CHAPTER 16 INTRUDERS

149 7 0
                                    

[a/n: AFTER 987654321 years, naka-update na rin sa wakas. Sorry po at ngayon lang naka-update, napaka-busy po kasi sa school at medyo nagkaproblema sa pamilya. Sa lahat po ng naghihintay at nagbabasa ng storya kong 'to, MARAMING THANK YOU PO :-* Anyway, patuloy niyo po sanang suportahan ang THE MEMORY CHIP. At sabay2x nating samahan si Nathalie sa JOURNEY niya sa MARS. ^_^ ENJOY READING]

********

Nathalie's POV

"Nathalie!" kalilingon ko pa lang sana kay Alexa na nahuli sa paglabas dun sa Symposium nang biglang,

"CATCH!" sigaw niya sabay tapon ng isang maliit na parang remote control.

"Woah! Anbilis mo nasalo 'ah! Di kaya, ang Capacity mo is AGILITY?" biglang winika ni Michelle nung nasalo ko agad ang itinapon sa'kin ni Alexa.

Kasalukuyang nasa gymnasium 2 building kami ngayon. Dito nagsasanay ang mga officers pag may examination silang pinaghahandaan. Iyong gym 1 building naman daw ay para sa mga di officers. Malaki kasi iyon compared to this building. Paano ko nalaman? They gave me a tour first after the meeting with mama and before we started this activity that we are doing now.

"Pwedi rin. May point ka dun Michelle. How about this!" – si Jacquine- isa rin sa mga officers na pangalan niya pa lang ang alam ko.

"ARAY! Ansakit nun ha!" napahawak ako sa may batuk ko ng biglang may nambato sa'kin.

"Ay, Hindi pala! Sorry!" saad naman ni Michelle.

"Hindi niyo pa rin nalalaman ang Capacity niya?" tanong ni Alexa.

"Obvious naman ,di ba?" sagot ni Zaine.

"Duh!? Ang weak mo kasi!" pabulong na sambit niya na may paikot-ikot pa ng mata!"

"Anong sabi mo?" - Zaine

"Wala! Sabi ko, we need to know her Capacity ASAP! Remember, may tatlong araw lang tayo! May aasikasuhin pa tayong practical lesson para sa mga R.O.Y. apprentices, remember?" lumapit si Alexa sa'kin at nagpatuloy sa pagsasalita niya.

"Nathalie, can I ask you a question?" lahat sila napatingin sa'kin, maging si Blake, na kanina lang tahimik sa tabi at di nakikipaghalubilo sa'min.

"T—ungkol san, Best?" tugon ko sa kaniya habang nakatitig kay Blake.

"Paano mo natiis ang kamandag ni Victoria?" halos silang lahat napalapit sa'kin. Isa isa ko silang tinignan at para bang napaka-eager nilang malaman kung bakit. Except kay Blake na walang ka emo-emosyon ang mukha, silang lahat napa – "Oo nga" – looks sa tanong ni Alexa sa'kin.

"W—wait lang guys! Kinikilabutan ako sa inyong mga tingin, eh. Bakit ganyan kayo makatingin sa'kin?"

"Ikaw lang naman kasi ang unang nakaligtas sa makamandag na tingin ni Victoria , I mean ni Miss V, N. Ikaw pa lang!" medyo nagulat ako sa sinabi ni Wilchie – ang ika-walong officer.

"I really don't know! Akala ko nga katapusan ko na that time eh! I tried not to look straight into her eyes kasi iyan ang bilin sa'kin ni Alexa, but, di ko napigilan lalong-lalo na nung pumulupot na sa balikat ko si Drone!" silang lahat nasindak sa sinabi ko.

"OMG! Di kaya, ang ABILITY mo is to----"

*BOOOOOOGSH!*

Hindi natuloy ni Alexa ang sasabihan niya nang biglang may malakas na pagsabog kaming narinig mula sa ilalim. Lumabas kami ng gymnasium 2 at nakita naming nagkagulo ang mga BC at HY-MU sa labas.

[ ALERT!](robotic voice)

[ INTRUDERS! ALERT ! ]

Biglang umalingaw-ngaw sa buong kapaligiran ang girl-verion voice ni Fugo na sa pagkakaalala ko si MICRA. Sabay tunog ng parang serin na may halong parang wang2x ng pulis.

The Memory ChipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon