(Margie's POV)
Ahmm Hi! Let me introduce my self first. My Name is Margie Ysha Onabia but you can call me Margie if WE'RE CLOSE, 19 years of age. First day of school ngayon, sino ba naman ang hindi excited sa ganitong araw? Ang unang araw ng pasukan, tapos pagkalipas ng ilang buwan ay tatamarin na rin kaagad.
I really miss my best friend na, kamusta na kaya ang baliw na Trinang yon? Kaya bumangon na ako sa kama ko para makapaghanda na sa pagpasok.
While I'm eating my breakfast, suddenly my phone rang. Kinuha ko yun sa bulsa ng uniform ko at sinagot ng hindi man lang inalam kung sino ang tumawag.
"Hello"
"Kyahhh besshy where are you na?"
Agad kong inilayo ang cellphone sa tainga ko. I know that voice, boses palang alam ko na kung sino. I rolled my eyes kahit hindi niya nakikita.
"Can you please stop shouting, Trina? I'm still eating breakfast and I'm getting ready to go to school"
"OK I'll wait-"
Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na matapos ang sinasabi niya dahil agad ko ng pinatay ang tawag.
*glad she's my best friend or else I'll kill her*
SFIA (Saint Fuentabilla International Academy)
Naglalakad ako papunta sa aking classroom. Pero di pa man ako nakakapasok nang marinig ko na ang matinis na boses ni Trina, shes my best friend.
"Kyaahhh beshy you look like an angel, how to be you?"
Pshhh and she's my bolera best friend, paniguradong may kailangan na naman ito knowing Trina.
"Oh anong kailangan mo agang aga, eh?"sabay beso sa kanya.
Hinila niya na ako papasok sa aming room at pumwesto kami sa bandang likuran. Alam niyo na, iwas tanong ng mga guro tuwing recitation. Simula grade school, highschool at ngayong college na ako ay palaging sa likuran ako umuupo. Ayoko sa unahan, feeling ko kase palaging ako ang nakikita ng guro kapag nakaupo ako doon. Okay lang sana kung nakakasagot ako, kaso hindi, eh.
Nawala ang ingay sa loob ng classroom nang dumating ang aming professor, matangkad siya, nakasalamin, gwapo at kalbo.
"Good morning students. I just want to announce that we don't have class for today. I'll let you get to know each other first, you need that."
agad din siyang lumabas nang masabi niya yon, kilalanin daw namin ang isa't isa.Ito na naman kami kailangan na naman naming malaman ang pangalan ng isat isa. Taon taon nalang ba ako magpapakilala? Kung hindi magpapakilala, magsasabit ng name tag sa bandang dibdib.
Marami na sa kanila ang kilala ako pero di ko naman sila gaano kakilala.
Oh, by the way nakalimutan akong banggitin na graduating na pala ako sa kursong culinary arts. Why culinary arts? Wala lang, hindi ko rin alam kung bakit iyon ang kinuha kong kurso I even don't passionate bout food, ang alam ko lang ay lumamon.
Pagkalabas ng professor namin bumalik na din ang ingay sa loob ng class room. Ganon naman talaga, magpapanggap lang na mabait kapag may guro sa unahan, pero pag wala na ay para ng mga nagtitinda ng isda sa palengke ang mga studyante sa loob ng classroom. May kanya kanyang usapan, may kanya kanyang grupo. May nag kukwentuhan, nagsasayawan, nagkakantahan, at..may naglalandian.
"Bes anong plano mo pagkagraduate natin?"
Isang kibit balikat lang ang tangi kong naisagot sa tanong ni Trina. Hanggang ngayon wala pa rin akong plano sa buhay ko, parang mas gusto ko parin ng pa chillax chillax lang kaysa magtrabaho sa kompanya namin, palamunin sabi nga ng iba.
Gusto ko munang mag enjoy, bata pa ako, I'm just 19, a teen ager. Gusto ko munang mag explore, gusto kong masulit ang buhay ko, ang huling taon ng pagiging teen ager ko. Gusto ko munang gawin ang mga bagay na ikakasaya ko. Habang bata pa, magpapakasaya ako at habang masarap ako.
I don't want to grow old with regrets. Time can't be turned back.
"Bes tara na sa canteen gutom na kasi ako"
Aya sa akin ni Trina, tumingin ako sa kanya at sumimangot."Trina, I'm not hungry yet, just go if you want' Inis kong sabi sa kanya, napadami ang kain ko kaninang umaga sa bahay at hanggang ngayon parang hindi parin ako natutunawan, isa pa wala talaga akong gana ngayong araw, dahil siguro sa kalbo na professor kaya nawalan ako ng gana.
Lumabi siya sa akin.
"Ohhh I'm going to the canteen alone because my best friend won't come with me"maarteng sabi niya habang umaarte na parang naiiyak. Tss alam niya talaga kung ano ang makakapagpapayag sa akin.
Nagsimula na akong tumayo baka kasi umiyak ng tuluyan ang babaeng to, kahit napakaingay niya love ko parin siya. She's still my best friend.
"Tss let's go"Hinila ko ang kanyang kamay at nagsimula ng maglakad papuntang canteen.
"Sabi ko na nga ba eh hindi mo ako kayang tiisin"masayang sabi niya. See?
She's a great actress."Can you please shut up your mouth? Napakaingay mo talaga eh"Pagsaway ko sa kanya, kanina pa kasi to dumaldal ng dumaldal, nagsisimula na akong mainis. Pakiramdam ko araw araw ay may dala dala akong speaker na tumutogtog ng pangit na kanta.
"Oh sorry uhmmmmnn"sa gilid ng aking paningin nakita kong umakting siya na parang babatukan ako pero ng tingnan ko siya ay agad siyang ngumiti ng sobrang lapad.
"Hihihi I'm just stretching"pagdadahilan niya, napangiti nalang ako sa inasta ni Trina, actually yan ang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya naging best friend. Mas mabuti na ang ganito kaysa sa hindi totoo.
"Bilisan nalang natin. Shit sana may mga gwapo sa canteen o kaya sana nandon yung --yung --"
Di na niya naituloy ang dapat na sasabihin niya dahil bigla nalang akong tumigil sa paglalakad at tumingin sa kanya ng masama.
"Seriously Trina? Hindi kaba talaga titigil kakaputak diyan?"
Hindi naman sa naiingayan ako sa kanya pero ayuko lang talaga marinig and pag iingay niya tungkol sa mga lalaki as always.

BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance
RomanceHi, I'm Margie Ysha Onabia. I don't want to rush everything, I just want to enjoy being nineteen years old. Even though I was still in the womb, I was destined for a man. Even though I live in a house with my fiance 'supposedly' My fiancé is hand...