Chapter 15 MISSION 1.1

166 9 2
                                        


Alexa's POV



"Ang misyon ninyong mga BC ay ang iligtas ang natitirang mga normal na species ng mga tao laban sa mga Martians. Napag-alaman naming may pagbabadya ng paglusob ng mga Martians dito at pagtatangkang sakupin ang teritoryo ng mga norms at ang buong Gaszera. Ito ang ikinatakot ng US Embassy noon na posibleng kahihinatnan ng Human Invasion dito sa Mars at siyang dahilan ng pagkabuo namin sa inyo." pagpapatuloy niya. Hanggang ngayon, di pa rin tinatanggap ng utak ko ang mga nangyayari ngayon. Buong akala ko patay na siya, patay na ang nanay ni Nathalie. Pero bakit...bakit buhay siya? Papaano? Agad hinanap ng mga mata ko si Nathalie. Alam kong nabigla rin siya tulad ko. Nahagilap agad ng mga mata ko ang isang Nathalie'ng, seryosong-seryoso at walang bakas na pagka-gulat habang nanonood sa screen at nakikinig sa nanay niya. Doon ko pa naisip na, nakalimutan niya nga pala ang mga pangyayari bago pa siya nakapunta rito. tssss.


"Alam kong iba sa inyo'y di pa alam ang existence ng mga norms dito sa Gaszera. Bago pa man namin kayo ginawang BC, may mga norms na ang naninirahan dito. May iilang norms ang nakakaalam tungkol sa inyo subalit di nila alam kung saan kayo naroroon. Ngayon, bilang bagong SUPERIOR at MENTOR niyo, bibigyan ko kayo ng inyong unang misyon." kaming lahat ay nagulat ng marinig namin iyon.


"Papaano si Ms. G?" bigla kong narinig na may sumigaw mula sa likod. Lahat ng BC pti na rin si Nathalie ay napatingin rin sa kinaroroonan ng boses.


"Binigyan ko siya ng sariling misyon. Kung ano man iyon, kami lang ang nakakaalam." sagot niya.


Ewan ko lang pero iba ang kutob ko sa kanya. Napaka-iba ng aura niya ngayon kaysa sa dating nanay ni Nathalie na nakilala ko noon. There's something different with her. I can't figure out what it is, but! Urgh! >_< Lintek! Bakit di gumagana ang Indigo Capacity - (the Psychometry) ko sa kanya? Di ko siya mabasa.


"Too much for this, I want to see Z and the rest of the officers in SYMPOSIUM - 0 after this event. They will be the one to inform you about your first mission. Ok that's—— Oh, I forgot, Nathalie Howard ! " napalingon naman lahat ng mga BC kay Nathalie na medyo nagulat at nailang nang lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya.


"Nathalie Howard your officially a new member of the BC officers starting today! That's my order! B and Z, you take charge of her! That's all. *bloop*" at tuluyan ngang nawala ang napakalaking screen na bumandera kanina sabay ng pagkaroon ng locomotion sa loob ng gymnasium. Alam kong nabulabog ang lahat dahil sa di inaasahang paglabas niya sa screen. Maging ako! At isa pa! Si Nathalie? Kasali na sa'min? Hindi pa nga siya naka-convert into BC, officer na kaagad siya? Hindi ba mapanganib iyon? Tsk. Sabagay, anak niya si Nathalie. Alam niya ang kaniyang anak. Anyway, kami lang naman ni Nathalie ang nakakaalam na nanay niya iyong nagsalita - si Prof. Cassandria Howard na ngayo'y bago na naming SUPERIOR at MENTOR. Tsk. Iba pa rin ang kutob ko! Urgh! The last time I felt this was on the last day of my parents. Don't tell me... May mamamatay na naman ba? OH NO! Wag naman sana!




****



Nathalie's POV


The Memory ChipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon