CHAPTER 17

757 20 14
                                        

Margie's  POV

Nakaupo ako dito sa couch habang nanonood ng cartoon oo cartoon pakealam niyo ba eh sa mahilig ako sa ganitong mga palabas, eh. Gusto ko yung tulad ng tom&Jerry, tapos lalo na yung tarzan gustong gusto ko yun kasi tumatakbo si tarzan sa gubat na ang suot lang ay bahag. Kaya ito ang pinapanuod ko ngayon.

"Baby" rinig kong tawag ni Lance kaya tumingin ako sa likod at nakita ko siya na..na..na..topless  kaya agad kong tinakpan ng kamay ang aking mga mata.

"Waahhh my innocent eyes"

sigaw ko at hindi parin inaalis ang kamay ko na nakatakip sa aking mata. Rinig ko ang pagtawa niya at ang yapak ng kanyang mga paa na papalapit sa akin.

"Lance!" Sigaw ko nang maramdaman kong niyakap niya ako. Shit  ramdam na ramdam  ko yung ano niya yung..

Yung

Yung

Yung.

Abs..

Ramdam na ramdam ko ang matitigas na pandesal niya, natutukso tuloy ako.

"M-magbihis kanga Lance " nauutal kong utos sa kanya ngunit hindi parin inaalis ang mga kamay ko na nakatakip sa aking mga mata.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa dalawa kong kamay at unti unti iyong inalis sa aking mga mata.

"Bakit mo ba tinatakpan ang mga mata mo? Eh makikita mo rin naman to"

"Pervert" sigaw ko mismo sa kanyang mukha at tumakbo, pero agad niyang nahawakan ang kamay ko.

Argghhh sana matanggal yang tuwalya sa katawan mo.

Agad niyang nahawakan ang kamay ko at niyakap ako patalikod. Kinulong niya sa kanyang mga braso ang bewang ko kaya ngayon ramdam na ramdam ko na talaga ang bespren niya. Nanlaki ang mga mata ko nng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa batok ko at marahang hinipan ang tainga ko.

Shit kakaibang kiliti ang hatid sa akin noon kaya bago pa umatake ang kalandian ko mabilis kong inalis ang tuwalyang nakapalibot sa kanya katawan pero syempre joke lang yun

Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya bago pa ako matukso na halikan siya at baka kung saan pa umabot. 

Naramdaman ko ang halik niya na bumaba pa sa aking leeg. Knowing Lance alam na alam ko kung saan ito mapupunta kaya nag isip agad ako ng paraan.

"S-sandali, L-Lance naiihi ako. "

waah nakakahiya, ano ba t?  sa dinami daming pwedeng idahilan yung naiihi pa.

Narinig ko ang impit na pagtawa niya.

"Samahan na kita baby"

hinampas ko siya at mabilis na tumakbo papasok dito sa banyo ng kusina. Pagkapasok ko umupo agad ako sa sink, geeezzz Lance. Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako.

Hindi naman talaga ako naiihi, dinahilan ko lang talaga yun para maiwasan ang nakakalunod na paghalik halik ni Lance sa batok ko.

Oo inaamin ko na nagugustuhan ko ang ginagawa niya pero, for the Pete's Sake lalake siya at alam kong may mga pangangailan din sila.

"Baby, are you done?"

Rinig kong tanong ni Lance at maya maya lang ay narinig ko ang pagkatok niya sa pinto. Hindi ko siya sinagot at humarap nalang sa salamin, naghilamos ako para narin mabawasan ang init na nararamdaman ko.

"Baby" pagtawag niyang muli sa akin.

"Oo sandali lang" inayos ko muna ang sarili ko bago binuksan ang pinto. Nakaabang siya sa pinto at nakadamit narin siya, nakahinga naman ako ng maluwag akala ko kasi lalabas ako dito ng naka topless parin siya.

"Come here"

Bigla niya akong hinila at dinala sa sala, kinuha niya ang tuwalyang nakapulupot kanina sa katawan niya at pinunas sa basa kong mukha.

"Tss.bakit basang basa ang mukha mo?"

sabi niya habang marahang pinunasan ang pisngi ko. Bigla ko naman hinila palayo ang tuwalya at hinagis sa kabilang couch nang may biglang nag sink in sa utak ko.

"Damn! Anong problema mo at pati tuwalya inaano mo" kasi yung tuwalyang yun...

"K-kase Lance di......ba ang tuwalyang yun ang ginamit mo sa katawan mo?"

  Argghh walang hiya talaga siya yung tuwalyang ginamit niya sa katawan niya, ay siya ring ginamit niya pampunas sa mukha ko. Nachos! Paano kung pinunas niya iyon sa ano niya.

"Bakit baby, ano bang amoy"

Nang init bigla ang pakiramdam ko dahil sa tanong niya.

"M-mabaho" mataray na sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng kanyang labi, bago tumayo at kinuha ang tuwalya. Oh my ghad, sana mali ang iniisip ko.

Huli na para tumayo ako. Bigla niya akong hinila pahiga sa couch at binalot sa mukha ko yung tuwalya.

"Lance stop It!"
Pagpipigil ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Now tell me baby, what is the smell of my towel?" nanunudyong tanong niya sa akin at lalong dinidiin ang tuwalya sa mukha ko.

"O-Oo na m-mabango na"

pagsuko ko kaya inalis niya na ang tuwalya sa mukha ko, pero nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ko kaya bahihirapan akong bumangon.

"Damn  you Lance Damn you!" Pagmumura ko sa kanya at ipinilig ang ulo  sa gilid.

"I love you too baby"
nagulat ako sa sagot niya, mababaliw na talaga ako sa kanya, ang dami daming pakulo.

Dahan dahan kong ginalaw ang ulo ko paharap sa kanya. Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata, pababa sa labi ko at kitang kita ko ang sunod sunod niyang paglunok at unti unting binaba ang mukha niya sa labi ko.

For the nth time He kiss me.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

My Pervert FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon