Margie's POVIto ang huling araw ng pagsisilbi ko kay Lance . Dati halos dinadasal ko na sana matapos na ang limang araw ng pagiging slave ko pero bakit ngayon na huling araw na ay parang hinihiling ko na sana humaba pa ang limang araw, pero alam kong malabong mangyari iyon.
Sa totoo lang, sumaya ako sa loob ng limang araw na iyon. Parang limang oras lang ang limang araw na iyon. Nakakalungkot isipin.
Sobrang antok ang nararamdaman ko ngayon kaya heto ako naglalakad papuntang library. Pumapasok lang siguro ako para magpa cute kay Lance, I mean sa mga studyante tapos matutulog at kakain sa canteen at pagdating sa mga quizes ay laging itlog ang nakukuha ko.
Pagdating ko doon agad akong umupo sa pinakadulong lamesa kung saan ako lang ang tao, mabuti dito kasi walang maingay.
.......
Naalimpungatan ako nang may naramdaman ako na parang may dumadampi sa aking batok pero hindi ko iyon binigyang pansin sa pag aakalang dala lang iyon ng antok pero nagulat ako nang ang mumunting damping iyon ay tumagal sa aking batok at sobrang tindi ng kiliti ang naramdaman ko dahil parang bahagyang sinusupsop ang batok ko, hindi na to panaginip kaya sa sobrang takot na naramdaman ko bigla nalang akong tumayo at parang mayroon akong natamaan mula sa aking likuran.
"Aray"oh shit hindi pala parang!
Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko si Lance na hawak hawak ang kanyang baba. Milya milyang kaba ang dumaloy sa akin nang pumasok sa isipan ko ang ginawa niya. Literal na napahawak ako sa aking batok at mabasa basa pa iyon. Nandidiri ko iyong pinusan gamit ang aking panyo.
Inatake na naman siya ng kanyang kamanyakan. Nang matapos ako sa aking ginagawa ay inis akong bumaling sa kanya at tiningnan siya ng masama.
"Lance, ano na naman bang ginawa mo?"
Galit kong tinapon sa kanya ang panyo na basa sa kanyang laway at tumama iyon sa kanyang mukha na dapat hindi ko nalang ginawa. Sobrang sama ng tingin niya sa akin. Kung nakakamatay lang ang paraan ng pagtingin niya malamang kanina pa ako nakabulagta dito sa aking kinatatayuan at mamaya lang ay paglalamayan na ako.
Unti unti siyang tumayo habang hawak hawak parin ang kanyang baba na siguro ay tinamaan ko kanina. Pinaikot ko ang aking paningin sa buong library at napansin kong walang kahit na isang tao dito kahit ang tagabantay ay wala rin dito, nabaling ang tingin ko sa pinto at napansin kong nakalock iyon.
Muli akong tumingin sa kanya pero napasinghap ako ng tumama ang katawan ko sa matikas niyang dibdib, hindi ko manlang namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Feeling ko namumutla na ako ngayon dahil sa pinaghalong takot at kaba na nararamdaman ko
Iniangat niya ang kanyang kamay at kita kong may hawak hawak siyang susi. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.
"You have no choice so... run baby, run as fast as you can"
Wala akong sinayang na oras, agad akong tumakbo palayo sa kanya at nararamdaman ko ang yapaj ng kanyang mga paa na sumusunod sa akin. Hindi na ako nag abalang lumingon dahil iniisip ko na baka paglingon ko ay sa katawan niya na naman ako tatama. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakarating ako dito sa mga science books. Hingal na hingal akong umikot sa kabilang dulo habang nakatingin lang sa aking harapan. Saglit akong tumigil doon pero ang aking mga mata ay nanatiling nakatingin sa aking harapan para makita ko agad kung nandyan na siya pero lumipas ang limang minuto wala akong Lance na nakita o kahit anino man lang niya. Nakaalis na kaya siya?

BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance
RomansaHi, I'm Margie Ysha Onabia. I don't want to rush everything, I just want to enjoy being nineteen years old. Even though I was still in the womb, I was destined for a man. Even though I live in a house with my fiance 'supposedly' My fiancé is hand...