ALEXA'S POV
Halos mataranta na kami ni Blake dahil biglang sumigaw si Nathalie na namimilipit sa sobrang sakit. Ilang saglit pa, nagulat kami nang dumating si Lorna na pawisan at humahangos at pilit inaakay si Nathalie na ngayo'y wala ng malay.
"L? Anong ginagawa mo dito?" Pinilit ko siyang harapin.
"Kailangan na nating tumakas bago pa tayo abutan ng mga kaaway!" Halatang nagmamadali ang boses ni Lorna wari'y may humahabol sa kanya.
"Ano? Mga kaaway? You mean ang mga Martians?" Nagpalit kami ng pwesto ni Blake na kanina'y kaalalay ni Lorna sa pag-akay ni Nathalie at dali daling sumilip dun sa may bintana.
"Hindi! Kundi ang mga pumatay sa mga magulang nyo!" Napatigil ako sa sinabi ni Lorna. Biglang bumalik ang sakit na naramdaman ko nung nakita ko ang mga labi ng mga magulang ko. Bumalik ang mga alaala sa huling sandaling nakapiling ko sila.
"Wala na tayong oras pa. Andito na sila. Ako na ang bahal-----" hindi na natapos ni Blake ang gusto niyang sabihin dahil biglang bumukas ang pinto. Nangatog naman ako sa aking nakita nang iluwa ng pintuan ang apat na higanting tao. Silang lahat ay nakaitim na parang mga sindikato. Nakasuot ng shades at face masks na puro kulay itim at may dala-dalang mga high-powered guns na animoy isang bala lang ay nakakakitil na ng buhay. Ngunit, ang pinaka nagpakagulantang sa'kin ay nang biglang lumitaw sa harapan namin ang isang babaeng kilala naming lahat sa Gaszera. Isang taong di ko inaasahang kasapi pala sa mga nagpatay sa mga magulang ko.
"IKAW?" napabulyaw ako. Hindi maaari. Hindi ko 'to inaasahan! Subalit, imbis na sumagot siya ay parang wala siyang narinig at parang hindi niya kami nakita at unti-unti nitong tinaas ang hawak niyang armas at tinutok sa direksyon namin. Katapusan na ba talaga namin? Napapikit na lang ako nang makarinig ako ng isang putok!
"Waa-----" sisigaw pa sana ako nang biglang
"UGHHHHH! Nakatakas sila! Halughugin niyo ang buong paligid! Hindi pa sila nakakalayo! BILIS!"
napamulat ako dahil sa narinig ko galing dun sa babae. Napatingin ako kay B na napabuntong hininga at dun ko naalala ang capacity niya.
"Salamat B. Muntik na 'yon. Akala ko katapusan na natin." Nasambit ko sa kanya. Habang may binulong sa kanya si Lorna, unti-unti kong nararamdam ang pagteteleport ng mga katawan namin. And all of a sudden, napadpad kami sa isang liblib na lugar kung saan maraming mga aparatus katulad nung nasa lab nila mama at papa nung buhay pa sila.
"Alam kong nagulat kayo nang makita niyo si Ghail. Oo! Kasapi siya sa isang organisasyong layuning sakupin ang Gaszera. Pinatay nila ang mga magulang niyo sa kadahilanang hadlang sila sa mga plano nila." Wika ni Lorna habang nilalapag namin si Nathalie na wala pa ring malay.
Oo. Tama kayo sa inyong mga hinala. Si Miss Ghail nga o mas kilala namin sa Gaszera bilang Miss G. Siya ang lapastangan.
"Teka nga L. Kailan mo pa nalaman lahat ng 'to? Ha? At anong organisasyon ba ang tinutukoy mong pumatay sa mga magulang namin?"
Napatigil si Lorna at napatitig sa mukha ni Nathalie. Nakita kong tumingin rin si Blake kay Lorna.
"Matagal ko nang alam." Tipid niyang sagot.
"Matagal na? Pero bakit di mo agad sinabi sa'min? Alam na ba to ng mga superiors and masters natin? Ha?"
"Hindi pa."
"BAKIT?" napasigaw na ako sa dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman ngayon. Ang sakit sa nakaraan, ang di ko inaasahang pagtatraydor ng isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko at higit sa lahat , ang malaman na may isang malapit na taong kilala ko ang inilihim pa sa'kin ang lahat!
"Dahil dito!" Di ko na namalayang nasa harap na pala si Lorna sa isang computer na nasa bandang ulohan ni Nathalie. May kung anu-ano siyang pinipindot sa monitor nito at may biglang may nag-play na video.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapaiyak dahil sa pinapanuod ko. Napaluhod naman si Blake dahil dun. Habang si Lorna, napayakap kay Nathalie.
After all this time, DI NASAGI SA ISIPAN KO ANG LAHAT NG 'TO! Bigla akong nakadama ng guilt nang mapatitig ako sa aking best friend. At pinagsisihan ko ang lahat ng sinabi ko sa kanya kanina. Akala ko pagkakamali siya ngunit nagkakamali ako!
SIYA PALA ANG PAG-ASA NAMIN.
***
TBC[A/n: maraming salamat po sa lahat ng mga nag-aadd ng Memory Chip sa reading list nila, sa mga nagbabasa at sa mga maiging naghihintay sa update nito. God bless you all.]

BINABASA MO ANG
The Memory Chip
Science FictionWHAT IF, Dreamland and real world switch off their places? While sleeping, it's the reality; While waking up, it's just a dream? What if, Sleeping forever means living eternally and waking up means DEATH? WHAT IF, CLOSING YOUR EYES and FALLING INTO...