CHAPTER 13

533 14 5
                                        


Margie's POV

"What the hell is happening here at my room YAYA?"

Tumataginting kong sigaw paano ba naman pagdating ko dito sa kwarto nagulat ako dahil sa sobrang linis nito. Sa sobrang linis ay nawala lahat lahat ng gamit ko sa loob.

"Senyorita ano pong nangyari, bakit po kayo sumisigaw?"nag aalalang tanong niya pagkadating sa kwarto ko.

"Bakit ganito kalinis ang kwarto ko, nasaan ang mga gamit ko?"

Sunod sunod na tanong ko, kakainis kasi. Badtrip nanga ang isang buong araw ko tapos ganito pa ang madadatnan ko.

"Senyorita h-hindi ko po alam"

"You don't know huh? What kind of maid is you? Get out of my Sight!"

Sigaw ko sa kanya kaya nagmadali siyang lumabas sa kwarto, isasarado ko na sana ang pinto nang marinig ko ang tunog na parang nahulog sa hagdan.

Tumingin ako at tama nga ang inisip ko, gumulong pababa si yaya. Hindi ko napigilang hindi tumawa sa nakita ko. Talagang gusto niyang makarating agad sa baba kaya ayon nag pagulong gulong nalang sa hagdan para makarating kaagad pababa.

"Hahahaha hahaha"may pag hawak pa ako sa aking tiyan grabe ang epic ng mukha niya

"Hahahah----"

"MARGIE YSHA GUEVARA ONABIA"Bigla akong napatigil sa pagtawa at napahawak sa bibig kasi si mommy tinawag niya ako sa buo kong pangalan at alam kong ganyan lang siya kapag galit na.

"Napasalbahe mo talagang bata ka sa halip na tulungan mo si yaya Linda tinatawanan mo pa!"galit na sigaw niya sa akin habang inalalayang makatayo si yaya tatang--- este yaya Linda. Pinaikot ko nalamang ang bilog ng aking mga matabpero syempre patago lang baka kase itulak rin ako ni mommy sa hagdan.

"Margie kailan kaba magtatanda?"

Ngayon ay pareho na kaming nakaupo sa couch..

"Ahmm matagal tagal pa po mommy, I'm just 19"

"Aray"

Binatukan ako ng mabait kong nanay.

"Ang sabi ko MAGTATANDA hindi TATANDA ikaw ha sumusobra kana hindi ko na alam kong anong gagawin sayo pero siguro nga tama ang naging desisyon namin"naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"What do you mean mom"seryosong tanong ko sa kanya dahil bigla nalang akong nakaramdam ng kaba.

"We decide na patirahin kayo sa iisang bahay ni Lance at nandoon narin ang lahat ng mga gamit mo"parang nabingi ako sa aking narinig. Hindi, hindi kami pwedeng magsama sa iisang bahay. Nakakainis na talaga sila lagi nalang silang gumagawa ng mga desisyon nang hindi ko alam.

Hinawakan ko si Mommy sa kanyang braso.

"Mommy please don't do this  magpapakabait na ako promise hindi ko na sisigawan ang mga katulong natin, mommy please"maluha luha na ako pero hindi manlang niya ako tiningnan sa mata.

"No! My decision is final at mamaya lang ay narito na ang fiance mo para sunduin ka "

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mommy, mabilis akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at agad na nilock ang pinto.

No, hindi pwede at ayukong tumira sa iisang bahay kasama si Lance, Oo gusto ko siya pero alam kong may kamanyakan ang isang yon. Humiga nalang ako sa kama at hinayaang lamunin ng antok.

....

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng pagkatok sa pinto.

"Margie anak,buksan mo ang pinto" rinig kong sabi ni mommy mula sa labas kaya bumangon na ako sa kama.

My Pervert FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon