Chapter 10

535 17 1
                                        

Margie's POV

Walang gana akong tumayo sa aking kama at pumunta sa banyo. Tanghali na siguro ako makakapasok dahil 10:30 a.m na, late na din naman ako kahit magmadali pa ako ng kilos. Pakiramdam ko ngayon ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Tsk! Hindi ko lang talaga matanggap.

------

Nang makarating ako sa academy ay dumiretso ako sa likod ng building  kung saan nakatayo ang elementary school, wala akong ganang pumasok sa room. Napagpasyahan kong dumito muna ako.

Umupo ako at tinitingnan ang mga batang naglalaro sa play ground. I wish l could  like them, walang problema. Ngayon ko lang narealize kung gaano kahalaga ang pagiging bata, at iyon ang gusto kong mangyari pero paano ko iyon magagawa kung nakalaan na pala ako para sa isang kasal?

Umupo ako sa pandalawahang duyan at ipinikit ang aking mga mata, iniisip ko kung ano ang magiging kalagayan ko sa mga oras na kasama ko na ang fiance ko. Ano kaya ang itsura niya?

"Can l sit here?"

Kasabay ng pagsasalitang iyon, gumalaw ang kinauupuan kong duyan. Kilala ko ang may ari ng boses na iyon pero  nanatiling nakapikit ang aking mga mata.

Kahit nakapikit ako alam ko at ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

"Sorry"

Nanatili paring nakapikit ang aking mga mata.

"Sorry sa ginawa namin, sorry kong pinagpustahan ka namin, Margie"

Doon ko minulat ang aking mga mata at diretsong tumingin sa kanya at unti unting ngumiti, ang buong pag aakala ko hindi sila marunong mag sorry.

"Apologize accepted. Hindi lang talaga ako makapaniwala na kaya niyong gawin iyon sa akin"

Hindi ko alam sa sarili ko pero diba dapat magagalit ako o kaya naman magtatampo?

"Sana...Sana huwag kanang magalit kay Lance"Fuck that Lancelot!

Ang hirap naman ng hinihiling mo Zeke kung kayo mapapatawad ko agad agad pero iba sa kanya, iba kay Lance dahil napalapit na ako sa kanya pero isang palabas lang pala ang pinapakita niya. Napatigil ako nang may bigla akong naalala. Teka paano niya nalaman na alam at narinig ko ang pag uusap nila? Pero mas pinili ko nalang na manahimik.

A minutes ago wala paring nagsasalita, pareho lang kaming diretsong nakatingin sa aming harapan, sa mga batang naglalaro.

"Zeke"-ako

"Hmmmnn"-siya

I leaned my head on his shoulder, he didn't complain so maybe it's okay with him.

"Zeke kung sa kaling magkaroon ka ng fiance, ano ang mararamdaman mo"

Hindi ko alam kong bakit ko iyon  naitanong sa kanya sa kabila ng katarantaduhan nilang magkakaibigan, siguro dahil ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.

"Hala! Ano bang klaseng tanong iyan, Margie?  Ayoko ko pang maikasal, marami pa akong balak na gawin sa buhay ko."

Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Pabiro ko siyang hinampas sa balikat niya.

"Baliw! Kung sa kali nga lang eh. Masyado ka namang praning. Ganito, ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon na may fiance ka na."

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Grabe hindi ko aakalaing may ganito pala siyang side. Ang sarap pala niyang kasama, gwapo din sana kaso nakakaturn off ang nametag na laging nakasabit sa bandang dibdib niya.

"Hahaha wag mong sabihing may balak kanang magpakasal"

"Eyysshh Zeke just answer my damn question"

Iniwasan ko ang sinabi niyang iyon at baka madulas ako at bigla ko nalang masabi na tama ang iniisip niya, hindi pala, hindi ko gusto, gusto lang ng mga magulng ko.

My Pervert FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon