Chapter 60 : Plaza ♥

3.4K 67 25
                                    

Zyrelle POV

"Nay...kamusta po si tatay? Ano napong kalagayan nya?..", lumapit ako sakanya para yakapin, bakas sa mukha nya ang labis na pagkalungkot at pugto ang kanyang mga mata.

" anak mabuti nandito kana nasa loob pa ng ICU ang tatay mo wala paring balita..", pinaupo ko muna si nanay para mahimasmasan.

"Ano po bang nangyari at biglang inatake si tatay?..", tanong ko sakanya

"H-hindi ko alam anak .. may kausap kanina ang tatay mo pagkatapos nun umalis lamang sila saglit paguwi ng tatay mo sinabi nya sakin na may kelangan syang asikasuhin pero nagulat nalang ako ng bigla syang atakihin.." Hindi ko masyadong maintindihan ang sinabe ni nanay pero alam ko sa sarili ko na may mali. Bakit naman kelangan ni tatay umalis at sino naman yung mga kausap nya?

"Nay? Hindi nyo po ba kilala yung kausap ni tatay?" pagtatakang tanong ko. umiling naman ito sa akin

"hindi ko sila kilala pero mamumukhaan ko , dalawa silang lalaki na naka- suit akala ko nga isa sa matalik na kaibigan ng tatay mo pero parang hindi naman" mangiyak ngiyak pading sabi ni nanay.

"Nay, mabuti pong magpahinga na muna kayo kami napo ang bahala kay tatay" pangungumbinsi ko kay nanay.

"hindi na anak gusto ko malaman muna ang kalagayan ng tatay mo bago ako magpahinga" wala na kaming ibang nagawa kundi ang sundin sya .

"Sige po nay" inantay naming lumabas ang doctor pagkatapos ng mahigit kumulang isang oras ay kinausap na ni nanay si doc para malaman ang lagay ni tatay.

"Misis okay napo ang kalagayan ng asawa nyo, pilitin nyopong wag syang ma-istress o masyadong magpagod dahil mahina po ang puso ng asawa nyo.." ani ng doctor samin 

"S-salamat po Doc!..marami pong salamat" pagkaalis ng doctor ay hinatid muna namin si nanay sa bahay para makapagpahinga na. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa tuwa dahil okay na si tatay o maiiyak ako dahil may dumaan na namang pagsubok samin na di ko inaasahan.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang pabalik na kami sa hospital. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko. Tumigil muna kami dahil sa red light stop.

"Bby..", tawag nya sakin pero nginitian ko nalang sya bilang tugon. Alam ko naman na itatanong nya kung okay lang ako. Tumango naman ito sakin at walang alinlangang sinabi

"Don't worry, I will always here for you hindi kita iiwan I promise...", niyakap nya ako saglit at dumiretso na sa pagmamaneho. Tinawagan ko sina Lianna tinanong ko kung umuwi na sila. Sinabe naman niya na nakauwi na silang lahat at inayos na nila ang mga kalat kanina. Tinanong din nya kung okay na si tatay at sinabe ko namang okay na kasama ko naman si Shawn gusto nya kasing samahan ako pero alam kong pagod na sya at madaling araw na.

Tinanong ko si Shawn kung gusto na nyang umuwi at ako nalang ang magbabantay pero hindi sya pumayag nagpumilit syang samahan ako kaya wala akong nagawa kundi dun kami matulog sa sofa.

Hindi padin ako makatulog dahil may bumabagabag sa isip ko mahigit tatlong oras lang ako nakatulog dahil dumating si nanay kasama si tito Arnel sinabi nya na magpahinga na kami sa bahay siya na ang magbabantay kay Tatay. Sinabi ko nalang na tumawag lang sya kung may problema nagpaalam na kami ni Shawn sakanila.

7 am pagkarating namin nakita kong nasa labas sina Lianna at iba pa. Kumain muna kami ng umagahan bago nila ako kausapin na kelangan na nilang umuwi dahil hanggang ngayon lang yung pinagpaalam nila. Naginsist naman sina Dwyne na pwede naman sila mag-stay dito pero hindi ako pumayag dahil walang kasama pabalik sina Lianna at Kristene kaya wala silang nagawa kundi ang umuwi ng sabay sabay. Ako lang muna ang hindi makakabalik dahil kelangan ko munang magpaiwan tutal medyo matagal pa naman bago magsimula ulit ang pasukan.

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon