Chapter 17 - Birthday Partner ♥

12K 366 30
                                    

Zyrelle POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zyrelle POV

         Patuloy pa rin kaming nagsasayaw ni Shawn napatingin ako sa kabilang gawi ko at nakita ko si Dwyne may iba ng kasayaw. Bakit parang hindi niya kami tinitingnan, hindi man lang siya nagreklamo o nagtanong kung bakit bigla nalang nanghihigit itong Shawnget na 'to.

"Ako ang kasayaw mo pero sa iba ka nakatingin.." pagrereklamo niya nagtiim naman 'yong  panga niya na parang naiinis sa nakikita..

Diko ka naman kasalanan na nakatingin yung mata ko kay Dwyne eh, syempre partner ko siya ngayong gabi. Hinahanap ko kung saan siya nagpunta baka mamaya biglang umalis siya edi maiiwan ako dito mag isa.

"Eh saan mo 'ko gusto tumingin. " pagtataray ko sa kaniya. Hindi muna siya sumagot pero ngumisi siya. Hinila niya ako palapit sakanya at ihinarap niya iyong mukha ko katapat ng mukha niya. Muntik ng maglapat 'yong mga labi namin kung hindi lang ako nag iwas ng tingin.

Feeling ko tuloy sobrang pula ng mukha ko. Malapit na 'yon eh paano kaya kung naglapat nga. 

"Ganyan dapat sa akin ka lang tumingin hindi kung saan saan. " Shawn.

Bakit pagdating kay Dwyne ang sungit niya eh magkaibigan naman sila ah. 

"Bakit ba ang sungit mo pagdating kay Dwyne kaibigan mo naman siya diba? " Tinanong ko siya seryoso lang ito nakatitig sa akin at wala akong nakuhang sagot sakanya. 


Shawn POV

Before the party...

          Nakaharap ako sa study table ko para ayusin ang mga paper works na kailangan kong ipasa dahil sa ilang araw kong absent. Kakatapos ko lang kausapin ang mga mokong na huwag akong guluhin dahil busy ako. Narinig kong may kumakatok sa labas ng pinto. Si Yaya Esme

"Senyorito may pinabibigay pong sulat sainyo ang inyong Papa..  " inabot niya sa akin ang sulat at umalis na rin.

Pagbukas ko ng sobre ay  isang birthday invitation.  Eksaktong may tumawag sa aking telepono.  

"Hello.. "  unang bungad ko sakaniya, wala talaga akong oras makipag usap kung hindi ko lang siya ama ay matagal na akong hindi nakipag usap sakanya noon pa man.. 

( Pumunta ka sa party mamaya, naibigay na naman ni esmeralda 'yong invitation sa 'yo..  ") Dad, tsk.. ano na naman kaya kailangan ni Dad sa akin. Kakatapos ko lang siyang samahan non nakaraan para makipag meet sa bagong investor sa China. Hindi ko alam kung bakit ako angsinasama niya eh wala naman akong balak na mamahala ng kumpaniya. 

"Para san pa? " Nakakainis naman hindi ko gustong makihalubilo sa mga ganitong okasyon.   

("Alam mo namang maraming pupunta doon na kakilala natin,at dahil hindi ako makakapunta ikaw na lamang ang pumalit sa akin. Pupunta ka sa ayaw at sa gusto mo, naiintindihan mo ba?..") hindi ako sumagot at binaba ko na ang tawag. Sumagot man ako o hindi wala pa rin naman akong choice kung hindi pumunta. 

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon