(Lance's POV)
Abot tainga ang ngiti ko nang marinig ang pagmamakaawa ni Margie, lihim akong napangiti. Nasa bokabularyo niya din pala ang mag makaawa.
She's so unbelievable .
Hindi ko alam pero gusto ko siyang laging inaasar, matagal ko na siyang kilala dahil pinsan siya ng kaibigan kong si Luke sikat din siya dito sa campus at tinaguriang Ms. Queen. Pogi rin naman ako at kilala dito sa campus pero bakit parang dedma lang ako s kanya? Pangit ba ako?
Maganda siya matangkad halos nasa kanya na ang lahat kaso sa araw araw na nakikita ko siya napagtanto ko na may pagkasalbahe pala ang babaeng iyon na kahit ako ay sinuntok niya. Grabe hindi ako makapaniwalang nasuntok ako ng isang babae for the fucking first time in my entire life.
Pinilit kong maging seryoso at muling humarap sa kanya.
"Sorry is not enough, all I need is talk to your parents"
Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya pero nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang aking kamay, parang may dumaloy na kuryente sa magkadampi ng aming mga kamay. Alam niyo yung basa ang kamay mo tapos humawak ka sa kuryente? Ganon ng nararamdaman ko.
"Please gawin mo na ang lahat ng gusto mo kahit anong parusa tatanggapin ko basta wag mo nang kausapin ang mga magulang ko, please"
Bakas ang pagmamakaawa sa kanyang boses, walang halong katarayan sa mga mata niya. Nalala ko ang sinabi niya.
Tatanggapin ko lahat ng kahit na anong parusa mo
*Smirk*
"Follow me at my office, we need to talk privately "
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata pfffftttttt.....naalala ko tuloy ang nangyari sa parking lot. Hindi ko naman talaga intention na halikan siya gusto ko lang siyang asarin.
Margie's POV
Kinakabahan akong sumunod kay Lance papunta sa kanyang office. Yes, his office ewan ko ba sa lalaking ito napaka arte porque anak ng may ari ng school may pa office office pang nalalaman. Sa bagay he will be the next owner of this school, naiisip ko tuloy ano nalang kaya and magiging kalagayan ng university na ito sa panahong siya na ang nangangalaga dito? Baka kung saan saan nalang maglampungan ang mga studyante dito dahil syempre manyak na ang may ari ng university na ito.
"Aray, ano ba!"
Bulalas ko nang tumama ako sa likuran ni Lance, itong lalaking to bakit ba kasi siya tumigil sa paglalakad?
Humarap siha saakin.
"Tsk bulag kaba o baka naman sinadya mo lang talaga na tumama yang katawan mo sa katawan ko"
May halong pang aasar sa kanyang boses habang ako ay nagngingit sa galit dahil sa kayabangan niya. In his dreams!
"Kilabutan ka nga sa mga pinagsa-"
Agad akong napahawak sa aking bibig nang sandaling marealize ko ang dapat na sasabihin ko.
Calm down Margie calm down, kailangan mo munang magpakabait.
Pagpapakalma ko sa aking sarili.
Taas noo siyang lumapit sa akin at hinapit ang aking bewang.
"Ano iyon, baby?"baby mo mukha mo!
Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa bawat pagbigkas ng mga salitang iyon dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Maingat ko siyang tinulak palayo sa akin dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko idagdag mo pa yung sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso hmmnnn makapagpacheck up nga pag may time baka may sakit na ako sa puso.
![](https://img.wattpad.com/cover/143123975-288-k663479.jpg)
BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance
Любовные романыHi, I'm Margie Ysha Onabia. I don't want to rush everything, I just want to enjoy being nineteen years old. Even though I was still in the womb, I was destined for a man. Even though I live in a house with my fiance 'supposedly' My fiancé is hand...