CHAPTER 10 FALLING

230 13 1
                                        

Walang kung anu-ano’y sumakay na lang ako kay Ford. Kaysa namang magtutunganga pa ako dun, di ba? Ang importanti, eh, masasagot na rin sa wakas ang lahat ng mga katanungan ko. Maliliwanagan na rin ako dahil alam ko na kung saan mahahanap ang natatanging taong kilala kong makakasagot sa lahat ng mga ‘to. Maghanda ka na Lorna sa mahabang Q&A portion pagdating ko jan!

“Gymnasium” *Ford’s voice*

Ok. Dahil sa sobrang dami ng iniisip ko, di ko na namalayang nandito na pala ako sa Gymnasium.

“Going out!” utos ko kay Ford na automatic namang nag-open ang door. Dali-dali akong bumaba kay Ford at unti-unting tinataas ang ulo ko mula sa pagkakayuko.

(-__-7)

“Ford, sigurado ka bang dito ang Gymnasium?” napahawak ako sa side mirror ni Ford.

"Gymnasium" pag-uulit ni Ford.

“P-pero, Akala ko ba Gymnasium? Eh, wala ‘ata akong nakikitang malaking gusali rito?” 

Honestly, wala talaga akong nakikita. In front of me is just

a barren land…

Nasaan dito ang gymnasium?

*pssssssst*

 Another mysterious creature alert!

WAAAAAH…  Ano na namang klasing nilalang ‘tong naninitsit sa’kin? Wala na ba talagang katapusan ang kababalaghang nagaganap sa araw na’to? HUHU. Kada minuto na lang ba may mag-aaproach sa’king mga AB? Naku naman oh! Kutang-kuta na ako ha?

*pssssssst*

WAAAAAAAAh. >O<

Papalapit ang pagsisitsit. Alam kong nasa likuran ko lang ang nagsisitsit sa’kin. Pero ayoko ng lumingon pa. Baka ano na naman ang makikita ko.

“Hoy, babaeng nakasuot ng pang-mental na lab dress.”  Nag-salita siya.

Ok. Di pala ako ang sinisitsit niya. Assuming ko naman. Tsk. Di naman ako nakapang-mental na dress, di ba , For-------

O___O

WAAAH!

As  in???

The Memory ChipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon