19

13 0 0
                                    

Ang Sundo Ng Mga Patay

Kahit anong pigil ko sa pag iyak ngunit kusang umagos ang luha ko sa mata. Ang sakit hindi ko maiwasan ma saktan makita namatay muli ang mga tao nandito sa mundo ng Engkanto.

Nagpupumilit ako gumapang kahit sobrang sakit ng buong katawan ko. Yun tipo sa bawat kilos ko ay kapalit ang hapdi sa aking balat. Kahit mabagal aking kilos subalit tinitiis ko ang sakit.

Gusto ko pa makabalik sa mundo at oras na pinag mulan ko. Mas lalo ako napahagulgol na hindi ko makagalaw ang aking katawan subalit malapit na ako makalapit sa puno.

Pilit ko inabot ang puno kahit nanginginig ang kamay ko. Nagtagumpay ako na lumapat ang daliri ko kaso dahan-dahan bibigay na ang katawan ko.

“Ayaw ko pa matulog...!” huling na sambit ko bago mawalang ng malay.

...

Nag mulat ako ng mga mata na marinig ang iyakan sa paligid. Nagtaka ako bumangon mula sa pagkahiga saka nilibot ang tingin sa palibot. Napataas ang magkabilang kilay ko napagtanto nandito lang ako subalit bakit tila para akong kaluluwa na lumutang sa hangin.

Saglit ko tiningnan aking sarili, lubos hindi ako makapaniwala naging isang kaluluwa ako ngunit ang aking pinagtaka bakit ako narito pa.

Napalingon ako sa mga tao humingi ng tulong dahil hindi makalabas ng tahanan sapagkat napapalibutan na ito ng apoy.

Nagmamadali ako lumapit sa bahay, nong una natakot ako na baka mapano ako. Ngunit tumagos sa katawan ko ang apoy. Ano ito? Patay na siguro ako.

Dahan-dahan ang bawat hakbang ko na pumasok sa loob ng tahanan. Pag dating ko sa loob Kitang-kita ng dalawang mata ko ang dalawang tao na kasalukuyang nagtatago sa ilalim ng mesa sa takot na mabagsakan.

“Wala na sila pag-asa makaligtas maliban kung may tutulong sa kanila,” malungkot na sambit ko.

Nanliit ang tingin ko sa dalawang tao na may lumitaw sa kanilang ulo na kulay itim na usok. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.

Sa kisapmata na hati ang bahay at bumungad sa'kin ang seryuso mukha ni Lucas. Dahan-dahan napanganga ako na makita may dalawang sungay siya na katulad sa inilarawan ni Lola na si Claus.

Hindi ako maaaring mag ka mali, malaki ang pinag kaiba nong huli ko siya nakita. Ngayon puti ang kulay ng buhok niya at may simbolo na bungo ang hawakan ng tungkod na hawak niya.

Malungkot siya lumapit sa mag kakapatid. Nagmamadali lumabas ang mag kapatid subalit biglaan bumagsak na mabilis umiikot ang itim na usok sa ibabaw ng ulo nila.

Kitang-kita ng dalawang mata ko, kusang humiwalay ang kaluluwa ng mag kapatid saka mabilis nag tungo sa gilid ni Lucas.

“Ikinalulungkot ko ang inyong kamatayan, gusto ko man kayo iligtas subalit nakatadhana ngayon araw ang kamatayan niyo dalawa.”

“Nagpapasalamat kami sa iyo Sundo. Sawakas makakalaya na kami sa kamay ng mga Engkanto, “ sagot ng dalawa.

“Mabuti naman kung ganun. Ihahatid ko na kayo sa kabilang mundo upang kayo ay manahimik at mapalagay sa iyong dapat kalagyan.”

Pinaikot sa palad ni Lucas ang tungkod kasabay unti-unti may lumitaw na lagusan sa harap nila. Sa pag hinto ng tungkod sa palad ni Lucas ay bumukas ang lagusan.

Halos nakaramdam ako ng takot na masilayan kung ano nasa loob ng lagusan.

“Maraming salamat Sundo sa iyong gabay. Hindi kami nag ka mali sa hinala na ma punta sa inferno dahil marami kami nagawang pagkakamali noong nasa mundo pa kami ng mga tao. Kami ay papasok na, hanggang sa muli.”

“Huwag kayo mag alala ang Inferno ay hindi apoy. Mali ang nakasulat sa mga libro. Hindi paghihirap ng paulit-ulit na kamatayan ang maranasan niyo sa loob bagkus kaparusahan na dapat niyo gawin hanggan sa kayo ay mapatawad ng panginoong.”

Pumasok ang dalawa kasabay sa pag laho ng lagusan. Tinitigan ko mabuti ang mukha ni Lucas, sinubukan ko lumapit sa kaniya. Akmang yayakapin ko siya subalit ako ay tumagos sa katawan niya.

Itutuloy...

Del Pasado Romantico (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon