Margie's POV
Alasingko na kami ni Lance nakarating sa bahay. I had fun today with Lance.
FLASHBACK..
Hila hila ni Lance ang kamay ko hanggang makarating kami sa parking lot.
"T-teka Lance, where are we going?"
Tanong ko sa kanya, akala ko kasi pupunta lang kami sa cafeteria or sa classroom.
"We're going home baby" dahil sa sinabi niya agad akong kumalas sa pagkakahawak niya.
"Pero may klase pa tayo" binuksan niya ang pinto ng kanyang kotse at tumingin sa akin.
"Nakalimutan mo na ba na ako na ang susunod na mag mamay ari ng university na ito? And ofcourse soon to be yours " oo nga naman, ano nga ba ang magagawa ng principal kung the next owner of this university na ang kausap? At yung huli niyang sinabi kinilig ako don.
"Sige ikaw bahala" sabi ko sa kanya at sumakay na sa kotse niya. Uuwi lang rin naman akong walang natutunan.
Nakarating kami sa mall?
"L-Lance akala ko ba uuwi na tayo?"
Takang tanong ko sakanya pero kinindatan niya lang ako bago ito bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
"Shit! Why did you hit me?" Reklamo niya habang hinihimas himas ang balikat niya na hinampas ko.
"Ewan ko sayo, may pa we're going home, we're going home kapang nalalaman" nauna na akong maglakad papasok sa mall.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko habang naglalakad. Alam kong si Lance iyon kaya hindi ako lumingon at tuloy tuloy lang na naglakad.
"Hey Margie! Any problem? " napatingin ako sa mga kamay na nakahawak sa akin at unti unting inangat ang paningin ko sa kanyang mukha. Mabilis kong binawi ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"Zeke. What are you doing here?"
Tanong ko kay Zeke habang palinga linga sa paligid, shit akala ko si Lance kaya hinayaan ko lang pero si Zeke pala.
"May kailangan lang akong bilhin, tapos nakita kita. Eh ikaw anong ginagawa mo rito" tanong niya habang nasa listahan ng papel nakatingin.
"Ahmm may bibilhin lang rin ako" pagdadahilan ko, ayokong sabihin na kasama ko si Lance because knowing of Zeke napakarami laging tanong.
"Ganon ba? Tara sabay na tayo" bigla niyang hinila ang kamay ko papuntang bookstore.
Habang kumukuha si Zeke ng mga binibili niyang libro, ako naman ay abala sa kakalingon kung saan saan.
"Akala ko ba may bibilhin ka?" Tanong sa akin ni Zeke kaya napatuwid ako ng tingin sa kanya.
"Wala na pala, naalala ko kasi meron pa pala non sa bahay "
Sabi ko nalang eh wala naman kasi akong dalang pera tapos iniwan ko naman bigla si Lance, tuloy problema ko pa kung paano ako uuwi.
"Ganon ba? Paano kaya kung sabay na tayong umuwi?" Pag aalok niya, gusto ko sana pero si Lance, paano kung hinahanap niya ako?
asa ka!
epal na naman ang utak ko.
"Sorry Zeke hindi pwede, eh" sabi ko at kunwaring may hinahanap na bilihin.
"Huh? Bakit naman? eh wala ka namang kasama diba?" Oh diba napakarami niyang tanong kaya dapat lagi kang may handang sagot para sa kanya.
"May kasama ako" mula sa pagpipili ng mga binibili niya, nabaling ang tingin niya sa akn.
"Sino?"
"Ako"
Para akong nanigas dahil sa boses na narinig ko sa aking likuran, unti unti akong lumingon at nakita ko si Lance na nakatiim bagang.
"Lance saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinintay" ngiting ngiti na sabi ko, nagbabakasakaling malampasan ko ang pag iwan sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at tumingin sa likuran ko kung saan nakaroon si Zeke.
"Oh ikaw, hinintay mo rin ba ako?"
Maangas na tanong niya kay Zeke, lihim naman akong napangiti dahil sa inakto niya.
"Hindi bro, nakita ko kasi kaninang naglalakad mag isa si Margie kaya nilapitan ko, sakto namang pareho kaming may bibilhin kaya sabay na kaming pumunta rito"pag papaliwanag ni Zeke habang inaayos ang mga pinamili niya.
"Alis na" pagtataboy nya kay Zeke.
"Ikaw narin ba ang may ari ng mall ngayon bro?" Pang aasar ni Zeke sa kanya habang nagpipigil ng tawa.
"Bibilhin ko" maangas na sagot ni Lance at hinila ako palabas sa bookstore, pero bago pa ako makalayo sumenyas ako kay Zeke na pasensya na.
"Lance naman"
Pagrereklamo ko pero hindi ako nito pinansin at tuloy tuloy lang ito sa paghila sa akin.
"Lance sorry na" tiningnan niya lang ako ng masama .
Nakarating kami sa likod ng mall kung saan mayroong sea side. Ang ganda ng dagat, ramdam na ramdam ko ang pag haplos ng hangin sa aking balat.
"Tsk. Kaya mo ba ako iniwan para samahan si Zeke?" Napatingin ako kay Lance na ngayon ay nakaupo na sa batong hamba.
"Hindi, iniwan kita kasi sabi mo uuwi tayo pero sa mall mo ako dinala, tapos yung kay Zeke.. tama ang sinabi niya kanina, nagkataon lang" bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila paupo sa tabi niya .
Umakbay siya sa akin at inihilig niya ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Ayukong makita ka na may kasamang ibang lalaki, gusto ko ako lang" sabi niya habang nilalagay sa tainga ko ang aking buhok na nililipad ng hangin.
"Unfair naman kung makita kitang may kasamang babae" tila nagtatampo kong sabi.
"Ikaw lang" sabi niya kaya syempre kinilig ako.
"Ang ganda dito, Lance " bulalas ko habang pimagmamasdan ang tanawin.
"Ang ganda nga, sobrang ganda" napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Napayuko ako dahil sa tingin niya.
"Margie"
"Hmmm"
hinawakan niya ang mukha ko at dahan dahang inangat.
"I love you"
"Sige"
Hindi ko alam kung bakit iyon ang naisagot ko.
BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance
RomanceHi, I'm Margie Ysha Onabia. I don't want to rush everything, I just want to enjoy being nineteen years old. Even though I was still in the womb, I was destined for a man. Even though I live in a house with my fiance 'supposedly' My fiancé is hand...
