"Trina si Lance, nakita mo?"tanong ko kay Trina, umiling siya sa akin at muling kumagat sa baon niyang ensaymada.
Nasa cafeteria kaming dalawa, wala ang limang lalake at kanina pa namin hindi makita. Pareho kaming malungkot na kumakain ng tinapay. Si Trina dahil hindi niya nasisilayan ang mukha ni Drake simula pa kaninang umaga, at ako dahil hindi nag aupdate si Lance.
Saan ba kasi siya nagpunta?
Biglang nagtilian ang mga babae sa katapat naming lamesa. Nagkatinginan kami ni Trina.
"Ano 'yon?"kuryos na tanong ko sa kanya.
Ngumuso siya "Hindi ko alam"malungkot niyang sabi.
Tatayo na sana ako para lumapit sa umpok ng mga babae nang marinig ang sinabi ng isa. "Paano na si Margie? Diba fiance siya ni Lance?"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang aking pangalan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinawi ang umpok ng mga babae. Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata.
"M-Ms. Queen"halata ang takot ng isang babaeng may hawak ng cellphone.
"Anong meron dyan?"tanong ko sa kanya habang nakatingin sa hawak niyang cellphone, humigpit ang pagkakahawak niya doon.
"W-Wala ito"
Bigla kong hinablot ang kanyang cellphone at malaya kong nakita ang dahilan ng kanilang pagtili kanina.
Si Lance na may kayakap na babae. Nakapikit siya habang nakapalibot ang kanyang mga kamay sa beywang nito. Hindi ko kilala kung sino iyon dahil nakatalikod ito, nakaharap kay Lance.
Biglang gumuhit ang sakit sa puso ko. Pakiramdam ko ay hinahampas ito ng sanga ng matinik na rose. Huminga ako ng malalim at parang may bumara sa dibdib ko, ang sikip.
Binalik ko ang cellphone sa babae, hindi ko pinahalata na apektado ako sa nakita. Ayokong makita nila na mahina ako, kilala nila ako bilang isang matapang, at hindi ko hahayaan na dahil lang sa picture na iyon ay masisira ang tingin nila sa akin.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina at kinuha ang tinapay at kumagat.
"Ano raw?"tanong ni Trina.
"May rumors about kay Taehyung at sa secret girlfriend niya"pagdadahilan ko.
Nanlaki ang mga mata niyang binagsak ang tinapay at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa.
"Tang ina hindi pwede, ishiship ko sila ni Jungkook my loves"
Hindi ko na pinansin ang sunod sunod niyang pag mura. Tumayo ako at sinukbit sa balikat ang bag ko.
"Uwi na ako"paalam ko kay Trina.
Tinapunan niya lang ako saglit na tingin "Hindi pa tapos ang klase, ah"at muling bumaling sa screen ng kanyang cellphone.
"Masakit ang ulo ko, sabihin mo nalang sa prof natin"gusto ko lang talagang umuwi, nawalan na ako ng gana.
"Gaga! Ako ang pagagalitan ng kalbong 'yon"
I rolled my eyes "Sabihin mo future husband ko ang sunod na magmamay ari nitong campus na tinatapakan ng kanyang paa"
Tumingin siya sa akin at ngumisi ng nakakaloko. Tumayo siya at sinukbit rin ang kanyang bag "Tara, uwi na tayo, sasabihin ko nalang bukas na best friend ko ang magiging asawa ni Lance."
Wala akong nagawa sa kalokohan ni Trina kaya eto kami ngayon naglalakad patungong paradahan ng mga sasakyan. Sumakay na siya sa tricycle kaya nagpara narin ako ng Taxi.

BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance
RomansaHi, I'm Margie Ysha Onabia. I don't want to rush everything, I just want to enjoy being nineteen years old. Even though I was still in the womb, I was destined for a man. Even though I live in a house with my fiance 'supposedly' My fiancé is hand...