutan ko yung sakit. Eh bakit panandalian lang?! Bakit sinasaktan mo 'ko ng ganito Winter?!" mas lalo pa itong umiyak.
Walang ibang nagawa si Winter kundi yakapin ang dalaga. Alam niyang sobra na itong nasasaktan at yun lang ang pwede niyang gawin para mapabuti kahit papaano ang loob nito.
"I'll take you home." pagkaraa'y sabi ni Winter nang kumalma na sa pag-iyak si Xiara.
Umiling naman ang dalaga, "Ayoko. Ayokong umuwi kasi mag-isa na naman ako. Ayoko nang mag-isa ako." tumingin ito sa kaniya nang may namumuo na namang mga luha sa mata.
"Pwede bang samahan mo muna ako sa mga natitira mong araw dito sa Pilipinas, Winter? Pwede bang iparamdam mo ulit sa'kin kung gaano mo 'ko kamahal? Pwede bang umalis muna tayo sa magulong lugar na 'to? Kahit sandali lang?"
"Winter, ask me again to runaway with you." hindi agad nakasagot ang binata kaya nama'y napatingin nalang ang dalaga sa kawalan. "Please?"
Ngumiti naman si Winter dahil sa nakumpirma, "Baby, I'll ask you this again and I won't take no for an answer."
Napatingin si Xiara muli sa kaniya at sumilay ang nginiti sa labi nito.
"Xiara, will you runaway with me this time?"
Lalong lumawak ang ngiti ng dalaga, "Yes, Winter."