Zyrelle POV
Pagkatapos namin kumain ni Shawn ay hindi pa rin maalis sa mukha niya ang kasiyahan noong sinagot ko siya. Muntik na akong ma-out of balance dahil sa pagkakayakap niya sa akin.
Iniisip niya ata na babastedin ko siya dahil hindi ako nagrereact masyado sa mga sinasabi niya pero ang totoo ay ninanamnam ko lang talaga yung moment kanina, kung pwede lang sana ivideo siya habang nagcoconfess sa akin kanina ko pa ginawa.
Hindi na nagbago ang isip ko noong narinig kong may kausap ang bruhilda kong pinsan sa phone kaninang umaga kaya alam kong may masama siyang binabalak sa akin. Hindi ko na talaga siya mapagkakatiwalaan dahil siya na mismo ang sumisira ng relasyon naming dalawa at kung ano man ang binabalak niya ay handa ako dahil puro nalang kaligayahan niya ang sinusunod ko, dapat ngayon ay kasiyahan ko naman.
Nanumbalik sa aking isipan ang pinagusapan namin ni Inay noon na kapag dumating na ang panahon na makita ko na yung lalaking magpapasaya sa akin ay huwag na akong magdadalawang isip na tumanggi pa dahil kung saan ako sasaya yun dapat ang sundin ko at huwag akong maging sunod sunoran sa iba. Kaya sinunod ko lang kung ano ang mas nararapat, tanggap ko na ang magiging consequences nito, ihahanda ko nalamang ang sarili ko sa posibilidad na mangyari sa akin.
Minsan lang naman ako sumaya kaya sana... sana lang ay siya na nga po yung taong mamahalin at tatanggapin ako kahit sa maikli naming panahon na magkakilala, alam kong marami pang araw na mas lalo namin makikilala ang isa't isa. Hindi ko na kailangan patagalin dahil iisa lang naman din yon eh. Nawa'y wag ko sanang pagsisihan itong desisyon ko.
"Baby.." tawag sa akin ni Shawnget at niyakap niya ako habang nakatalikod.
"Baby?" taka kong tanong. "anong nakain mo?"
"Kung ano 'yong kinain mo ganon rin yung akin, ano kaba iisa lang naman yung kinain natin.. " ayy oo nga ang shunga ko talaga...
"Sorry naman, ay ibig kong sabihin ay bakit baby? Malaki na ako noh!"
"Gusto ko lang tutal mas sweet yon kesa Ms.Nerd hindi ba? Bakit ayaw mo ba hmm?.." Nakoo un lang pala eh mas nakakatawa nga nickname nya eh "Shawnget" ♥ "Ms. Nerd"
"H-hindi naman, ahm ganun din ba ang itatawag ko sa'yo?"Ako.
"Yes baby, i want you to call me that way.. " shet! ang seductive ng boses niya pag nag-eenglish! "Bakit? Do you have any suggestions?" Shawn
"W-wala, ayos na 'yan B-baby" Bakit nauutal ako pag tinatawag ko siyang ganun, masyado lang ata akong naninibago. Hindi kasi ako sanay na tawagin niyang 'Baby' mas nasanay ako sa Ms.Nerd
BINABASA MO ANG
The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥
Roman pour AdolescentsThe Campus Nerd To Campus Queen. Everything has beauty, but not everyone can see it. - Zyrelle Tria Lavalle