“WAAAAAAH!!!”
>O<
Napapikit at sobrang napatili ako sa takot. Ni kailanman ay di ko pinangarap na mapupunta ang kaluluwa ko sa impyerno. Mas lalong-lao nang di nasagi sa isip ko na mas malala pa pala ang kasasapitan ng katawang lupa ko. Mapupunta ka ba naman ng BUHAY sa UNDERWORLD???
“Wag masyadong O.A. Hindi ito underworld. Nasa Mars tayo at walang underworld dito. Bumaba lang tayo sa Level 3 kasi naturingang nandito sa Level 2.0 ang Gymnasium.” Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ulit ang boses nung lalaking may weird-eye.
T-talaga bang nandito tayo sa Mars? Itatanong ko sana sa kanya kaso
“Nandito na tayo. “ muling saad niya.
Dahil dito, unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
O_O Seriously, di ba nauubusan ng INSANITY ang lugar na’to
“blaaahhahdsjjahjshj”
Di ko na siya napakinggan dahil naagaw na ng mas nakakalaglag-pangang MGA BAGAY ang buong atensyon ko. Akala ko iyong kaninang mga bagay na nakita ko ay ang PINAKA na. Kaso, nagkamali ako. May MAS PINAKA pa pala dun.
“WOW!” yan ulit ang nasambit ko.
Di ko alam kung papaano ko ‘to ie-explain to the point na madedescribe ko talaga kung ano ang nakikita ko ngayon.
Para lang akong nanunuod ng isang SCIENCE DOCUMENTARY sa isang napakalaking screen. Kasi nasa harapan ko ngayon ay isang napakalaking transparent glass na nagsisilbing division ng parting kinatatayuan ko na medyo elevated compared sa kabilang panig. Tanaw na tanaw ko rito mula sa kinatatayuan ko ang
Mga TAYOP! Half Tao – Half Hayop na nakikipag-chismisan sa mga TAOBOT! Half Tao – Half Robot. Humahabilo rin sa kanila ang mga MUTANTS at HYBRID na mga hayop. May mga nakikita rin akong nagliliparang HUMachine (taong may machine na parte sa katawan ex. yung taong may umiikot-ikot na parang sa helicopter na nakakabit talaga sa ulo niya mismo). Lahat sila totoong-totoo. Di ko lubos maisip na nandito ako ngayon sa loob ng parang isang SPACESHIP. Kasama ang iba’t-ibang uri ng ALIENS at iba’t-ibang klasing species sa buong universe.
“Nathalie… Blake…” nabalik ako sa katinuan ng narinig ko ang boses na ‘yun. Alam na alam ko ang boses na ‘to. Ito ang boses ng taong matagal ko ng inaasam-asam na marinig.
“Mama...” sabay lingon ko.
And I knew it. Si mama nga! Para akong batang tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Matagal-tagal ko na ring di nayayakap si Mama ng ganito kasi magmula nung gumawa sila ng sariling lab sa bahay namin ay di na kami nagkakaroon ng oras para makapag-bonding. Di ko inaasahang makikita ko siya rito.
“Oh, dear. You miss me a lot, huh!?” ani nito habang hinihimas-himas ang buhok ko at yakap-yakap pa rin ako.

BINABASA MO ANG
The Memory Chip
Science FictionWHAT IF, Dreamland and real world switch off their places? While sleeping, it's the reality; While waking up, it's just a dream? What if, Sleeping forever means living eternally and waking up means DEATH? WHAT IF, CLOSING YOUR EYES and FALLING INTO...