Zyrelle's POV
Maaga akong nagising at ginawa ko na lahat ng gagawin ko para mamaya tapos na baka kasi matagalan kami ni Shawnget, hindi ko kasi alam kung saan man dako niya ko dadalhin may tiwala naman ako sakaniya na hindi niya ako ipapahamak. Kahit papaano naman ay na -gain nya yung trust ko mga out of 10 ay 2.5. Hahaha
Pagkatapos ng isang oras kong pag-aayos, mabagal kasi akong kumibo kaya inabot ng isang oras, saka ko tiningnan ang aking orasan. *Time Check: 8:40 AM* ...
9am nga pala ang usapan namin ni Shawnget buti nalang may 20 minutes pa ako.
Inaantay ko si Shawn sa labas ng nirerentahan kong apartment kasi sabi niya intayin ko lang daw siya kaya habang nag-aantay ako naglaro muna ako sa Iphone na binigay niya ng mga games na ininstalled ko.
Nakikita ko sa hindi kalayuan na may paparating na sports car (McLaren 570S) color black. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang kotse! Tumigil ito sa harap ko at bumukas yung pinto pataas.
"Ms Nerd, ano pa ba tinutunga-tunganga mo, get in now and please faster! " Shawn..
Ganda talaga ng bungad sakin ni Shawnget siya nga itong late ng 3 minutes siya pa ang galit eh kanina pa ako nagiintay sa labas. Nako, kung hindi lang maganda kotse nito hindi na ako sasama.
"Oo na po Kamahalan! " sumakay na ako sa kotse ni Shawnget, kahit kailan ang sungit talaga... "Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sakanya, nabano naman ako nung kusang sumara yung pinto ng kotse niya.
" Wag ng maraming tanong, matulog ka muna diyan at gigisingin nalang kita pag-andun na tayo.." Hindi ko maisip kung saan niya ako isasama baka kasi mamaya kung saan nya ako dalhin at kung ano gawin nya sakin. Hate namin ang isa't isa kaya siguro sinama niya ako para gawing tagapag silbi niya or baka itatapon na niya ako sa malayo para maalis na ako sa landas niya? baka nga mas malala pa don? Di kaya ipagbenta niya ako sa mga nangunguha ng laman loob o kaya papakuha niya ako sa alien tutal tropa niya si Kokey?!
"Wag ka nga magisip d'yan ng kung ano wala akong gagawing masama sayo. Asa ka naman pati.." Shawn, habang tutok sa minamaneho niya. Napatingin tuloy ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥
Novela JuvenilThe Campus Nerd To Campus Queen. Everything has beauty, but not everyone can see it. - Zyrelle Tria Lavalle