CHAPTER 13 SURVIVOR

222 10 5
                                    

Tumindig agad lahat ng balhibo ko, nangatog ang buo kong katawan, at nanginig ang aking kalamnan nang napagtanto kong nakasabit sa aking magkabilang balikat ang isang kulay stripe dark blue at violet na napaka-EXTRA, ULTRAMEGA SA LAKI NA

ANACONDA!!!

>O<”

UWAAAH! Help me! Help me! Help me!

“Hello! You are Nathalie, right?”  tumingin ako sa babaeng isang hakbang lang ang layo sa’kin na para bang hindi nakakakitang nasa bingit na ng kamatayan itong kausap niya. P-pero kilala niya ako?

“???” gustuhin ko mang sumagot subalit kusang di lumalabas ang dila ko dahil sa takot na baka konting galaw ko lang, tutuklawin na ako nitong HIGANTING ANACONDA na ‘toh! Tanging eyeballs ko lang yata ang maaari kong igalaw sa sitwasyon kong ‘to, eh! >_<

Paano ba ako napunta rito? OA na masyado ang panaginip na ‘to ha? OA na masyado ang nangyayari sa’kin ngayon! Di pa ba sapat lahat ng mga pinagdaanan kong kabaliwan kanina? Di na ito nakakatuwa, ha! Sa kung sino man ang gumawa o sumulat ng talambuhay kong ‘to, tama na please! Gusto ko ng maliwanagan. Wag mo ng dagdagan ang pagkatuliro ko, please lang. Gulong-gulo na ako! Gusto mo na ba talagang mabaliw ako? HA?

T_T

***********

Alexa’s POV

“By the way, B, nakausap mo na ba si Z tungkol sa unang Practical Lesson na ibibigay natin sa mga R.O.Y Apprentices for their 1st phase?” kakalabas lang namin ngayon ni Nathalie galing sa dressing room. Marami pa sana akong sasabihin sa kanya kaso, tinawag na kami ni Blake.

“Oo. May pinaplano na siya.” Matipid na sagot niya. Sanay na ako sa isang ‘to! Kung gaano kadaldal ang utol niya, ganun naman siya katipid magsalita. Tsk.

“Aba’y dapat lang! Bilang leader natin, dapat talagang gampanan niya ang kaniyang tungkulin. Di yung puro ka-gwapuhan lang ang alam niya.” Ok! Obvious naman di ba? Na Ayoko sa utol ni Blake na si Z, short for Zaine. Kambal sila ng genetics pero isa sa mga DNA strands nila, which consists their EXTRASENSORY PERCEPTION, ay iniba. Kaya ‘yan. Kaya siguro napaka-opposite nila sa isa’t-isa. Si Blake naman talaga sana ang nanalo sa botohan, eh! Ewan ko ba kung bakit pumayag lang siya na ang hirangin bilang leader ay si Z imbes na siya.

Napalingon naman ako kay Nathalie na biglang humigpit ang pagkakapit sa braso ko. Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko. Tsk! Sabi na nga ba. BFF talaga kami nitong si Nathalie. We had the same reaction nung tinitigan rin nila ako nun ng ganitong-ganito. I was with Miss G that time kaya dun ako sa kanya napakapit. Naalala ko pa nun nung sinabihan ako ni Miss G na wag na wag akong maglilikot-likot ng tingin at baka mapadako pa ako sa mga mata ni Victoria – the most delicate and the deadliest illusionist in Gaszera. Kaya ayun, di ko rin kinalimutang pagbalaan si Nathalie. Mahirap na, baka di niya makayanan ang nakakamatay na kuryenteng magtutusta sa buo niyang katawan. Ako nga, kahit isa na akong Bionic Creature nuon nung nakatagisan ko siya ay ilang buwan din akong na-coma. Si Nathalie pa kaya na, ke-bago2x at TAO pa talaga!!!

The Memory ChipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon