6

34 0 0
                                    


6: Ang kakaibang nilalang

Huminto kami sa harapan ng itim na pinto. Masama ang pakiramdam ko kahit hindi ko alam kung anong meron sa loob.

“O nga pala Sabrina, tawagin mo ako sa pangalan Cora. Hmmm... Huwag ka sana ma takot sa makikita mo sa loob .”

Isang beses kumatok siya na kaagad naman nag bukas ang pintuan.  Wala akong nakikita kundi puro kadiliman ngunit nararamdaman ko ang nakakakilabot na awra mula sa loob.

“Mag hintay ka lang, may gagawin ako bago pumasok ka.”

Pumasok siya na hindi ako nilingon. Wala akong magagawa kundi ang maghintay kahit hindi ako mapalagay sa akin kinatatayuan subalit mas mabuti pa ako nandito muna hangga't walang ilaw sa loob hindi ako papasok.

Kanina pa ako naghihintay ngunit hindi pa lumalabas si Cora. Napagpasyahan ko umupo sa sahig dahil nanakit na aking binti at hindi ko maiwasan manghina sapagkat hindi pa ako kumain. Kailan balak kaya ako pakainin ni Cora, medyo sumakit ang tiyan ko.

Sumandal ako sa pader saka pinikit ang mga mata upang pakalmahin ang sarili dahil kanina pa ako kinakabahan. Sana huwag naman mangyari sa akin yun mga nababasa  ko sa mga nobela, baka hindi ko kayanin pag nagkataon.

Nag mulat mata ako na marinig ang ingay mula sa loob ng silid. Nagmamadali ako tumayo baka tinawag na ako ni Cora at hindi ko lang narinig.

Medyo malabo ang paningin ko, nag patay sindi ang liwanag na mula sa kung saan. Hindi nag tagal na sanay ang mga mata ko sa kadiliman. Halos manindig ang aking balahibo ng makita ang isang nilalang na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. 'Di ako makagalaw sa aking kinatatayuan at parang bang may kuryente na dumaloy sa aking likuran.

Halos napuno ng kalungkutan ang aking dibdib. Hindi ko na kayang pigilan pa. Napatalon ako, at kasabay nun ang pag-uunahan ng mga luhang pumatak mula sa aking mga mata.

“Huwag ka lumapit sa aking, Cora nasaan ka? Tulungan mo ako,” napa pikit mata ako.

May humawak sa magkabilang kamay ko na labis ako na takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ngayon ngunit naunahan ako ng takot para tumakbo.

“Sabrina, Huwag ka matakot nandito lang ako. Imulat mo ang mga mata mo upang makita ang magandang tanawin.”

Sinunod ang kaniyang sinabi, nanlaki ang mga mata ko sa akin nakita. Isang paraiso kung maituturing ang kagandahang taglay ng hardin. Hindi ko lubos maisip na makita ko ito at naranasan. Pinunasan ko ang luha ko nasa pisngi gamit ang palad ko.

“Ang ganda? Ngunit bakit nasa loob ng silid ang hardin? At saan nag mula ang liwanag.”

Nakalimutan ko ang tungkol sa aking nakita kanina. Nagmamadali ako pumasok upang pag masdan ang kabuohan ng hardin. Hindi ko inaasahan sobrang laki nito.

“Maganda hindi ba? Ngunit hindi magtatagal masasakop rin ito ng kadiliman gaya ng ibang Angkang. Nakulong sila sa kadiliman dahil sa kawalan ng pag-asa.”

Napalingon ako sa kaniya saglit. “Anong ang ibig mong sabihin Cora? Ang ganda ng hardin mo kahit sino man ang naka kita nito. Tiyak na magugustuhan nila sa pagkat halos nandito ang mga halaman may magandang katangian.” sabay turo ko sa mga halaman mula sa hindi kalayuan.

“Tama ka riyan. Ngunit ikinalulungkot ko mali ka rin.”

Napa atras ako na biglang nagbago ang paligid mula sa magandang tanawin na palitan ng nakakatakot na kapaligiran. Halos namatay ang mga halaman tinuro ko at ang mga puno ay walang mga dahon na.

“Nakasalalay sa kamay ng bantay kung ano maging resulta sa hardin. Huwag ka na matako Silab!  Oras na para lumabas sa pinag taguan mo.” sabay tingin niya sa matayog na puno ngunit maliit naman ang katawan. hindi ko man lang napansin kanina kahit nilibot ko ang tingin ko.

Dahan-dahan lumabas ang dalawang kamay na gaya ng tao sa magkabilang gilid ng puno. Napalunok ako sa maaari makita ko, hindi ko tiyak kung gaya sa mga larawan sa nobela ang wangis ng nilalang sa likod ng puno.

“Nahihiya ako Corazon sa pagkat unang beses ko ito gagawin. Hindi ko alam kung anong mangyari sa oras na lalabas ako sa pinagtaguan ko.”

Hindi ko inaasahan ang kaniyang sagot, akala ko pa naman gaya sa nobela na mahilig manakot bago lumabas ito sa pinag taguan ngunit mali pala ako. Nakakatawa isipan kahit isang nilalang na hindi ko tiyak kung anong wangis ay nahihiya.

“Huwag ka na matakot Silab nais ko lumabas ka riyan, isipin mo wala ka ng silbi sa hardin na ito. Alam mo naman kung bakit, hindi ba?”

Narinig ko umiyak ang nilalang sa likod ng puno. Siguro nasaktan sa sinabi ni Cora, sabagay kahit ako ang nasa kalagayan niya ganun din ang tugon ko.

“Alam ko Cora ngunit nalulungkot ako, ang daming alaala nagawa natin dito ngunit isa piraso na lamang iyong ng nakaraan. Sandali lang ang mag ayos pa ako sa sarili ko, nakakahiya naman sa kasama mo na makita sa ganitong kalagayan ko.”

“Sa wakas pumayag ka rin, natutuwa ako sa iyo, sana'y hindi saglit lang mag pa kita ka. Nais kong maging malaya ka tulad ng ibang ka lahi mo. Ngayon buo na ang pasya ko putulin ang koneksyon mo sa hardin ito!” sabay sugat sa sariling pala pulsuhan ni Cora.

Sa pag patak ng dugo sa lupa kasabay biglaan lumindol at dahan-dahan naging abo ang mga halaman maliban sa puno na nanatiling nakatayo ngunit Kapansin pansin ang mga sanga ay naputol hanggang sa dalawang sanga na lang ang natira. Tila nag mukhang sungay ng puno kung pagmasdan maigi.

“Ang gaan sa pakiramdam parang nakahinga ako ng maluwag. Malapit na ako matapos mag ayos,sandali lang may hinahanap pa ako na mahalagang bagay,” natutuwang sagot ng nilalang sa likod ng puno.

Napag pasyahan namin na lumapit kaunti sa puno upang makita sa unang pagkakataon ang nilalang. Nanabik na ako makita, hindi ko mailarawan sa aking isipan ang kabuohan ng nilalang.

“Handa na ako Cora!”

Dahan-dahan bumalik sa likod ng puno ang magkabilang kamay sa gilid ng puno. Hindi ko mapigilan napanganga na dahan-dahan na hati ang katawan na puno. Nag mukhang lagusan siya kung tingnan ngunit hindi ko alam anong tamang tawag.

Tuluyan na hati sa gitna ang puno kasabay lumabas ang isang nilalang na hindi ko akalain. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang pagkagulat ng tila isang ako estatwa.

“Magandang araw Cora at Binibining Sabrina.” sabay yuko.

Kung hindi ito nag salita baka hindi pa ako kumilos. Mabilis ako nag tago sa likod ni Cora sapagkat hindi ako sanay na makihalubilo sa tulad niya. Sumilip ako ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na kaniyang ginawa.

“Sabrina ayos ka lang?”

Hindi ako makapagsalita parang may biglaan humila sa aking kaisipan. Napa pikit ako kasabay nakita ko ang imahe ng isang nilalang na mula sa madilim na parte. Hindi ko matukoy kung tao ito.

“Cora!” sigaw ko sa sobrang takot na lamunin ako kadiliman hanggang sa nawalan ako ng malay.


Del Pasado Romantico (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon