CHAPTER 11

570 15 0
                                        

Margie's POV

Nakahiga ako sa kama habang pinoproseso ang mga nangyayari, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na siya ang fiance ko, parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Paano nangyari ang lahat ng ito?

Napatigil ako sa pag iisip nang may biglang kumatok sa pinto, malamang alangan namang sa sahig.

"Come in"walang gana na sabi ko.

Pumasok ang isang maid kaya tiningnan ko sya ng what do you need  look.

"Nasa baba po si Maam Trina''bumangon ako at lumapit sa kanya.

"A-aray ko po"bulalas niya nang binatukan ko siya.

"Ako ang amo mo kaya ako lang ang tawagin mong ma'am" kakaimbyerna tong katulong na ito lakas maka maam kay Trina, eh kung sipain ko kaya siya papunta sa bahay nila Trina.

"O-opo sorry po"

"Sige na paakyatin mo nalang siya dito. Mamaya magrereklamo na naman iyon"humiga nalang ulit ako sa kama at maya maya lang ay bumukas na ang pinto.

"Hoy bruha bakit ang tagal mo akong paakyatin dito ha? Alam mong ayaw kong nag hihintay at ano na naman ang ginawa mo sa katulong niyo at nakasimangot na naman iyon?"ayan...ayan ang sinasabi ko, nagrereklamo na naman siya pareho sila ni mommy parang baril ang bunganga ratatatatat ng ratatatat. Siya talaga siguro ang tunay na anak ni mommy, baka pinagpalit lang kaming dalawa noong sanggol pa kami.

"Anong problema mo?"iritang tanong ko sa kanya at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Ay...bitchmode?"tiningnan ko siya nang masama, ang daming nalalaman ng bruha na to ah.

"I m-mean beastmode?? Sorry na kwento ka naman, oh"nagpout pa talaga itong baliw na ito, tapyasin ko kaya ang nguso nito o kaya naman ay sabitan ng kaldero.

"About what?"mahinahon ko nang tanong sa kanya paawa effect pa eh sayang naman.

"About you, ano naman ang sumapi sayo at parang naging salbahe ka na naman? " Sasabihin ko ba sa kanya?

---—-----

Sinabi ko na lahat kay Trina, lahat lahat tungkol sa fiance ko masyado kasing mapilit. Sobrang tuwa niya noong nalaman niya na si Lance ang fiance ko kasi daw ang swerte ko sa kanya, kesyo daw sobrang bait niya, tapos pogi pa raw at masarap

"hay naku! Kung alam mo lang bes kung gaano kamanyak ang lalakeng iyon"

Nasambit ko nalang bago ipinikit ang aking mga mata.

Lance's POV

Maaga akong nagising  dahil sabi ni daddy mula ngayon ako na raw ang magsusundo at maghahatid sa Fiance ko. A smirk form on my lips. Hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala na si Margie Ysha Onabia ang fiance ko. Mukhang magiging masaya ang buhay ko nito.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng mansyon nila Margie, mas malaki pa ang mansyon nila kesa sa amin. Mga tatlong beses pa akong nagdoorbell bago nag bukas ang gate at isang katulong ang sumalubong sa akin.

"Ano po ang kailangan niyo sir?"

"Ahmm susunduin ko lang ang fiance ko''

"Ahh kayo po pala ang fiance ni senyorita Margie. Naku sir tulog pa po siya, pasok po muna kayo"buti naman akala ko wala siyang balak na papasukin ako.

Pagpasok ko sa loob hindi ko maiwasang  mamangha sa sobrang ganda at laki ng bahay nila. Sa wall nakadikit ang malalaking picture ng isang batang babae. Napako ang tingin ko sa isang picture ng isang batang babae at lalake, nakaupo sila sa tabi ng dagat at pareho silang may hawak na ice cream, may ganitong picture rin na nakadikit sa wall namin. Could it be me and Margie are the kids in this photo?

My Pervert FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon