CHAPTER 5

591 14 0
                                        


(Margie's POV)

"Yaya"

 Gusto ko siyang batuhin ng flower vase na nasa aking harapan habang tinatawag niya ako ng ganon. Masyado niyang kinareer ang pagiging amo niya sa akinat ang pagiging alalay ko sa kanya. Noong una nakikipagtalo pa ako sa kanya dahil ayokong pumayag  pero naalarma ako nang kinuha niya sa kanyang bulsa ang cellphone at akmang tatawagan na ang aking magulang kaya heto ako ngayon nagpapa alipin sa asungot na manyak na ito. 

Busangot akong lumapit sa kanya.

"Ano na naman ba ang  kailangan mo?" Nakapa mewang pa ako sa kanyang harapan habang tinatanong ko siya.
Wala ba siyang balak na pagpahingahin ako? Simula pa kaninang umaga hanggang ngayon utos parin siya ng  utos, kakaupo ko pa nga lang heto at tinatawag na naman ako.

"Oh my yaya how so rude! Is that the way how you treat your master?"

Pinaikot nya pa ang bilog ng kanyang mga mata... waaampogi---- ah I mean ang pangit niya PANGIT!

Master daw ang gusto niyang itawag ko sa kanya dahil iyon daw ang kadalasan na tinatawag ng mga alipin sa kanilang amo pero manigas siya, hinding hindi ko siya tatawagin ng ganon, neknek niya.

"Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo ang dami mo pang satsat, nang makapagpahinga na ako"

Sa pagkakataong ito ako naman naman ang umirap, sobrang naiinis ako sa kanya unang araw ko pa lang sa pagsisilbi sa kanya pero parang gusto ko nang sumuko. Lahat nalang ay pinapagawa niya sa akin, gusto niya pang halikan ko siya!

"Tsk you still have your period "

Mabilis niya akong hinatak palapit sa kanya, sa sobrang lakas ng paghatak niya sa akin napasubsob ako sa kanyang dibdib. huummmmmmn ang bango, amoy na amoy ko ang kanyang pabango at ramdam na ramdam ko  ang tikas ng kanyang dibdib, para akong nakahiga sa mabangong pandesal. Iniling ko ang ulo ko para maalis ang hindi kanais nais na naiisip ko.

Aalis na sana ako mula doon nang bigla niya naman akong yakapin ng mahigpit.

"Lance ano ba"

Singhal ko sa  kanya. Hindi naman sa pakipot ako pero syempre kailangan kong tigilan to at baka kung saan pa mauwi.
Ang awkward din ng posisyon naming dalawa.

"Lance "

Pag ulit ko dahil parang wala talaga siyang balak na pakawalan ako.

"Ang bango naman ng baby ko"marahan niyang inamoy ang aking ulo.

"Lance stop it "

napakahirap talagang pakiusapan ng lalakeng to.
Tinunghay ko ang aking ulo para sana tingnan siya ng masama but it's a wrong way dahil pag angat ko ng aking tingin accidentally I kiss him.  I decide to pull my self from him but it's too late he wrapped his arms to my neck and kiss me hard. Holy water!

"L-ance"

I protest between our kisses. Then  suddenly he stop and look at me .

"Good job slave, your now a good kisser "

Takang taka  akong tumingin sa kanya ano bang pinagsasabi niya di ko sya maintindihan.

"What do you mean?"nang mapansin kung nakayakap parin siya sa akin ay agad akong tumayo at umupo sa kaharap ng couch na kanyang inuupuan.

"Hindi katulad noong una kitang halikan para kang pader "

Inaasar niya ba ako?  Malamang ang tinutukoy na naman niya ay yong nangyari sa parking lot.

"Just say whatever you want "

Umalis na ako sa kanyang harapan at lumabas na sa kanyang office. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon, dire diretso akong naglakad dahil wala kaming klase napagpasyahan kong pumunta nalang sa canteen gutom na din naman kasi ako hindi pa ako nakakapag almusal at tanghalian dahil sa damuhong master  ko DAW. Pinagod niya na nga ako, balak niya rin akong gutumin. Ni hindi man lang ako binigyan ng makakain.

My Pervert FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon