Zyrelle POV
Madaling araw na at gising pa rin ako. Kanina pa tulog sina inay at itay. Dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok ay tinry kong itext si Shawnget baka gising pa.
To: Baby♥ Shawnget
Gising ka pa ba gusto ko lang sana ibalita na nandito sina inay at itay ko ngayon. Gusto ka raw nila makilala bukas okay lang ba sa 'yo? :) pls txt back
nagintay ako ng 2 minuto pero hindi parin siya nagreply kaya tutulog na sana ako ng may nagtext sakin.
From: Baby♥ Shawnget
Sige pupunta ako diyan bukas kaya matulog kana huwag ka ng magpuyat anong oras na oh at gising ka pa, goodnight <3.
Napangiti ako sa sa tinext nya kaya nireplayan ko agad .
To: Baby♥ Shawnget
Sige po, goodnight rin tulog kana. See you bukas . :)
Pagpindot ko ng send ay pinatay ko na ang phone ko at natulog na ako.
------
"Anak gumising ka na " rinig kong sabi ni inay
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at tama nga ako na si Inay ang tumatawag sa akin. Nagising ang diwa ko ng may naamoy akong bacon bigla tuloy akong nagutom.
"Nay nagluto ka po? may naamoy kasi akong mabango eh" nakangiti lang sa akin si inay at hindi sinagot ang tanong ko.
Tumayo na ako, nagtoothbrush at naghilamos muna bago pumunta sa lamesa at nagtaka ako dahil andaming nakahain na pagkain eh tatlo lang naman kaming kakain.
"Nay bakit ang dami mo naman po atang nilutong umagahan natin.. " taka kong tanong .
"Hindi ang inay mo ang nagluto ng mga 'yan. " sabi ni itay sa akin, nasa likod ko lang pala siya.
"Kung hindi po siya edi ikaw po tay? " umiling din siya.
Kung ganon sino ang nagluto alangan namang si Gianna eh pagpiprito nga lang ng itlog hindi niya magawa eh.
"Ako ang nagluto ng mga 'yan baby." wika nung gwapong lalaking nasa gilid ng pintuan naka-apron siya, sino pa ba ang tinutukoy ko syempre wala ng iba kundi si Shawnget.
BINABASA MO ANG
The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥
Novela JuvenilThe Campus Nerd To Campus Queen. Everything has beauty, but not everyone can see it. - Zyrelle Tria Lavalle