Chapter 19 : Insan ♥

12K 337 9
                                    

Zyrelle POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zyrelle POV

          Hindi ko namamalayan ang oras dismissal na pala. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko paglabas ko ng pinto ay may bigla nalang nagtakip ng mata ko.

"Teka! Sino ka? " pagtatanong ko sa nagtakip sakin. Hindi siya sumasagot at halatang nagpipigil sya ng tawa. AHA! Ayaw mong sumagot ah kaya medyo umatras ako at agad tinapakan ang paa niya sa sobrang gulat niya ata kay napadaing siya at inalis ang pagkakatakip sa mata ko. Ang labo tuloy ng salamin ko.

"ARAAAAY! MS NERD BAKIT MO NAMAN TINAPAKAN PAA KO! " Ow! Si Shawnget pala, nakahawak siya sa inapakan kong paa niya... uh oh.

"Ikaw kasi, hindi ka sumasagot kaya akala ko kung sino na,  pinrotektahan ko lang sarili ko no!" Page-explain ko sakanya. Umayos na siya ng pagkakatayo at lumapit sakin.

"Tss .. masama bang ma-miss ka? " then he smirk. Tumaas balahibo ko dun ah. Buti wala na masyadong estudyante ng ganitong oras kundi nako baka gyerahin pa ako ng fans nitong sunget na 'to.

"Baliw! Ano ba kelangan mo?"pagtatanong ko. Hindi ko sinagot yung tanong niya, wala naman kasing sense parang nang-aasar lang. Di niya ako madadala sa mga banat niyang bulok!

"Ihahatid kita kaya nandito ako " Eh wala naman akong natandaan na maysinabe syang ihahatid niya ako, bakit naman niya ako ihahatid ano ako kinder para kelangan pa ng tagahatid sundo.

"Wala ka namang sinabe sakin ihahatid mo ako ah. Saka kaya ko ang sarili ko hindi mo na ako kelangan ihatid sanay na akong magcommute. " Ako

"Kaya nga sinurprise kita eh surprise nga diba? Sinasanay lang kita na ako ang taga hatid sundo mo kesa naman maunahan pa ako ng iba tssk." aba nanliligaw ba talaga to. Hmp! 

" Oo na, wala kana bang practice? " ako, lumapit siya at kinuha 'yong backpack ko.

"Wala, tinapos kona agad para mahatid kita." Aww kikiligin naba ako dun? :3 Hindi ako marupok! 

"Huwag ka munang kiligin hindi pa ako nagsisimula " pahabol niyang sabi, inalis ko ang nagbabadya kong ngiti at pinalitan ko ng serious face, Asar okay na sana eh masyadong panira  itong sungit na 'to di marunong makiramdam! 


"Hindi ako kinikilig! Asa ka pa tara na nga.." nauna na akong naglakad sa kaniya pero mabilis siyang maglakad at malalaki ang hakbang niya kaya naabutan niya agad ako para sumabay sa akin...

"Seryoso ako sa sinabi ko" huh? Ang dami niya kayang sinabe alin ba doon ang tinutukoy niya? Binigyan ko siya ng serious-saan-look.

"Tsk, slow mo talaga. I mean seryoso ako sa panliligaw ko kaya  humanda ka" sa halip na matakot ako hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maguguluhan sa pinagsasabi nitong lalaking ito. Meron pa rin akong gut feeling na parang may mali, bakit parang biglaan naman ata ang lahat ng ito.

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon