Chapter 20

129 4 1
                                        

Lance's POV

Nagising ako dahil sa mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Minulat ko ang aking mata at nakita ko si Margie na nakaunan sa dibdib ko. Nakayakap sa katawan ko ang kanyang kamay, at ang kamay ko ay nasa kanyang pang upo at marahan iyong hinahaplos. Ohhh shit! Mabilis kong nilayo ang kamay ko mula doon at maingat kong inangat ang ulo niya para ilipat sa braso ko.

Nakatulog na pala ako kagabi habang nakasandal sa kanyang paa. I don't know why pero ang gaan ng pakiramdam ko noong sandaling humilig ako sa mga paa niya, parang nawala lahat ng pagod ko sa maghapon. Ganito rin kaya ang nararamdaman niya kapag malapit ako sa kanya?

Ang amo ng mukha niya kapag natutulog. Pwede bang lagi nalang siyang tulog?

I took a few strands of her hair from her face and tucked them behind her ear then caressed her soft cheek with the back of my palm. Ang ganda niya, salbahe nga lang at sobrang ingay ng bibig.

Nagmulat ang mga mata niya at biglang bumangon nang makita niya ako at hinampas ako sa aking dibdib.

"A-anong ginawa mo sa akin? Manyak ka! Bakit tayo magkabi ha? S-siguro pinagnasaan mo ang katawan ko habang natutulog ako, no?" tiningnan niya ang buo niyang katawan para masiguro kung may nagbago doon. Nakatitig lang ako sa kanya habang namamaril ng salita ang bibig niya. Para akong nahihibang sa bawat pagbuka ng bibig niya.

"Lance sumagot ka nga, a-anong ginawa mo sa akin? Nasaan ang cellphone ko tatawagan ko si mommy isusumbong kita. You p-pervert!"

She was about to stand up when I suddenly grabbed her by the hand and pulled her to my chest and locked her in my arms. Walang ni isa ang nagsalita sa aming dalawa, nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghinga niya.

She could hear my heart beating fast. I hope that's enough for her to know that the touch of her body has an effect on me, that she's the only one that makes my heart beat this fast. That I consider her not just a fiance.

Margie's POV

"Stay" sabi ni Lance at hinagod niya ang buhok ko. I can hear his heartbeat, ang bilis ng pagtibok noon katulad sa akin kapag malapit ang presensya niya sa akin, katulad ngayon.

Ramdam na ramdam ko ang matikas niyang dibdib.

"Lance?"I called him in a low voice.

"Hmmm?"he replied in a husky tone while his hand is on my head playing some strand of my hair.

"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko na halos ako nalang ang nakarinig.

Naramdaman kong napatigil ang kamay niya sa paglalaro sa buhok ko. Kinabahan ako bigla, bakit ko ba naitanong iyon?

"Because you're mine"

"Ha?"

Takang tanong ko at nag angat ng tingin sa kanya. Diretso ang tingin niya sa kisame. Ano kaya ang iniisip niya?

Ginagawa mo lang ba ang lahat ng ito dahil fiance mo ako?

Gusto kong itanong iyon kay Lance.

Nagbaba siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin, nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Ngumiti siya, at para akong kiniliti dahil sobrang gwapo niya.

"Ang ibig sabihin non akin ka at...sayo lang ako"

Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko. Sabihin niyo sa akin na tama ang narinig ko. Kung tama man ang narinig, ipapalagay ko maya sa bulletin board na taken na ako, ackkk.

"Trina ayusin mo, hindi pantay, konti pa" malapad ang ngiti ko habang tinitingnan ang mga papel na nakadikit sa bulletin board, Margie Ysha 'kay Lance lang' Onabia.

My Pervert FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon