Nathalie's POV
Urghz! Ang sakit ng ulo ko. Sobra! Napahawak na lang ako sa ulo kong mabibiak na ata sa sobrang sakit.
"Mabuti at gising ka na." napalingon ako kay Blake na kasalukuyang nakadungaw sa bintana.
Napalingon-lingon ako sa buong paligid. This place is so familiar to me. But, di ko lang maalala kung saan at kailan ko 'to nakita. Nasa loob kami ng isang kwartong may walong kama.
"Anong nangyari?" naitanong ko sa kanya kasi ang huling naaalala ko ay nung may ininject sa'min iyong isa sa mga Superiors dun sa Medic Zone at pinasok kami sa isang portal. At after non, malabo na sa'kin ang kasunod na detalye.
"Matagal kang nagising compared sa'min." sagot niya.
Obvious naman. tsk. Iba naman sana ang gusto kong malaman eh. Kaso parang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa malayo.
"Nasan na sila? Ito na ba iyong level 0 na sinasabi niyo? " tinanong ko na lang siya para mabasag ang katahimikan.
"Sinimulan na nila ang kanilang misyon." sagot naman niyang nakatingin sa labas.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at lumapit sa kanya. Bahagyang nakaharap ako sa kanya at nakidungaw na rin sa labas. Dun, muli kong nakita ang mga ka.anyo ko. Masyado silang abala. Nanlumo naman ako nang makita ko ang kabuuan ng paligid. Animo'y kakatapus lang ng isang malaking gyera ang buong lugar. Mga wasak na gusali, umuusok na mga ari't-arian, sira-sirang daanan.
"OMG! Kagagawan ba ito lahat ng mga Martians? " Napatigil ako nang napadako ang mga mata ko sa mukha ni Blake. Nag-iba ang hitsura niya. Parang naging normal na tao rin siya. Naging kulay itim ang mala-abo niyang buhok, naging hazelnut brown naman ang kanyang nakakalulang mata before at di na natatakpan ang left eye niya. Ngayon masasabi ko talagang mas gwapo siya compared kay Zaine! Nung nalaman ko kasing kambal pala sila ng genetic strands ei akala ko kasing gwapo lang sila though-----
ahy teka nga lang Nathalie! Tama na yang kalandian mo dyan! Back to work! - inner voice -_-
"Ang alin?"
"Anong 'Ang Alin' ? Di mo ba nakikita ang mga nakikita ko? " tarantang sagot ko sa kanya kasi para atang wala siyang nakikitang kakaiba sa labas eh kanina pa naman siya nakatingin dun.
Subalit, imbis na tumingin sa labas eh hinawakan niya ang noo ko gamit amg kanyang hintuturo at pumikit.
Wala pa atang isang segundo eh bumitaw na agad siya at napaatras. Animo'y nakakita siya ng multo sa kaanyuan ko.
"Heay? What's wrong? Di mo ba nakikita? Ayan oh! Tumingin ka sa la---" nagulat ako sa aking nakita.
"Papaano? Kanina lang eh---"
"Kahit na anong mangyari, walang ibang dapat na makakaalam sa kung ano man ang nakita mo kanina! Maliwanag?" nangatog ako sa pagkakasabi niya. Kahit wala siyang ekspresyon sa mukha, nararamdaman kong GALIT NA GALIT SIYA at para atang mapapatay niya ako kung di ko siya susundin.
Napatingin na lang ulit ako sa labas. Papaano iyon nangyari?
Alam kong hindi ako namamalik-mata kanina. Kitang-kita ko ang nakakapanlumong imahe ng isang lugar na katatapus lang ng gyera. Pero papaano nangyaring sa isang saglit lang eh, naging normal na ang lahat. Animo'y wala namang naganap na gyera. Tsk!
"At tandaan mo, DAPAT WALANG NORMAL NA TAO ang makakaalam na isa KAMING mga BC!" dagdag pa niya habang nakatitig sa'kin ng masama.
"I-iibig mo bang sabihin, i-isa pa rin akong normal na tao?" utal-utal kong tanong sa kanya dahil sa narinig ko na sila lang ang mga BC.
Unti-unti siyang tumalikod sa'kin at,
"Hindi! At ni kailanman, hindi ka naging normal.""BLAKE!" napalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Alexa.
"Wala na tayong oras para ilihim sa kanya ang katotohanan, Alexa! Tama lang na malaman niya na isa siyang-----"
"STOP IT, BLAKE! PINAG-USAPAN NA NATIN TO, DI BA?" lumapit si Alexa at humarap sa kanya.
"Pero wala na tayong oras! Wala na!"
"HEEAY! Teka lang ha? Teka lang! Ano bang pinagsasabi niyo? May nililihim ba kayo sa'kin? HA?" tumahimik silang dalawa at napailing.
"Alexa, tumingin ka nga sa'kin! May dapat ba akong malaman, ha?" hinawakan ko ang mga balikat niya at pilit na hinahagilap ang kanyang tingin.
"Sagutin mo AKO, ALEXA!"
"GUSTO MO BA TALAGANG MALAMAN? HA?" kumalas siya sa pagkahawak ko at mas lumapit sa'kin.
"OO! GUSTO KO!"
"ISA KANG PAGKAKAMALI!"
Nangingilid ang luha sa mga mata ni Alexa na wari hindi nya gusto ang huling sinabi niya.
"H-ha?" tanging nasambit ko.
"Alam kong wala ka talagang maaalala sa nakaraan mo kasi SINADYA ito ni Prof Howard." pagpapatuloy niya ngunit hindi na siya nakatingin sa akin kundi sa kay Blake.
"You mean, si Papa ang may dahilan bakit may amnesia ako?"
"HINDI MO SIYA AMA! HINDI TAYO MAGKAPATID!" biglang sumabat sa uspan si Blake.
Hindi ako nagulat sa biglaang sigaw niya kundi dun sa sinabi niya! Ano daw? H-hindi ko ama si papa? Hindi ko siya kapatid?
"What the! Ano bang pinagsasabi mo dyan? ha? Isa akong Howard! At sino ka para sabihan akong hindi ako anak ni----"
"Totoo ang sinabi niya, Nathalie." tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Isa sa mga pinagkakatiwalaan ko si Alexa at dahil sa sinabi niya, parang gumuho ang mundo ko.
"Isa ka lang sa mga nilikha ni Prof. H. , Nathalie. Hindi ka normal na tao. Hindi ka rin BC. Kundi isa kang DRONE."
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Overloaded na ang utak ko at sasabog na ato 'to ngayon.
Isa akong PAGKAKAMALI!
Hindi ako Tao.
Hindi ako anak ni papa kundi isa lamang ako sa mga nilikha niya.
Isa akong DRONE?"Uuuuuuuurgh! Ahhhhhh!" napahawak ako sa ulo ko.
"Nathalie... Nathalie..." lumapit silang dalawa sa'kin.
"Annnngggg sakiiiiiiiiit! Aaah!"
bulyaw ko.Mamamatay na ba ako? Ang sakit talaga ng ulo ko. Parang may bombang nakatanim sa loob na sumabog na. Unti-unting akong nanghihina na para bang tumigil ang ang buong systema ng katawan ko. Humihina ang pandinig ko na tanging kabog na lang ng dibdib ko ang aking naririnig at dumidilim na naman ang paningin ko. Sumisikip rin ang dibdib ko na para bang may pumipigil sa'kin sa paghinga.
Napahiga ako.ANNNNNNNSAAAKIIIIIIIIIT!!!!
Bago ako tuluyang nabingi at nawalan ng paningin, nakita ko si Lorna na pumasok sa loob at lumapit sa'kin. Ngunit wala na akong lakas para sambitin sa kanila na kailangan ko ng tulong...
***********
TBC

BINABASA MO ANG
The Memory Chip
Science FictionWHAT IF, Dreamland and real world switch off their places? While sleeping, it's the reality; While waking up, it's just a dream? What if, Sleeping forever means living eternally and waking up means DEATH? WHAT IF, CLOSING YOUR EYES and FALLING INTO...