Dahil sa kaganapang nangyari noong isang araw, kalat na kalat na sa academy ang tungkol sa amin ni Lance. May mga ilang babae ang nadismaya at mayroon ring natutuwa at nag congratulate sa amin kahit na mag fiance palang kami.
Akala ko talaga mas kakampihan at paniniwalaan niya pa ang kasinungalingan ng babae, yon pala pinalitan niya lang ang nakadikit sa bulletin board. Sabi niya pa dahil iyon raw ang tama at bilang nalang raw ang taon ng pagiging Onabia ko at ikakabit niya na sa pangalan ko ang kanyang apelyido. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig dahil sa sinabi niyang iyon.
Sabado ngayon kaya napagpasyahan namin na mag jaming jaming dito sa bahay namin ni Lance. Malapit na kasing matapos ang first semester namin at tiyak na magiging abala na naman ang bawat isa sa amin.
Nasa labas kami ng bahay at naka indian sit sa damuhan habang hinihintay namin na dumating ang mga kaibigan ni Lance. Kasama na namin si Trina, ewan ko ba sa babaeng to. Ang usapan namin night bonding pero ala sinco palang ng umaga kanina, nambulabog na.
Napatingin kaming tatlo sa mga motor na sunod sunod na dumating. Si Luke at si Drake ay magka angkas sa mio na motor, Si Cloud naman sa rider na suzuki tapos si Zeke.....naka E-bike.
Sabay sabay silang pumasok sa gate at nagtungo sa pwesto namin at umupo katulad ng posisyon namin at nilapag sa gitna ang mga bitbit nila na alak. Akala ko pa naman bonding namin, bakit may alak?
Pag nalasing agad wala na? Magigising nalang kami bukas na walang bonding na naganap?
Paikot kaming nakaupo sa damuhan, Katabi ko si Lance tapos sa kabilang gilid ko ay si Trina, katabi niya si Drake tapos si Luke, Zeke at si Cloud.
"Bebe girls, GSM mojito lang ang iinumin niyo ha"sabi ni Zeke at nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Trina habang nilalabas sa plastik ang isang bote ng GSM blue na mojito flavor, hindi pa ako nakakainom ng kahit na anong gsm kaya goodluck nalang sa akin.
Tumawa si Trina "Zeke bakit hindi mo suot ang name tag mo?"
Tumawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Trina. Sinamaan ni Zeke ng tingin si Drake na ngayon ay katatapos lang tumawa. "Ikaw, bakit hindi mo sinuot ang ID lace mo na dora?"
"Gago!"paulit ulit na bigkas ni Drake habang patingin tingin kay Trina.
Tumayo si Trina para mag ihaw, sinundan ko nalang ng tingin si Drake nang tumayo rin ito at tinulungan si Trina. They look good together. Wala pa naman nakukwento si Trina tungkol sa status nila, kung may label na ba, o ano. Basta ang alam ko lang ay patay na patay siya sa pinsan ko.
Kinuha ni Luke ang gitara sa tabi niya at nagsimulang kumanta, kasabay ng pagdaan ng kanyang kamay sa mga tansi ng gitara. Maganda ang boses niya, namana niya ang boses ni tito Karl, kapatid ni mommy. Sa aming magpipinsan ako lang yata ang hindi nakamana sa magandang boses ng mga Guevara.
"Di ko na kaya ang humanap pa ng iba, pagkat ikaw lang ang tanging sinasamba. Alam mo bang kapag kapiling ka, bawat sandali ay walang kasing ligaya"kanta ni Luke.
Ang kamay ko ay nakapatong sa aking hita at bahagyang tinatapik tapik para sabayan ang kanta ng pinsan ko. Kinuha iyon ni Lance at pinaglaruan, maya maya ay naramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko.
"Baby"sabi niya at lalo pang isiniksik ang kanyang ulo sa leeg ko.
Nakatingin lang ako sa kamay ko na pinaglalaruan niya. "Bakit Lance, gusto mo bang sapakin kita?"
"Baby, naman."napaka hinahon ng pagkakasabi niya non."H'wag kang uminom ng marami ha, ayokong maulit yung nangyari sayo sa bar, no'ng gabing nagpakalasing ka"

BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance
RomansaHi, I'm Margie Ysha Onabia. I don't want to rush everything, I just want to enjoy being nineteen years old. Even though I was still in the womb, I was destined for a man. Even though I live in a house with my fiance 'supposedly' My fiancé is hand...