Chapter 51: 1vs1

11.7K 270 86
                                    

Zyrelle POV 

February na nagkalat na naman ang mga Lovers dito, pero change topic wala akong lovelife kaya wag na natin pagusapan yan. Nandito ako ngayon sa Gym. Pinapanood ko magpraktis si Shawnget malapit na kasi ang championship sa Friday na sya kaya Double time magpraktis ngayon sina Shawn. (Black Dragon Warriors). Excuse ako sa klase, sabi ko nga kay Shawn ay ayoko manood abay pinilit ba naman ako hindi daw sya magpapraktis pag di daw ako manonood. Abnormal talaga .

"Uy Zypot. Bakit nandito ka? wala kabang klase? " Tumabi sakin si Dwyne. 

"Wala inexcuse ako ni Shawnget eh. Eh ikaw bakit di ka nagpapraktis? Wag kang tamad Dwynepot! " Panloloko ko sakanya. Piningot naman nya ang ilong ko. 

"Kanina pako nagpapraktis nagpapahinga lang ako. Masama ba, Ikaw talaga." kinurot naman nya ngayon yung pisngi ko kaya hinawakan ko din ang pisngi nya at kinurot kodin kaya parehas kaming nasa ganong sitwasyon. 

"Hoy,Wag kayong maglandian dito mahiya naman kayo!" Tiningnan ko kung sino yung sumigaw si SHAWN! Agad kong tinanggal yung pagkakahawak ko kay Dwyne. At lumapit sya samin

"Ms nerd ! Sinama kita dito para bantayan ako hindi para makipaglandian!" Inis na sabi nito sakin. Abat? Makipaglandian daw eh naguusap lang naman kami ni Dwyne.

"Landian bagang! Naguusap lang naman kami ni Dwyne ! Landian agad? Grabe ka! eksahiradaa!" Sabi ko sa kanya. Tumingin naman ito kay Dwyne.

"DWYNE 100 PUSH UPS NOW!!!" sigaw nito kay Dwyne. 

"Per----" may sasabihin pa sana si Dwyne pero nagsalita ulit si Shawnget..

"Wala ng pero pero! 100 push ups Now!"  Di na nakareklamo si Dwyne . Iba talaga pag ikaw ang team captain kawawa naman si Dwyne. Tumingin naman ako kay Shawn.

"Bakit mo naman ginawa kay Dwyne yun? Kapapahinga palang nya, naguusap lang naman pati kami ano bang kinagagalit mo jan?! " tanong ko sakanya. 

"May naguusap bang nagpipisilan ng pisngi?  Daig nyo pa ang magshota eh. " 

"Alam mo magulo kang kausap. Mahirap makipagusap sa Taong Closed minded! Jan kana nga" di ko na sya inantay Sumagot. Umalis nako at dumeretso ng canteen gutom na gutom nako . Mabuti pang kumain kesa makipagtalo kay Shawnget.

------

-Dismissal-

Di ko pinapansin si Shawnget, Manigas sya pagkatapos nyakong sabihang malandi. Abat bahala sya sa buhay nya no. kaya naman nya magpraktis magisa nya tsaka magaling na naman sya. pumunta nalang akong chem lab dahil nandun sina lianna sasabay nalang ako sakanilang umuwi. 

Nakasalubong ko  mga ka-team mates ni shawn.Kaya tinanong ko kung tapos na sila magpraktis at bakit ang agap nila eh dapat mamaya pang 6:30 ang tapos nila eh 4 palang naman. Sabi nila Dinismissed agad ng coach nila yung kanilang Practice dahil nagtotopak daw si Shawn. ano na naman kaya ginawa nong mokong nayon? 

Wala akong choice kungdi puntahan siya sa Garden wala namang ibang tambayan yun kundi dun lang din kasi masarap ang simoy ng hangin dun at mapayapa. bibihira ang pumupunta eh. Pagdating ko sa Garden nakita ko syang naka higa sa bench habang nakatingin sa Langit.  Tinitigan ko muna sya bago ko lapitan hindi naman nya masyadong napansin na dumaan ako at tumabi ako sakanya.

Humiga ako katabi nya akala ko tatayo sya or something pero hindi nakatingin padin sya sa langit na akala mo ay may malalim na iniisip. umabot kami don ng mga pasado 4:30 halos kalahating oras kaming nakatunganga dun. ayaw ko namang mapanisan ng laway kaya ako na ang unang nagsalita.

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon