Chapter 57: Vacation Trip ♥

5.9K 123 42
                                    

Author: Hello Guys, Medyo mahaba po itong chapter nato, well babawi ako medyo matagal din ako mag-update. Enjoy Guys. Medyo malapit lapit narin po matapos ito. Sana po ay patuloy nyo paring suportahan sila Ms. Nerd at Shawnget. Don't forget to Vote and Comment! ;) Mamats<3

Happy 400k! Di ko ineexpect na dadami ang readers ko kahit mabagal ako mag update! Thankyou so much! :'))!! Saranghaeeee! 

Si Seth po yung nasa Picture! :) 

-------

Song Played: I'm Saying  - Lee Hong Ki

Zyrelle POV

Prom Day= End

Vacation Trip= Start! 

Natapos ang Prom na lahat kami ay masaya, mabuti naman walang nangyaring masama hindi tulad noong mga nakaraang araw na kung ano anong pagsubok ang nangyayari samin. Sana hindi na matapos ito.

Masyadong maingay dito sa tabi namin dahil ang iniintay nalang namin ay sina Kristene at si Dwyne. ang usapan naman kasi namin ay 7 pero 6:45 palang siguro na traffic lang sila susunduin pa kasi ni Dwyne si Kristene. 

Eksaktong nakarating nadin yung dalawa kaya hindi na kami nag-aksaya ng panahon sumakay na kami sa Van. Kumpleto naman kaming lahat. Ako,si Shawn,Lianna,Gino,Dwyne ,Kristene pati yung mga kagangmates nina Shawn. 

Mahigit 7 hours pa ang ibabyahe namin kasama nadun yung mga stop overs. Sa Benguet kami nakatira lagpas lang ng Baguio City pero mas malamig at mas maganda ang tanawin dun. Dun ako lumaki kasama ang Nanay at Tatay ko.  Kilala ang Benguet bilang "Salad Bowl of the Philippines" Sa La Trinidad, Benguet  ang bahay namin kilalang kilala dun ang paggawa ng Strawberry Jam parang sa Baguio lang din. Yun ang trabaho ni Nanay ko

Pagdating namin dun paniguradong madami kaming mapapasyalan dahil ilang araw din kaming mag-iistay dun lulubus lubusin nadin namin para sulit ang bakasyon naming magkakasama, masaya ako dahil kasama ko sila ngayong bakasyon nato.

Si Manong Gado ang driver namin kasi hindi pa naman ganun kagaling sa daan sina shawnget baka mamaya ay maaksidente pa kami, wag naman sana Lord. Joke lang yun. Bale ganito ang seating aranggement namin. 

Front Seat : Manong Gado - Neil ( Ka-gang ni Shawnget)

 Kristene- Ako - Lianna 

Dwyne - Shawn - Gino 

Nico - Seth - Luke - Jaztine

---Mga Gamit -----

Dahil hindi ko katabi si shawnget ay nagtatampo ito, napagkasunduan kasi na magkakatabi kaming mga girls para hindi boring eh ayaw patalo. eh hindi naman sya nanalo kaya nagtatampo di ako kinakausap. Natatawa lang sina Dwyne at Gino na katabi nya kasi para syang bata. Kaya nilingon ko sya naka earphone lang sya tapos naglalaro ng games. Nagkatinginan kami tapos sya ang unang umiwas. Nagtatampururut talaga hayae mamaya makikipag exchange nalang ako ng upuan kay Gino.

Wala pa kami sa kalagitnaan ng biyahe e nakaramdam na kami ng gutom. kaya nag stop over muna kami sa isang fastfood resto para kumain dahil ang dala lang naman namin ay puro chips at mga kutkutin. 

pagpasok na pagpasok namin ng resto ay humanap kami ng vacant seat hindi na nagdalawang isip pa si shawn na tumabi sakin. natawa nalang ulit ako kasi para talaga syang batang laging nakadikit sa nanay nya. Pagkadating ng pagkain namin nagdasal muna kami tapos kumain ng mabilis para makapagbyahe agad kami.

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon