Margie's POV
Badtrip akong pumasok sa university dahil ang mabait kong bestfriend hindi ko alam kong bakit absent. Bigla na namang pumasok sa isipan ko ang nangyari kahapon sa parking lot, biglang nag init ang aking mukha. Alas dyes na ako nakatulog kagabi dahil sa halik na yon. Siguro binalak niya talaga na halikan ako, dinahilan niya lang ang pagbalik ng panyo ko. Sinadya niya siguro na kunin sa bulsa ko ang panyo para magawa ang binabalak niya, kaya din siguro maghapon niya na akong tinitigan.
Habang naglalakad ako pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin binalewala ko nalang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Normal na ang ganito sa araw araw, may mga palihim na sumusunod sa akin trying to get my attention.
"Hi Margie how's your day?" literal na kumulo ang aking dugo nang marinig ang boses na iyon. Lalo kong binilisan ang aking paglalakad, halos lakad takbo na ang ginawa ko para lang makalayo sa may ari ng boses na iyon. Ayuko siyang makita lalo na ngayon baka lalo Lang masira ang araw ko.
"Hey" hey hey mo mukha mo!
Naabutan niya ako at hinatak ako paharap sa kanya pero agad kong binawi ang mga kamay ko sa kanya at dumistansya sa kanya. Ang hilig niya manghatak, he's good at doing that stuff. Hindi ako nagsasalita, nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang pagsasalita niya. He comb his hair using his fingers.
"Sabay na tayong pumasok sa class room"pilit niyang kinukuha sa akin ang bag ko pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Stay.Away.From.Me!"may diing pagkakasabi ko pero tinawanan niya lang ako. Seriously? ilang pakete ng drugs and nagamit nito?
"Ouch naman baby bakit ba ang init init ng ulo mo?"
WTF kailan pa ako naging baby?
"Wala kang pakialam!" tumalikod na ako sa kanya pero sumusunod parin siya sa akin.
"My period ka ba ngayon, baby?"
Nanlaki ang aking mga mata at napatigil sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya.
Sino ba namang matinong lalaki ang magtatanong tungkol doon? Inis akong pumihit patalikod at tiningnab ko siya ng masama."Hoy ikaw na lalaki ka ano bang gusto mo hah? Pwede bang tumigil kana sa kakasunod sa akin, at ilang beses ko ba dapat kailangang sabihin sayo ang salitang tigilan mo na ako"
Sa haba ng sinabi ko sa kanya, tinawanan niya lang ako kaya bago pa ako mainis ng tuluyan ay tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng maglakad pero di pa ako tuluyang nakakalayo ng marinig ko ang sinabi niya.
"Baby look may tagos ka"
Gaddddd ganyan na ba kamanyak ang lalaking yan? Hindi ko na napigilan ang sarili ko, mabilis akong bumalik sa kinaroroonan niya at isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kanyang mukha. Sapul sa gilid ng kanyang labi.
Nanlalaki ang kanyang mga mata at hinawakan ang parte ng labi kung saan tumama ang kamao ko, umigting ang kanyang panga at tiningnan ako ng masama.
"Fuck I can't believe this!"
Inis niyang pinunasan ang gilid ng kanyang labi na ngayon ko lang din napansin na may kaunting dugo doon.
Pero Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko, ano naman kung sila ang may ari ng university na ito?
Sanay na naman akong ma expel at kasalanan niya naman kung bakit ko siya nasuntok. He deserve my goddam fist.
Tiningnan ko siya at bahagyang umangat ang sulok ng aking labi bago ko siya iniwan ng nakanganga.
Pagdating ko sa classroom wala pa ang professor kaya napagdesisyunan ko na lang na magpatugtog sa aking iPod.
Napatunghay ako ng marinig ko ang boses ni Prof . Habang nagdidiscuss, naagaw ang attention naming lahat dahil sa walang hiyang sumipa sa pinto lahat kami napatingin doon mula sa labas ay sumilip si Zeke, the name tag boy. By the way hindi ko siya classmate sa subject na ito.
"Can I excuse to Ms Margie Ysha Onabia?"
Kumindat pa siya sa mga babaeng nakatingin sa kanya na dahilan ng pagtili ng mga babae. Bakit niya kaya ako inexcuse? Sa pagkakatanda ko wala naman akong kasalanan sa kanya.
Bumaling sa akin si Prof "Margie you're excuse by Zeke".
nagkibit balikat na lang ako at lumabas."Where's your manners Zeke?"
Agad kong sermon sa kanya pagkalabas ko. Paano ba naman hindi manlang bumati sa professor.Hindi nya ako pinansin. Wala talagang manners kahit sa akin.
"Follow me, we're going to detention room" sa halip na sagot niya, bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang huli niyang sinabi detention room bakit naman kami pupunta sa detention room? Agad kong inisip kung may nagawa ba akong mali sa araw na ito pero wala naman eh, mainit lang naman ang ulo ko kanina nang pumasok ako. Tapos- agad na tumambol ang puso ko na parang lalabas na ito sa sobrang kaba ko, naalala ko bigla yung nangyari kanina.
Omygad. Hindi kaya dahil sa pagsuntok ko kay Lance?
Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na hindi ako natatakot ma expel. Ayoko, ngayon pa kung kailan graduating na ako at isa pa ano nalang ang sasabihin nila mommy and dad ayokong madissappoint sila sa akin.
Lalong kumabog ang puso ko nang nasa harapan na kami ng detention room binuksan ni Zeke ang pintuan habang ako ay kinakabahang nakasunod sa kanya.
"Margie is here" -Zeke
Pagpasok namin nakita ko ang dean na seryosong nakikipag usap sa lalaking nakatalikod mula sa aming kinaroroonan. Nang mapansin kami ng Dean ay agad silang tumigil sa pag uusap at humarap na din sa amin yung lalaki. Bigla akong kinabahan yung manyak na mayabang na lalake lang naman. Ang kaharap ko.
"Margie. Ysha. Guevara. Onabia."
may diing isa isang pagbanggit ng Dean sa pangalan ko at tila nagiisip."Take your sit"maawtoridad na utos niya sa akin, nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Lance.
"Now Margie why did you do that "
panimula ng Dean sabay turo doon sa pasa ni Lance.Ganon na ba ako kalakas sumuntok at nagkapasa siya sa mukha? Oh well that's not my fault. Hindi ko kasalanang sensitive ang gwapo niyang mukha. Crop that word! (gwapo)
"Its not my fault it's him" pagmamatigas ko.
Hmmmnnn ganyan nga Margie wag kang magpatalo sa manyak na yan pagkausap ko sa asking sarili.
"And now its my fault? You're the one who punch my goddam face, Ms. Onabia"
Pagmamayabang niya pa at nakikipagtagisan ng tingin sa akin parang nagpapatayan na kami sa paraan ng pagtingin namin sa isat isa."But you're insulting me while I'm walking. Hindi kita inaano, Lance" sa sobrang galit ko ay di ko na namamalayan na napatayo na pala ako.
"Enough!"sigaw ng Dean.
"I don't want to see your face again!" tinuro turo ko pa ang kanyang pagmumukha sa harap mismo ng dean.
"Margie Ysha I said enough"tumayo na din ang Dean sa sobrang galit sa akin.
Biglang tumayo si Lance at unti unting inilapit sa akin ang kanyang mukha.
"Is that the way how you say thank you?"
Bulong niya sa tainga ko, hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa ginawa niyang iyon.
"Mr. Lance Zypher because you're the one who will be the next owner of this university, what is your plan? Do you want to expel her? "
Sshit no! Please... I can accept what kind of punishment does they or HE want, but please I don't want to expel out here.
"I need to talk to her parents"naalarma ako sa sinabi niya. Oh gad Lanc! I want to kill you. Halos patayin ko na siya ng sandaling magtama ang aming mga mga pero agad kong iniwas ang aking mata bago pa niya mapansin ang paraan ng pagtingin ko sa kanya. Shit ayokong gawin to pero kailangan. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang ito gagawin at ang masama ay sa kanya pa.
Ang magmakaawa
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko .
"Ahmm Lance please don't do that I'm b-begging you, p-please "
••••••••

BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance
Roman d'amourHi, I'm Margie Ysha Onabia. I don't want to rush everything, I just want to enjoy being nineteen years old. Even though I was still in the womb, I was destined for a man. Even though I live in a house with my fiance 'supposedly' My fiancé is hand...