Chapter 22 : Date ♥

10.5K 293 10
                                    

Zyrelle POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zyrelle POV

                         Kinabukasan

          Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil iniisip ko pa rin yung pinagusapan namin ni Gianna. Nakapag-isip na rin ako ng magiging desisyon ko at sana tama yung gagawin ko. Huwag ko sanang pagsisihan sa huli. 

Naligo at kumain muna ako hindi pa naman gising si Gianna ng ganitong oras. Alam kong maya maya darating na rin si Shawn, sana pala hindi ko nalang siya pinapunta rito, sa ibang lugar nalang niya dapat ako sunduin para hindi kami makita ni Gianna. Tumingin ako sa bumukas na pinto, gising na pala ang reyna.

"Oh ano napag-isipan mo na ba ? " hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ko ang ginagawa kong pagtotooth brush, pumasok na ako ng cr para doon na magsipilyo pero sumunod ito sa akin.

"Wag mo nga ako tinatalikuran pag kinakausap pa kita! " Pagpigil niya sakin at iniharap ako sakanya. Tiningnan ko siya ng walang kaemo-emosyon.

"Bakit ba hindi ka ba marunong kumatok? saka pwede ba hintayin mo na lang ang magiging desisyon ko.. " pagpiglas ko sakanya ng braso ko. Ihing ihi na rin kasi ako kaya nagmamadali kong isinirado ang pintuan at naiwan siya sa labas.


Gianna POV

Tingnan mo 'tong babaeng to, napaka bastos at napaka walang hiya, iwan ba naman ako eh hindi pa ako tapos makipagusap sakanya! Psh, nakakaasar  hindi pa rin ba siya satisfied sa mga inalok ko sakanya baka naman gusto pa niya ng iba pa. Grabe ah! Hampaslupa talaga ang ganda na nga ng inalok ko tapos tatanggihan pa niya? Ganon na ba talaga niya kamahal si Shawn ko kaya parang hirap na hirap sya ? Halerr! may Dwyne pa  naman siya ah di ba siya makaintindi na kami ang mas bagay ni Shawn? Sheez! She's getting on my nerves! Nauubos na ang pasensya ko sa kanya. Paano kung hindi siya pumayag? Kelangan ko gumawa ng paraan para hindi maging sila.

 Ayaw kong maagaw sa akin ni Zyrelle si Shawn, ayokong pangalawa na lang lagi. Kay Mommy puro nalang si Zyrelle ang masipag, si Zyrelle ang matalino, si Zyrelle na ang independent paano naman ako?  tapos ngayon sa lalaking gusto ko si Zyrelle din ang gusto ? ano bang kailangan kong gawin para mawala sa landas ko yang si Zyrelle masyado ng atribida.

Kailangan ko bang gumawa ng dahas para lang makuha ko si Shawn ? Kung hindi ko makukuha si Shawn ng pakiusapan edi let's get it on. Wala akong paki kung may masagasaan akong tao. Gusto ko ako naman ngayon ang maging bida!

Kinuha ko kaagad 'yung iphone ko at tinawagan si Francis, ex boyfriend ko pero were friends naman.

"Hello ? Francis ! " he answered huskily, mukhang kakagising lang, siguro galing na namang bar.

("Yes Giababes? Ano ang kelangan mo, wanna hang out again? ") stupid! Anong tingin niya sakin babalikan ko ulit siya? Ofcourse not! Kung hindi ko lang talaga siya kailangan ay hindi ko siya tatawagan.  My body is not for sale for GOD sake!

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon