Ang Galit Ng Mga Diwata
Tumalon ang babae pabaliktad sabay hagis ng bolang apoy sa direksyon ni Liwayway. Pumikit ako saglit upang hindi makita ang nangyari.
“Hindi ka pa rin nag babago Itim hanggan ngayon. Tigilan mo na iyong Kahangalan, hindi mo ba na isip na ikaw mismo ang sumira sa balanse ng kalikasan!” galit na sambit ni Liwayway.
Sa pag mulat ng mga mata ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag aapoy ng sungay ni Liwayway.
Muli nag hagis ang Engkantong Itim ngunit mas malaki pa ito sa na una. Napanganga ako sa sunod na nangyari na biglaan umangat ang lupa sa harapan ni Liwayway at doon tumama ang malaki bolang apoy sabay sa pag sabog.
“Hindi ako ang sumira ng balanse kundi ang mga tao sa mundo nila. Baka nakakalimutan mo naka konekta ang mundo nila satin!”
Bumagsak ang lupa pina angat ni Liwayway sa pamamagitan sa pag tadyak sa lupa nito. Sa kisap mata nag simula mag laban ang dalawa na halos binuhos na nila ang lahat para mag tagumpay na talunin ang bawat isa.
Pareho tumalsik ang dalawa na mag salubong ang kanilang binitawan kapangyarihan. Sunod sunod na pag sabog na naging dahilan na pag ka gising ng lahat ng Engkanto.
“Hindi ko akalain mas lumakas ka pa ngayon Liwayway kaysa sa dati paghaharap natin sa banal na bundok.”
Napansin ko ang matinding galit na bubuo sa puso at isipan ni Liwayway na naging dahilan na pag labas sa kaniyang katawan ng mga ugat na mula sa kung saan.
“Ano ang tinitingin niyo dyan? Kung gusto niya ba mamatay ngayon?!” galit na sambit ni Itim.
Tumalon habang umiikot sa eri ang itim na Engkanto habang hinagis ang bolang apoy mula sa iba't ibang direksyon na sanhi na pag ka sira ng ilang tahanan ng mga Engkanto.
May nararamdaman ako malakas na enerhiya mula saʼkin likod. Sa pag lingon ko sumalubong ang bolang enerhiya pinag sama sama ng mga diwata.
Nang tumama ang bolang enerhiya ay tumilapon ako palabas at bumagsak sa batuhan na una ang pang upo.
“Nararapat saʼyo yan!” sabay na sambit ng mga diwata bago isara pinag laho ang Dust upang hindi ako muli makapasok.
Napalingon ako sa direksyon nila Liwayway. Nagmamadali ako tumayo upang iwasan ang bola ng apoy na tatama saʼkin ngunit ka-agad ko na iwasan at tumama sa tahanan ng mga Diwata.
“Karma,” mahinang sambit ko.
Sunod-sunod nag silabasan ang mga diwata sa sira nila tahanan habang masama nakatingin sa itim na Engkanto na kasalukuyang nag palitan ng atake kay Liwayway.
“Ilabas ang sandata ngayon din!” sigaw ng pinuno ng mga Diwata.
Mabilis lumipad ang mga ito patungo sa Itim na Engkanto. Na iwan ako naka nga nga. Akmang mag susunod ako ngunit may humawak saʼkin na biglaan ko pag talon at pag sigaw.
“Kalma ako lang 'to,” mahinang sambit ni Lucas.
Hinila ako ni Lucas patungo sa ligtas na lugar. Maraming mga kawal ang kasalukuyang nag tungo sa kinaroroonan ng Itim na Engkanto. Kahit pinag tulungan na ito ng lahat subalit hindi pa rin matalo ito dahil sa itim na kapangyarihan taglay nito.
Napahinto ako na marinig ang mga tinig ng Diwata na biglaan lumakas maging si Lucas ay natigilan. Sa pag lingon ko halos hindi ako makapaniwala nag katawan tao ang mga Diwata upang labanan ang itim na Engkanto.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Del Pasado Romantico (Completed)
RandomIsang babaeng nag mula sa kasalukuyang subalit dinala siya ng mga kababaihan sa nakaraan ngunit sa mundo ng Engkanto. Isang babae mula sa nakaraan ang misteryuso nag laho. Sa kaniyang pag dating hindi niya inaasahan may naghihintay na misyon dahil...