26

73 0 0
                                    



26: Sundo Ng Kasalukuyang

Maingat ako humawak sa balikat niya at siya naman sa beywang ko. Mabagal ang bawat kilos namin habang nakatingin sa isaʼt isa. Bumitaw ako sa pag hawak sa balikat niya na kaagad naman sinalo niya ang kanang kamay ko saka naman ako umiikot ng itaas niya ang kanang kamay ko.

Nag hawak kamay kami kasabay ang pag atras. Pakiramdam ko nasa langit na ako sa sobrang kasayahan nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit pero iisa lang ang nasa isip ko.

Sa tinig ni Prinsesa Likasa mas lalong lumabas ang tunay kong emosyon. Hindi ko namalayan kusang nag uunahan pumatak ang luha ko sa sahig kundi pinunasan ng lalaki ang pisngi ko baka hindi ko pa malaman.

“Nalulungkot ka ba?”  malambing na saad nito.

“Hindi ko alam.” 

“Magaling ang Prinsesa Likasa umawit, patunay na iyong pag iyak na hindi namalayan.”

“Sang ayon ako sa sinabi mo. Pakiramdam ko parang gusto ko manatili o huminto ang oras na nakasama kita. Hindi kita kilala subalit parang pamilyar ka ng puso ko. Sino ka ba Ginoo?”

Napahinto kami ng dalawa sa gitna ng karamihan. Patuloy pa rin ang sayawan at bukod tangi kami ng dalawa ang nakahinto na may seryuso tingin sa isaʼt isa. Dahan-dahan niya hinubad ang maskara sabay sambit ng katagang. “Binibining Sabrina ako ito hindi ka nag ka mali walang iba kundi si Lucas,” nakangiting saad nito, hindi ko inaasahan ang pag yakap niya. Na dala ako ng emosyon ko. Nag tapat ang akin mukha habang dahan-dahan lumapit sa isaʼt isa hanggan sa nag dikit ang amin labi. Hindi ko namalayan nag palitan kami ng halik kasabay natapos ang pag awit ni Prinsesa Likasa at pag hina ng tugtugan ginamit na mga instrumento ng apat na taga-bantay.

Nag hiwalay ang amin labi habang naka hawak ang kamay sa mukha ng bawat isa. Nag habol hininga, ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko ang ganitong emosyon. Natulala ako kanina pa huminto ang oras kaya pala wala na ako narinig maliban sa mabilis ang pag-pintig ng puso ʼy hindi normal para bang sa mismong oras na ito  ay siya rin sumasabay sa tuwang aking nararamdaman.

“Mahal kita, totoo yun. Nais kita makasama sa pang habang buhay kahit walang kasiguraduhan ang dikta ng tadhana, nandito ako para saʼyo. Mahal mo ba ako?”

Natatakot ako mag salita, na unahan ako ng takot. Ang daming tumatakbo sa isipan ko “Kung paano”  linakasan ko ang loob ko mag salita.

“Importante ba yung salitang “mahal”? Ewan ko, ʼdi ko alam,” mahinang sagot ko sa kaniya.

“Oo,Sabrina. Nais ko marinig mula saʼyo ang katagang “Mahal” para malaman ko, kung totoo ba? ”

“Pero para sa akin, mas importante ka. Alam mo kung bakit?”  naiiyak na saad ko. Ito yun ayaw ako sa sarili ko. Ang bumilis umiyak.

“Bakit?” sabay pikit ng mga mata nito saglit.

“Paano ko masasabi yung salitang “mahal kita” kung wala ka?”  pabulong na wika ko.  Kasabay ang pag panginginig ng buong katawan na makita dahan-dahan siyang nag laho na mas laong nag pa iyak saʼkin.

Bago tuluyan siya mag laho. “Tandaan mo ayokong mawala ka sa buhay ko. Magkikita pa tayo at muli ipadama kung gaano kita ka mahal. ” sabay turo sa puso niya.

Dahan-dahan bumagsak ang mag kabilang tuhod ko sa sahig habang nakatingala sa itaas. Ang paligid sa isang iglap napalitan ng malawak na hardin. Pilit ako ngumiti na makita ang buwan.

Napatigil ako sa pag iyak na masilayan ang bolang liwanag na mula sa buwan na dahan-dahan bumaba sa lupa. Hindi pa man ito lumapag sa lupa ay nag pakawala ng nakakasilaw na liwanag

Del Pasado Romantico (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon