16

14 0 0
                                    


Kagustuhan

Isang araw na lumipas na makausap ko si Liwayway. Tinupad ko ang pangako sa kaniya na  alamin ko ngayon kung sino ang tinutukoy ni Corazon.

Nakahanda ang lahat ng gamit ko sa gagawin ko. Bumangon ako mula sa pag ka higa na mapagtanto tulog na ang lahat na kasama ko sa bahay.

Dinampot ko ang bag na gawa sa mga dahon. Nag tungo agad sa bintana, maingat na binuksan at hindi nag dalawang isip na tumalon sa ibaba.

Ligtas naman ako lumapag sa lupa habang palinga-linga sa palibot. Nakakabingi ka tahimikan ang bumalik sa buong sentro yun tipo na wala kang maririnig maliban sa mga nag awitan na ibon na kung minsan dumaan sa bahagi kinalagyan ko.

Maingat ako tumakbo yun tipo na walang tunog ang aking magawa. Nakahinga ako ng maluwag na makita ang puno na parang dust. Hindi ako nag dalawang isip na mag tungo roon.

Sakto naman pag pasok ko sa katawan ng puno ay kasabay dumaan ang mga kawal na kasalukuyang nag usap habang hawak ang mga sandata na may apoy sa dulo.

Mabilis ko tinakpan ang bibig ko na makita ang diwata na kulay itim na masamang nakatingin saʼkin. Paikot ikot na lumipad ito sa ulo ko.

“Anong ginagawa mo? Balak mo yata labagin ang utos ng Reyna at Hari,” nainis na sambit nito.

Ang liit ng boses ng diwata subalit masakit sa tenga pakinggan lalo na kung galit ito. Akmang lalabas na ito pero hinarangan ko ang daan na mas lalong nag pa galit sa diwata.

“Nakikiusap ako saʼyo huwag ka maingay. Ginagawa ko lang ito para sa kapakanan ng lahat. Isipin mo pag nalaman ko kung sino ang salarin, edi maging mapayapa ang lahat.”

“Hindi ako naniniwala sa iyo. Isang tao mag paka bayani dito sa mundo namin, nag pa tawa ka ba?”

Seryuso ko siya tiningnan. Mali ang akala ko sa mga Diwata, ang akala noong una mabait at maunawain ngunit nag bago ang pananaw ko ngayon.

“Tahimik,” Kinakabahan sambit ko.

Nataranta naman ito pumasok sa nag liwanag na lagusan. Nakakasiguro ako patungo ito sa kaniyang tahanan.

Pigil hininga na marinig ko ang sunod sunod na bagsakan sa lupa. Parang may kung anong mabigat na bagay ang bumagsak ngunit hindi ko matukoy kung ano ito.

Napag pasyahan ko sumilip sa pamamagitan sa pag hawi sa dust. Labis ako nagsisi na makita sa hindi kalayuan ang isang nilalang na kasalukuyang naglalakad. Medyo malabo sapagkat ang kapal ng hamog.

Napaatras ako na biglang nag apoy ang magkabilang kamay nito. Ano ito?  Sa takot na maramdaman ang presensya ko ay ginawa ko ang lahat para kumalma ako.

“Ang saya pag laruan ang mga mahihina. Hindi karapatdapat sila mabuhay sa mundong ito sapagkat pa bigat lang sila, sila ang sumira sa kalikasan,” galit na sambit nito.

Nakakatakot siya makalaban, sa kaniya pala nag mula ang usok na may lason. Akmang lalabas ako sa pinagtaguan subalit na tigilan ako na marinig ang boses ni Liwayway.

Halos nanlaki  ang mga mata ko na makita ang isang nilalang na mula sa kung saan. Hindi ako maaaring mag ka mali, may hugis katawan ng tao ngunit gawa sa  puno, may dalawang matulis sa ulo at Kapansin pansin ang kamay ng tao. “Liwayway?” mahinang sambit ko.

Itutuloy...

Del Pasado Romantico (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon