Chapter 6 : Bonding Time ♥

15.1K 487 12
                                    


  Zyrelle's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  Zyrelle's POV

             Patapos nako mag ayos ng mga gamit na dadalhin ko ng may kumatok sa apartment ko. Pagbukas ko si Lianna pala, hindi ko inexpect na susunduin niya ako dito sa apartment ko wala naman akong nabanggit sa kaniya kung saan ako tumutuloy at wala akong pinagsabihan kahit sino dahil ayaw kong malaman nila na sa isang maliit lang ako na apartment tumitira. Wala akong maibibigay sakanila incase na bigla silang bumisita at hindi kami kakasya. Saka hindi naman sila sanay na mag-stay sa ganitong lugar dahil karamihan sa mga nag-aaral sa HU ay may mga kaya at puro mga naka- condo.

Binati niya ako pagbukas ko ng pintuan at niyakap ako. Napatingin ako sa kanya at masasabi ko talaga na ang ganda talaga ng best friend ko. Simple lang pero ang ganda niya manamit. Halata mo talagang may kaya sila. Hindi tulad ng iba kung makapagsuot ng damit akala mo rarampa sa isang fashion show eh mag gagala lang naman sa mall. Madami kasing ganun eh yung tipong kaya ka nagsusuot ng mga mamahaling damit ay hindi dahil sa nagagandahan ka lang yun ay dahil narin para ipamukha sa iba na afford mong bumili ng ganong damit na kahit kailan ay hindi mabibili ng mga hampaslupa na kagaya namin. Buti hindi ganon si Lianna napansin ko kasi sakanya na kahit anong isuot niya okay lang hindi siya mapili. Alam kong may kaya sila pero wala siyang suot na maraming alahas. Hindi siya ganon okay na siya sa simpleng hikaw at kwintas niya na ipinamana pa ng lola niya sakaniya.

Naka off shoulder ang pang itaas niya habang naka black denim skirt at ang sapatos niya ay Jeffrey Campbell Legion Lace Up High Heel Booties na black. Para sa akin ang cool ng suot niya hindi puro pa cute lamang. Kahit siguro anong isuot niya ay bagay sakaniya kahit basahan kayang kaya niyang dalhin. Bagay siyang maging ramp model, matangkad naman siya mga 5'6 ang height niya eh tatangkad pa naman siya at wala pa naman kaming eighteen. Hindi ako magtataka kung bakit andaming nagkakandarapa sa kaniya. Well kung naging lalaki lang ako siguro crush ko na siya. Kaya lang straight na girl ako kaya hindi pwede pero humahanga ako sakaniya sobra!

Habang pinagmamasdan ko siya napatingin naman ako sa suot ko. Nakamahabang palda na kulay brown tapos naka rubber shoes na dirty white at naka white t-shirt may tatak pa na looney tunes, naka salamin pa kaya mukhang NERD talaga... Well okay lang naman sakin kahit ganito ang suot ko, kuntento na ako sa kung anong meron ako kesa naman bumili ako ng mga mamahaling damit eh wala naman akong mapapala doon sa halip na ipambili ko ng mga ganun ay ipandadagdag ko nalang sa mga bayarin ko sa school at para sa apartment ko. Buwanan ko kasing binabayaran itong apartment ko kaya minsan hindi na ako kumakain sa school. Ayoko naman humingi ng dagdag na pera kay na inay at itay dahil nahihiya na ako sakanila. ibinenta na nga nila ang kalahati ng lupa para lang may pera ako dito sa syudad. Kaya kailangan ko magtipid kasi wala naman ibang tutulong sakin maliban ang sarili ko.

Mabuti nalang nililibre ako ni Dwyne at Lianna pag nakikita nilang hindi ako naglu- lunch. Naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko at nagpapasalamat ako sakanila dahil kahit hindi ko hingin ay binibigay nila kahit sa mga simpleng paglibre sakin ay malaking utang na loob ko na rin sa kanila 'yun dahil kahit papaano ay mag naga- alala parin sa akin. Pero alam ko ang limitasyon ko hindi ko tinatanggap yung mga ino-offer nila sakin na hindi ko naman kailangan at alam kong wala akong ipambabayad kaya nirerespeto nila ang desisyon ko. Ayaw kong isipin nila na masyado ko silang tine-take for granted hindi ako ganong klase ng tao.

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon