CHAPTER 9 Mars

239 12 5
                                        

Kahit inis na inis na ako sa Humanicorn na ‘to, pinakinggan ko na lang at sinasabayan siya. Kasi, bukod sa ang lakas2x ng boses niya na abot hangang Mars, eh, informative naman ang dinadaldal niya. Satsat lang siya ng satsat habang ako naman sumasabay sa kanya sa paglalakad. Di ko na lang muna iniintindi ang MGA STRANGE THINGS NA NASA KAPALIGIRAN. Baka tuluyan ng malaglag ang panga ko dito sa kakaibang sahig kung siseryosohin ko pa ang mga nakapalibot sa’kin.

“Pasalamat ka nasa Level 3 ka na agad ke-bago2x mo pa. Iyong iba nga, kahit nakaabot na sa Stage I ang Capacity nila , eh, hanggang Level 2.1 lang ang naapakan nilang teritoryo---”

“Teka nga! Teka … Nalilito pa nga ako tapos lilituhin mo na naman ako sa mga pinagsasabi mo. Pwedi mo bang i-step-by-step lahat? Ok? First, ano muna yang capacity na pinagsasabi mo?” putol ko sa linya niya. Di ako naghihiganti. Litong-lito lang talaga ako kaya gusto ko ng maliwanagan agad.

“HAAAAY! Sinabi ko na yan sayo kanina di ba?” she rolled her eyes to me.

WAW! Pasalamat ka’t kailangan ko lang talaga ng mga info’s. Kasi kung hindi, matagal na kitang ginawang corned horse jan. –inner voice.

“Eh, di ulitin mo.”  Konting tiis lang Nathalie. You need her.

“HOOOKAY!. Capacity, lahat ng nandito sa Gaszera, may sariling CAPACITY. In other words , walang ni isang nandito ay normal na tao.”

“So, lahat kayo rito, mga AB?” sabat ko sa kanya.

“AB?” kunot-noong napalingon siya sa’kin. Nauuna kasi siya ng dalawang hakbang sa’kin. Bali nakasunod ako sa kanya habang naglalakad kami patungong ewan.

“Yes, I mean, ABnormal ! Di ba sabi mo , Walang ni isang nandito ay normal na tao, so mga Abnormal kayong lahat dito?”  joke ko lang ‘yun ok? Don’t take it seriously. Pinipikon ko lang rin ang isang ‘to.

“GAGA mo talaga… Paano ka ba naging anak ng mga Scientists, huh? Grabe…”

>>__<<

Aba’t. Di rin nagpatalo itong-----

“UUrgh! PWEDI BA? SAGUTIN MO NA LANG ANG TANONG KO, STRAIGHT TO THE POINT! PWEDI?” napalakas ko ‘ata ang boses ko. Nasi-sense ko kasi na lahat ng mga TAOBOT at STRANGE chu2x eh, napatingin sa’kin. Pati na rin itong kasama kong Humanicorn, napatigil ko.

“Hokay.Hokay?. C-chill ka lang. Eto na po. Mag-eexplain na. *ehem* Capacity is the ability to CONTAIN, RECEIVE or ACCOMMODATE certain special SKILLS. Every now and then, the Capacity that we have will be evaluated. All Trainees must level up their Capacity in order to be promoted into higher stage.“

“Stage?”

“Hindi stage na kung saan nagpeperform ang mga artista hokay?”

The Memory ChipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon