Zyrelle POV
Magkahawak kamay kaming pumasok sa mansion nina shawn. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng nga maids nila at sabay sabay silang nag bow. Nilapitan din kami ng Butler nya.
"Young Master kanina papo kayo hinahanap ni Mam Shauntelle." Sumenyas naman si Shawn na pupunta na kami.
Tinitingnan ko yung mga nadadaanan namin, Napaka yaman talaga nina Shawn, Wala akong makikitang ni isang alikabok at lahat ng kagamitan ay Mamahalin.
Nakarating na kami sa kwarto ni Ate Shauntelle, Pagpasok namin unang bumungad sakin ang maamong mukha ng isang babae. Kamukhang kamukha sya ni Ate at ni Shawn.
"Oh, Who are you? " tanong sakin nito, Medyo natulala ako at napatitig bago sumagot.
"Zyrelle po" nginitian naman nya ako at sinalubong si Shawn ng yakap.
"God, I miss you Anak.. Hindi mo ba ako namiss?" tiningnan ko naman ang expression ni Shawn na parang ma-wag-kang-ganyan-nakikita-tayo-ni-ms-nerd-look.
"Ma, kelan pa kayo umuwi?" tanong ni Shawn ng makapasok na kami.
Nagpout naman ang Mommy nya na parang bata, "Bakit? Ayaw mo bang nandito ako? Ikaw talaga. Kagabi lang kami umuwi dito, Ikaw kasi bakit kelangan mo pa sa Condo tumira."
"I want to be independent and.. " Tumingin sya kay Ate Shauntelle at nagsalita. "May amazona kasi akong kasama dito sa bahay baka hindi ako makatagal ng ilang taon puro pasa at sugat tong katawan ko -_-" lumapit naman sakanya ang Ate nya at Inakbayan ng sobrang higpit na akala mo ay sinasakal.
"Sus. Mommy Ayaw nya lang magpalambing sakin. Nagbibinata na kasi tingnan mo oh. Hahaha May pimple na" pang-iinis pa nito sakanya.
"Oo nga pala Ma, Si Zyrelle nga pala yung kinukwento ko sainyo. Yung Babaeng muling nagpatibok ng puso nitong si Shawn" Ate Sha. Inakbayan naman ako ni Shawn.
"Mom , This is Zyrelle soon to be Mrs Harrison yung babaeng di ko kayang mawala sa buhay ko.." *Wink* hinawakan naman nya ang kamay ko at pinakita sa kanila. Di ko mapigilan kiligin. namamawis ang kamay ko sa sobrang kaba.
"Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan , Mag-aral ka muna bago ka magpakasal ni hindi ka nga marunong maglinis ng bahay." natatawang sabi ni Ate Sha.
May kumatok naman sa pinto at yung yung butler na sumalubong samin kanina. pinapatawag daw si Shawn at si Ate Sha ng Lolo at Lola nila. Nagpaalam muna sakin si Shawn at sinabe nyang dito daw muna ako kasama ang mommy nya.
Lumapit naman sakin ang Mommy nila at hinawakan ang kamay ko. " I think I need to talk to you." mas lalo akong kinabahan dahil mukhang may hindi magandang mangyayari. tumungo nalang ako.
----------
" I want to ask you something , Gaano mo ba kamahal ang Anak ko?"
"Hindi ko po masasabe kung gaano dahil ang pagmamahal ko po sa anak ninyo ay kulang pa ang salitang Sobra sobra para sabihing kong Mahal ko ang anak ninyo"
" Makakapagintay kaba kung sakaling mapalayo man saiyo ang anak ko ?"
"Ano pong ibig ninyong sabihin?" hindi ko magets yung sinabe nung mommy nya. mapalayo?
"Wala iha nagtatanong lang ako." binago naman nya yung topic pero sinagot ko yung tanong nya
"Ahm ano po dun po sa tinanong ninyo, kahit gaano pa man po katagal hihintayin ko po sya ano man ang mangyari,"
BINABASA MO ANG
The Campus NERD to Campus QUEEN (TCNCQ) ♥
Teen FictionThe Campus Nerd To Campus Queen. Everything has beauty, but not everyone can see it. - Zyrelle Tria Lavalle