8: Ang bayan ng mga pataySimula na mangyari iyong ay pinili ko mag sanay sa aking kakayahan at maging sa akin kaisipan upang hindi madali makapasok ng nilalang na iyong.
Dumating ang araw ay handa na ako umalis sa pamamahala ni Cora upang simulan ang misyon ngunit ayaw pumayag ni Cora na ako lang mag isa. Wala akong magawa kundi payagan sumama ang kakaibang nilalang na halos hindi magpakita sa akin.
Kasalukuyang nakasakay ako sa Timre habang palinga linga sa palibot. Minsan itatanong ko rin sa kasamahan ko na palipat ng tago sa katawan ng mga puno.
Patungo kami sa Sentro ng kaharian, nabalitaan namin ni Cora na sunod sunod namatay ang mga Arabian at Orimia. Bago kami marating namin ang sentro dadaanan namin ang bayan ng mga patay.
Lumipas ang ilang araw na pag lakbay sa wakas nakarating kami ng ligtas sa harapan ng bayan. Ngunit nagtataka ako, wala naman mga bahay ang nandito maliban sa mga malapad na bato nakatayo nagkalat.
Bumaba ako sa aking Timre upang alamin kung anong meron sa lupa. Tila kakaiba ang kulay ng lupa ngunit hindi ko inaasahan ang dahan-dahan pag itim habang umusok.
Nanlaki ang mga mata ko na makita ang isang bagay na parang may kakaiba.
Habang tinahak ko ang daan patungo sa bilog na bato hindi ko maiwasan kabahan. Ayon kay Cora ang bayan ng mga patay ay isang misteryosong, ngunit ang alam ko na impormasyon ay hindi sapat para makaiwas sa kapahamakan.
Bago pa man ako makalapit sa bilog na bato, may biglaan humawak sa magkabilang paa ko. Nagulat ako na makita kung ano ito. Isang bangkay ang kasalukuyang hinila ako pababa ngunit hindi ako pumayag kaya pinaulanan ko ng suntok subalit ayaw bumitaw kahit durog na durog ang pagmumukha nito.
Gusto man lumapit ng Timre upang tulungan ako ngunit umayaw ako. May napansin ako na isang lalaki nakaupo sa bilog na bato habang nakapikit ang mga mata na tila pakiramdam sa palibot.
Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari kusang bumitaw ang bangkay ngunit akala tapos na pero biglaan naging lumambot ang lupa at dahan-dahan naging putik sa hindi malamang dahilan.
“Bitawan niyo ako!” sabay suntok ko sa mga bangkay ngunit hindi pumayag sa halip mas lalong lumakas.
Mabilis ako kumapit sa matulis na mga bato upang pigilan ang pag hila nila sa akin ng tuluyan. “Kaibigan kong hindi nakikita tulungan mo ako!” dahan-dahan ako lumubog sa putik hanggang bewang.
Hindi ko mapigilan mag init ang aking ulo habang nakatingin sa lalaki na hindi ako pinapansin at sa kaibigan ko na walang ginawa kundi panoodin lang ako.
Nanginginig ang buong katawan kasabay nag init, hindi ko mapigilan sumigaw na sanhi na mas lalong lumitaw na mga kamay na bangkay halos patungo ito sa akin.
Sinuntok ang matulis na bato sa harapan ko, kahit nasugatan ako hindi ko na lang pinansin iyung. Hindi ako nag dalawang isaksak sa putikan at sakto naman tumama sa kamay ng bangkay na naging dahilan sa pag bitaw ng mga ito ngunit nadaplisan ang binti ko.
Kumapit ako sa mag kabilang matulis na bato at buong pwersa binigay ang lakas hanggan sa maka ahon sa putikan. Ka agad ako tumapak sa mga bato habang mabilis nag palipat lipat patungo sa lalaki.
Hindi pa man ako naka lapit sa lalaki na biglang lumabas ang malaking bangkay sa daanan ko. Tumalon ako sabay sipa at mabuti na lamang sinabay ng mahal kong kaibigan gamit ang kaniyang binhi. Biglang tumilapon ang malaking bangkay at muntik na tinamaan ang lalaki ngunit yumuko lamang ito.
Nakahinga ako ng maluwag na tumubo ang mga binhi sa palibot na siyang dahilan hindi makagalaw ang mga bangkay.
Pumulot ako ng bato sabay haggis sa lalaki ngunit walang kahirap hirap na iniiwasan habang patawa-tawa. Labis ako nainis sa kaniyang reaksyon.
“Buti naman nalagpasan mo ang mga bangkay ngunit hindi ka naman makalabas dito ng buhay.”
Tumingin ako sa palibot ang kanina na walang mga puno na halos ang mga bato ang nakikita ngunit palihim ako nakangiti. Mabilis lumaki ang mga binhi hanggan naging matayog at malaki na puno.
“Pasensya ngunit nagkakamali ka. Pagmasdan mo ang palibot, tiyak na magugulat ka.”
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag ka bigla niya. Natulala ako na ngumiti ang lalaking ito. Nakalimutan ko ang lahat ng problema kinakaharap ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang aking nadama ngayon, bumilis ang tibok ng puso ko. Nagsasalita ito ngunit hindi ko marinig ang boses nito. Parang tumigil ang mundo ang siya lang ang nakikita ko sa paningin ko.
Bumalik ako sa dati nang dinilaan ako ng Timre sa mukha. Tawang tawa ang lalaki sa kaniyang nakita.
"May nakakatawa ba?” sabay turo ko.
Huminto ang lalaki saka ngumisi. “Wala naman, gusto ko lang tumawa. Sa unang pagkakataon may dumaan dito at nakaligtas sa mga bangkay.” tumayo ang lalaki habang nilibot ang tingin.
" Magaling, makakaalis na rin ako sa wakas.”
Nag taka naman ako sa sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin?” seryusong sambit ko.
“Alam mo, tulad mo rin ako napadaan dito ngunit hindi na ako mag pa tuloy sa pagkat ito tarangkahan ng mga patay. At mabuti na lang na talo mo sila. Kung tutuloy tayo makikita natin ang bayan ng mga patay. Hindi ko alam kung bakit tinawag na bayan ng mga patay subalit nanabik ako malaman. Handa ka ba?”
Hindi makasagot sa kaniyang sinabi. Hindi ko. Maiwasan tumitig sa masayang mukha niya.
“O baka naman natatakot ka?” patawang sambit nito.
“Ako natatakot ako?” sabay turo sa aking sarili. “Nagkakamali ka yata. Pagmasdan mo aking alaga at hindi mo ba napansin kaya ko protektahan ang sarili ko laban sa panganib,” mahinang sambit ko.
Huminto sa pag tawa ang lalaki. “Malalaman natin yan tapang mo, pag nakapasok na tayo,” patawang sambit bago umalis sa kinatatayuan nito.
“Kung hindi dahil sa akin baka ika'y nandito pa rin sa tarangkahan ng mga patay!” galit na wika ko.
Itinaas ang kanang kamay na hindi ako ni lingon habang naglalakad. “Wala ako narinig!” seryusong sambit nito.
Napakagat ako ibaba ng labi. Sumakay na ako sa likod ni Timre bago sumunod sa kaniya, sa huling sandali tiningnan ko ang nagawa ng kaibigan kong si Liwayway.
BINABASA MO ANG
Del Pasado Romantico (Completed)
RandomIsang babaeng nag mula sa kasalukuyang subalit dinala siya ng mga kababaihan sa nakaraan ngunit sa mundo ng Engkanto. Isang babae mula sa nakaraan ang misteryuso nag laho. Sa kaniyang pag dating hindi niya inaasahan may naghihintay na misyon dahil...