Chapter 29: Happiness

10.6K 274 10
                                    

Zyrelle POV

          Sobrang saya ko talaga nitong nakaraang linggo, tanggap na ng magulang ko si Shawn at  hindi na rin kami pinapakielaman ni Gianna. Hindi ko alam kung tumigil na ba talaga siya o may binabalak na naman siya, basta, wala akong balita at madalang ko na rin siyang makita sa campus. Iniirapan lang ako ng mga kampon ni Chloe tapos aalis na rin sila. 

Isa pa sa dahilan kung bakit ako masaya ay dahil narin may dumagdag sa aming magkakaibigan, si Kristen.

Yun nga lang hindi pa rin humuhupa yung mga chismis tungkol sa amin ni Shawn na kesyo ginayuma ko daw si Shawn o kaya naman may black magic daw ako kaya ko nasulot si Shawn pero overall hindi ko na 'yun pinagtutuunan ng pansin. 

Simula ng makasama namin si Kristen napapansin ko na hindi sila magkasundo ni Dwyne, may mga tinginan sila na sila lang din ang nakakaalam. Parang kami lang din ni Shawnget pero syempre walang makakatalo sa kasungitan nitong lalaking ito. Sa amin naman ni Lianna, kalmado at kalog si Dwyne pero pag kay Kristen laging asar na hindi mo maintindihan. Hindi ko lang alam ah pero i smell something fishy sa dalawang ito. 

"Baby, ano na naman ba ang iniisip mo at nakatulala ka diyan?" ani ni shawn, magkasama kami ngayon dito sa park, nakatambay lang habang nakain ng dirty ice cream.

"Wala naman, nagbabalik tanaw lang ako sa mga nangyari nitong nakaraang linggo."

"Bakit mo naman iniisip 'yon?" bahid ang pagtataka na tanong niya

"Masaya lang kasi ako dahil puro magaganda ang nangyari noon, tinaggap ka ni Inay at Itay at hindi nila ako pinatigil sa pag-aaral, hindi na tayo ginugulo ng pinsan ko, tapos may bago akong kaibigan."

"Masaya din naman ako, dahil kasama kita ngayon." nakatitig na sabi niya sa akin. Hindi ko mapigilan mamula kaya hinampas ko siya sa braso, pero dahil mabilis ang reflexes niya agad niyang nahawakan ang palad ko ang pinag-intertwine ang mga ito.

"Got yah!" ginulo na naman nito ang buhok ko tulad ng nakasanayan niya. 

"Pero alam mo Shawnget, natatakot ako na baka pagkatapos ng magagandang nangyari sa atin may kapalit na hindi maganda. Alam mo 'yon?"

"Huwag kang mag-alala, hindi naman ako papayag na may makapanakit sayo eh. Lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako para sa 'yo." hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi niya. Dahil marupok ako ay niyakap ko siya at hindi niya ata expected ang ginawa ko kaya ilang minuto ang lumipas bago niya rin ako yakapin pabalik.

"Hindi mo ba kinakahiya ang itsura ko?" bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin at muli akong tinitigan sa mata.

"Bakit, sa tingin mo ba kaya kita nagustuhan dahil sa itsura mo. Tanggap kita kahit ano ka pa, nakikita ko narin naman ang paunti unting pagbabago mo eh, alam kong tinuturuan ka ng ate ko na mag-ayos. Pero magbago ka man o hindi ikaw parin naman ang gusto ko at walang makakapagpagpabago non." hindi ko alam na naluluha na pala ako sa mga sinabi niya, dahil buong buhay ko siya lan ang lalaking nagsabi sa akin ng mga ganyang kataga. 

---

"Baby, what do you want to eat for lunch? Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan basta mura, ayaw ko doon sa pinuntahan natin noong nakaraan at hihimatayin ako sa presyo ng pagkain."

"Wala namang problema kung mahal yon o hindi ang mahalaga ay maibigay ko ang lahat sayo."

"Sira ka! Basta ayaw ko na ng ganun, okay na nga ako diyan sa tabi tabi."

"Tabi-tabi? Seriously? Sa tingin mo papayag ako na pakakainin ko ang girlfriend ko ng mga pagkain na galing sa tabi tabi lang eh may pera naman ako pampalamon sayo."

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon