Chapter 62: Amara ♥

445 14 15
                                    

Zyrelle POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zyrelle POV

"Nay' babalik na po ako sa apartment ko, okay lang po ba talaga na umalis ako kahit nasa ospital pa po si Tatay?" pagtatanong ko sa Inay ko habang nagbabalot ng mga prutas para iuwi ko sa siyudad.

"Oo naman anak, huwag mo na kaming alalahanin ng Tatay mo. Okay na naman siya kaunting pahinga pa at mabuti narin na bumalik ka na mas gusto ng Tatay mo na nandun ka kesa dito" mahinang sabi nito na tila hindi ko na masyadong marinig yung huli nyang sinabi.

Humarap ito sa akin at hinaplos ang aking buhok.

"Nakikita ko na mahal na mahal ka ng mga kaibigan mo lalo na si Shawn. Napakaswerte mo sa kanila anak, ganun din sila sa 'yo. Lagi mong tatandaan na kahit ano man ang mangyari o malaman mo anak ka parin namin at walang magbabago. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo yan ang itatak mo sa utak mo ha anak? Sige na baka mahuli ka sa byahe." Mahigpit na yakap ang ginawad sakin ni Inay at ganun din naman ako.

"Opo Inay, lagi ko pong tatandaan yan napa-swerte ko po sainyo ni Itay dahil pinalaki nyo po ako ng puno ng pagmamahal. Sige po Inay alis na po ako. Tawagan nyo nalang po ako kung may kailangan kayo ni Itay" tumango ito sa akin .

Nandito na ako sa Terminal at nagiintay ng oras ng pag alis, nakatingin lamang ako sa cellphone ko kung nagtext na ba sa akin si Shawnget pero wala parin. Habang nag-aantay ako sa waiting shed bitbit ang backpack ko ay hindi umano'y may humablot ng phone ko.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakasigaw pa. Hinabol ko yung lalaking naka bonet masyadong mabilis sya tumakbo kaya hindi ako makahabol, pinagtitinginan kami ng mga tao at wala ni isa sa kanila ang nagbalak na tumulong. Malapit na ako mawalan ng pag asa dahil sa pagod at malayo layo narin ang narating namin.

Pero sa isang hudyat ay napatigil ako ng makita kong nakabalandra sa sahig yung lalaking naka bonet at pinaligiran ito ng mga lalaking naka maroon na suit at pinagtatadyakan hanggang sa bumulwak ng dugo, hindi pa iyon natatapos dahil may mga kasamahan pala itong nagnakaw sa akin. Plano pala talaga nila akong pasunurin para nakawan.

"Hey miss, phone mo" sabay abot sa akin ng isang...babae?! Shet napaka ganda niya kulay gray ang buhok nya na maiksi tapos nakasunod sa kaniya yung mga lalaking naka-maroon na suit.

"S-salamat" sabi ko, seryoso lang itong tumingin sa akin sabay sabi "Ti trovo" kumunot ang noo ko dahil di ko maintindihan ang sinasabi niya. ngumiti nalang uli ako at nagpasalamat.

"Sandali..." napatigil uli ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Ihahatid ka na namin, hindi ba babalik kana sa siyudad?" nagtatagalog naman pala siya eh.

"H-hindi na po" sabi ko pero hindi ito nagpatinag

"I don't take no for an answer, sumakay ka na" may halong pagbabanta na wika niya sa akin. Hindi na ako nagreklamo pa at sumakay na ako.

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon