Margie's POV
Nandito kami sa office ni Lance, kasama ang mga kaibigan namin, may one hour pa naman kami bago magsimula ang klase.
Nabaling ang tingin ko kay Trina na nakikipag harutan kay Drake, habang si Luke at Cloud naman ay may kalandiang babae. Seriously, office ba to o landian?.
Napansin kong wala dito sa Lance. Yung isang yun saan na naman kaya nagsusuot?
Napatigil ako sa pag iisip nang lumapit sa akin si Zeke. Sa kanilang limang mag kakaibigan si Zeke lang talaga ang naiiba.
"Pwedeng tumabi?"
Tanong niya at umupo sa tabi ko. Ay baliw talaga to magtatanong pa, eh siya din naman pala ang masusunod.
"Makakatanggi pa ba ako n'yan, eh umupo ka na nga eh" pabirong sabi ko sa kanya at kunwaring inirapan ko siya.
"Nasaan si Lance? Nakita ko kayo kaninang umaga na sabay na pumasok, hindi kanaba galit sa kanya?"bakit ba ang dami niyang tanong? Oh by the way hindi pa namin nasasabi sa kanila ang tungkol sa kalagayan namin ni Lance, except Trina.
"Mukha ba akong hanapan ng mga nawawala?"
Pagtataray ko sa kanya para maiwasan ang huli niyang tanong, napatawad ko na naman si Lance sa ginawa niyang panloloko sa akin, naalala ko na kasi ang nangyari sa bar noong nalasing ako, naalala ko lahat ng sinabi niya at...sinabi ko.
"Sungit mo naman, pero bakit nga kasi kayo magkasabay kaninang umaga?" Pangungulit nito at ngumuso pa, sus kalay cute! sabitan ko kaya ng kaldero ang nguso niya?
"A-ano kasi -" oh thank you so much, hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil biglang may sumipa sa pintuan. Pumasok mula doon si Lance na galit at diretsong nakatingin kay Zeke tapos lilipat sa akin tapos kay Zeke tapos sa akin ulit.
"Bakit kayo magkatabi?" May diing tanong niya kay Zeke habang nakayukom ang kanyang mga kamao. Maangas naman na tumayo si Zeke at hinarap si Lance.
"Bro ang ganda kasi talaga ni Margie, naaadik tuloy ako, alam mo yung pakiramdam na nadadarang ako sa ganda niya?"
hindi ko alam kung nagbibiro lang si Zeke sa sinabi niya.
Biglang kinuwelyuhan ni lance si Zeke.
"Fvck you! She's mine Zeke, she's. Mine!" Galit na galit niyang pinagdidiinan kay Zeke ang salitang She's mine.
Nakayukom na ang mga kamao niya at handa ng suntokin si Zeke kaya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan sa kanyang braso.
"Lance, enough. Nagbibiro lang si Zeke" mahinahon kong sabi sa kanya habang pinandidilatan ng mata si Zeke nabg magtatangka pa itong magsalita.
Binitawan niya na ang kuwelyo ni Zeke at diretsong tumingin sa akin.
"You're mine Margie, only mine, alam mo iyon"
pang aangkin niya sa akin at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pakikiusap.Hindi ko siya sinagot, hihilahin ko na sana siya palayo kay Zeke kaso bumaliktad ang nangyari ako ang hinila niya kaya napaupo kami sa couch at wrong moves, napakalong ako sa kanya, tatayo narin sana ako nang bigla niya ulit akong hinila at kinulong sa kanyang mga braso.
"Please say that you are mine" namumungay ang kanyang kulay brown na mga mata at halos namamaos na ang boses niya. Ramdam na ramdam ko rin ang mainit na hangin sa tuwing siya ay hihinga.
Ilang inches lang ang pagitan ng aming mukha kaya yumuko ako dahil naiilang ako sa posisyon naming dalawa.
"Please" pag uulit niya.
"I-I'm all yours, Lance" nauutal kong sagot and I know that my face was turn into red because of what I've said. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at unti unting inilapit ang kanyang mukha sa akin. Then the next thing happen, I found my self responding to his kisses.
One.....
Two......
Three.......
Four............
Five................
Five minutes bago naghiwalay ang aming mga labi, kung hindi pa kami kakapusin sa paghinga ay hindi pa maghihiwalay ang mga labi namin.
"Live show slash PDA so much!" agad akong umalis sa kandungan ni Lance nang biglang sumigaw si Trina. Oh my God! Nakalimutan ko na nandito rin pala ang mga kaibigan namin.
"Para saan naman ang eksenang iyon?" Tanong ni Zeke na sa cellphone nakatingin.
"Change status na ba?"-Cloud.
Tumingin sa akin si Lance at alam ko kung ano ang gusto niyang iparating kaya tumango ako. Tumikhim muna ito bago binaling ang tingin sa mga kaibigan.
"Guys, we have something to tell you" panimula niya kaya lahat ng attention nila ay nabaling kay Lance.
"Eymeghed--aray"
binato ko ng throw pillow si Trina dahil bigla itong sumigaw. Baliw talaga hindi panga nasisimulan tumili na, palibhasa alam niya na. Nag peace sign naman siya sa akin kaya bumaling ako kay Lance.
"Continue "-ako
"Guys--"
"Ayan na!"
hindi na naman naituloy ni Lance dahil sa pag tili na naman ni Trina.
"Eh kung lumabas kanalang kaya Trina" galit na sigaw ko sa kanya kaya umupo na siya ng maayos.
"Labas agad?" murmor pa niya habang nakatalikod, akala niya naman hindi ko narinig.
"Guys we're fiance " mabilis na sabi ni Lance para di makaagaw eksena ang baliw kong kaibigan.
Yung mukha nila puro epic, mga nakakanganga at nanlalaki ang mga mata, except kay Luke at Trina.
"Siya ang fiance mo?"
Gulat na tanong ni Drake nang mahimasmasan na ito."Magfiance kayo?"-cloud.
Pareho kaming natawa ni Lance dahil sa mga naging reaksyon nila.
"Kaya naman pala tanong ka ng tanong about marriage"
sabi ni Zeke pero hindi sa amin nakatingin.
"Oo ang sagot namin sa lahat ng tanong niyo, kaya kung sino man ang magtatangkang agawin si Margie, it's better to back off" maotoredad na sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko.
"Congrats" bati nila sa amin, kinunutan ko ng noo si Zeke dahil nakaupo lang ito sa couch. Bumuntong hininga siya at lumapit sa amin.
"Congrats" parang pilit pa ang pagkakasabi noon, he act like a kid, so cute.
'Where are you two going?" Tanong ni Drake nang hinila ako ni Lance palabas sa kanyang opisina.
"Oh my ghad bes don't tell me na mag te take advantage na kayo, magpakasal muna kayo oy" napatawa nalang kami sa sinabi ni Trina, haisst ang isip niya talaga napaka advance.
"It's none of your business guys" yun lang ang sinagot ni Lance at hinila na ako palabas.

BINABASA MO ANG
My Pervert Fiance
RomanceHi, I'm Margie Ysha Onabia. I don't want to rush everything, I just want to enjoy being nineteen years old. Even though I was still in the womb, I was destined for a man. Even though I live in a house with my fiance 'supposedly' My fiancé is hand...