Chapter 27: Gianna's Plan

10.1K 303 4
                                    

Gianna POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gianna POV

          Nakakainis talaga 'tong Zyrelle na ito napaka mang-aagaw. Kung hindi ko lang talaga yan pinsan mas malupit pa talaga yung ginawa namin sakaniya pati sa mga pakielamera niyang kaibigan. Kaya hindi kami magkasundo sa mga bagay bagay eh simpleng paglayo lang hindi pa niya magawa saka malayo ang agwat namin noh! Pangit siya tapos maganda ako. Tsaka hampas lupa sya mayaman kami. Grabe! Paano ko kaya maalis sa landas ko 'yun.

" Ano naman ang iniisip mo diyan, siguraduhin mong maganda at makakabawi tayo sa bwiset na nerd na 'yon?" inis na sabi ni Chloe, well madaming nagtataka kung bakit magkasama kami nitong babaeng ito. HINDI kami friends at mas lalong hindi ko siya type maging kaibigan as in NO NO NO NO! Sadyang kumampi lang ako dahil may kailangan siya at hindi naging madali kung paano kami nagsanib pwersa. Wala talaga akong paki dito, hindi ko alam basta simula nung nalaman niya na pinsan ko si Zyrella at magka-away kami, nabahag ang buntot nito at nag bait baitan kala mo naman maniniwala ako sa kanya eh kung wala 'tong mga alipores hindi siya makakapag yabang.

"Shut up! Masyado kang maingay you know!? Pwede bang manahimik ka at nag-iisip ako." inis kong sabi, tutal wala ka namang isip kaya ako nalang b!tch! syempre sa isip ko nalang yon baka mabulilyaso pa ang plano ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at nag-walk out para kumuha ng chips. Wala kami sa klase dahil SUSPENDED kami gawa ng magaling kong pinsan. Bwiset din kasi tong Chloe na 'to masyadong atribida din eh pati tuloy ako nadamay, buti hindi na pinatawag ang magulang kundi malilintikan ako nito kayna mommy at kakampihan na naman ang magaling niyang paborito na si Zyrelle.

Nandito ako sa bahay nina Chloe, kesa naman don sa apartment na bulok kami magusap baka mamaya makita pa ulit kami doon, saka hindi ko makakalimutan yung mukha ni Shawn noon na galit, tinulak pa niya ako dapat si Chloe lang yon eh yan tuloy galit rin siya sa akin.

"Tagal mo naman mag-isip, pero oyy may suggestion ako.." Chloe

"Ano naman 'yon?" tanong ko

"Ipadukot mo nalang kaya tapos alam mo na" then she smirked..

"Are you insane? Duh! ayoko makulong kung gusto mo ikaw nalang.." ikaw nalang padukot ko eh isa ka pa.

"Why not? Takot ka ba? Papahirapan mo lang naman eh pag nanlaban edi ipasalvage mo.." patawa tawa pa siya habang sinasabi 'yon, baliw ata 'to. Kahit kailan hindi ako papatay no! Kargo de konsensya ko pa 'yon! Hindi ako ganon kasama.

"Seryoso ka ba diyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Well, suggestion lang naman eh, wala naman masama magsuggest" she answered.

"Oh! Ang pangit naman ng suggestion mo" pangbi-bwiset ko sa kanya.

"Wait what?!" gulat niyang tanong

The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon