25: Sayawan Sa Palasyo
Kadiliman ang aking nakikita, para akong bulag naglalakad sa gitna ng kadiliman. Sa gabay ni Itim nag lakas loob ako mag pa tuloy. Lumipas ang ilang minuto na tanaw ko ang hugis bilog na liwanag na kaagad naman ako nag takip ng mukha saglit bago mag pa tuloy.
Pagkarating sa hugis bilog na liwanag, na patango na lang ako dahil isa lang pala lagusan. Sa aking pag labas hindi ko akalain nasa harap ako ng palasyo, napalingon ako sa lagusan ngunit hindi ko na ito makita maliban sa higanting puno.
Napantingin ako sa harap na tawagin ako ng batang babae, nakasuot ito ng magandang bistida. Lumapit ako dito upang malaman kung bakit siya umiyak.
Huminto ang bata sa pag-iyak kasabay dumating ang mga magulang nito. Nakangiti lang ito saʼkin habang tinuro ang tarangkahan ng palasyo na kasalukuyang naka bukas.
Hinanap ko si Itim subalit hindi ko makita. Napatalon na lang ako sa gulat na may nag salita mula sa likod ko. Dahan-dahan ako lumingon, napataas ang magkabilang kilay ko sa lalaking ka harap ko.
“Sino ka Diwata?”
Matulis ang tenga ng lalaki, mahaba ang buhok at maputlang balat na kulay berde.
“Ako si Dulan ang nobyo ni Cecilia. Totoo nga ang balita ka mukhang mukha mo siya. Tamang tama nandito ka, sabay na lang tayo pumasok.” sabay lahat ng kamay nito sakin.
Nag dalawang isip ako. “Huwag kang mag alala, wala naman akong balak na masama sa iyo.” napilitan ako tanggapin ang kaniyang kamay sabay lakad namin papasok ng tarangkahan.
Habang tinahak namin ang daan papasok sa loob ng palasyo marami siya na i kwento tungkol kay Cecilia lalo na sa mahalagan parte ng misyon nito. Nalaman ko sa kaniya kung sino ang nag bigay ng misyon kay Cecilia kundi ang diyos ng buwan.
Hindi ko namalayan nasa loob na kami kundi may tumawag sa pangalan ko. Hinahanap ko pinag mulan ng boses subalit hindi ko makita sa rami na mga ninilang ang nag kalat.
Huminto kami ni Dulan na mag salita ang Reyna mula sa tuktok ng hagdanan. Mabuti ko pinakinggan ang kaniyang mensahe sa mga nasasakupan.
“Mawalang galang na po Mahal na Reyna, nandito na ang Hari at prinsesa,” mahinang sambit ng katulong subalit malakas ang aking pang dinig.
Tumango ang Reyna kasabay umalis ang katulong. Kaagad naman pinakilala ng Reyna ang Hari na ngayon ko lang nakita.
Natulala ako na masilayan ang kaniyang mukha. Parang pamilyar saʼkin. Saan ko nga ba ito nakita. Hindi ko maalaala pero sigurado ako nakilala ko na siya. “Haring Simon?” mahinang sambit ko.
Binitawan ni Dulan ang kamay ko sabay tapik saʼkin. “kilala mo ba siya?” na patingin ako sa kaniya saglit bago tumingin muli sa Hari.
“Hindi, ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko akalain siya pala ang Hari ng kaharian ito. Parang pang karaniwan lang siya kung tingnan maigi subalit may kakaiba na hindi ko matukoy,” Kinakabahan sagot ko.
Hindi nag salita si Dulan nanatili tahimik kahit ako. “Prisensa Likasa!” hindi ako maaari mag ka mali siya ang babae nakita ko sa silid aklatan kanina.
“Siya si Prisensa Likasa, lumalabas lang siya sa tuwing kaarawan simula na mawala si Cecilia. Kung napapansin mo ang ikatlong mata niya ay nanatiling nakapikit sapagkat i-”
“Purong itim ang kaniyang mga mata.”
“Paano mo nalaman?”
“Halata sa kulay ng kaniyang balat,” pag dadahilan ko.
“Tama ka. Kundi lang sana ginamit niya ang pangatlong mata para mag hanap ng tutulong kay Cecilia hindi sana na bulag ang pangatlong mata.”
Hindi na ako nag salita sa halip nanatili tahimik ako at nakinig sa kaniyang sinasabi. Hindi nag tagal huminto siya na ipakilala ang apat na taga-pangalaga. Hindi na ako nakinig sa kung ano man sinabi tungkol dito.
Napantingin ako mag kabilang gilid nag kalat ang mga mesa at upuan para sa mga bisita. Napagpasyahan ko mag tungo roon at sumunod si Dulan. Nag hanap ako ng bakanteng upuan at sakto naman may isang lalaki nakaupo sa isang mesa.
Sa isang mesa apat ang nakaupo ngunit bakante ang tatlo sa hindi ko malaman dahilan. Hindi ko makilala kung sino ang lalaking ito. Huminto ako sabay tapon ng kakaibang tingin.
“Mawalang galang ginoo. Maari ba kami makaupo ng kasama ko?”
Huminto ito sa pag inum ng alak saka tumingin sakin. “Walang problem Binibini.” sabay inum ulit ng alak.
Nag usap kami ni Dulan tungkol sa nangyari noong nagdaan kaarawan ng Prinsesa Likas a at sa Kalayaan ni Cecilia. Hindi ko binanggit na ako ang susi ng Kalayaan ng minamahal niya, mahirap baka ano pa isipin nito.
Paminsan minsan napansin ko itong lalaki kaharap ko na nakatingin sakin kanina pero hindi ko na lang pinansin. Naalaala ko tuloy si Lucas. Nasaan na kaya yun?
Na hinto ang amin usapan na mag simula ang tugtugan ng apat na taga-bantay at pag-awit ng Prinsesa Likasa. Tumayo si Dulan at hindi ko inaasahan niyaya ako nito sumayaw na kaagad naman ako pumayag. Nag tungo kami sa gitna kung saan marami na rin sumayaw, habang sumasayaw kami napapansin ko ang lalaki kasama namin sa mesa nakatingin saʼkin habang uminom ng alak.
“Dulan ano sa tingin mo ang lalaking iyong?” sabay lingon ko sa lalaki.
“Hmmm sa tingin ko may pag tingin ang lalaking iyong base sa kaniyang kilos at pananalita kanina. Parang matagal na kayong kilala.”
Hindi ako makapag salita. Wala naman akong kilala na lalaki sa mundong ito maliban kay Lawin, Don Apostol , Liwayway at Lucas.
Sinabi saʼkin ni Dulan nandito si Corazon ang ina ni Cecilia. Napagpasyahan namin bumalik sa kinaupuan ngunit ako lamang ang umupo. Nag paalam si Dulan na kausapin si Corazon.
Naiwan ako sa lalaking kasama ko. Walang nag salita samin hanggan sa hindi ako mapalagay kaya napag pasyahan ko mag salita.
“Ginoo maari ko bang malaman ang iyong pangalan?”
Dahan-dahan nilapag ang baso na hawak nito. Tumingin siya saʼkin at halos hindi ako makahinga na marinig ang boses ng lalaking ito. Hindi ako maaaring mag ka mali si Lucas ito pero hindi ako sigurado.
“Bakit nais mong malaman binibini?”
“Binibining Sabrina,” mahinang sambit ko.
Napatayo ang lalaki sa hindi ko malaman dahilan. Bumalik naman ito sa pag-upo.
“Ipag patawad mo ang binibini na bigla lang ako.”
“Wala yun Ginoong?”
Hindi niya sinagot ang aking katanungan sa halip tumayo ito at nilahad ang kamay. Nag dalawang isip ako na tanggapin ito sapagkat hindi ko ito kilala. Ngunit sa huli tinanggap ko ito sabay tayo.
Mabagal ang aming bawat hakbang patungo sa gitna. Parang bumagal ang oras na masilayan ko ang kaniyang ngiti. Ito na naman bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang pamilyar ang aking puso sa lalaking ito subalit ang aking isipan ay tutol.

BINABASA MO ANG
Del Pasado Romantico (Completed)
RandomIsang babaeng nag mula sa kasalukuyang subalit dinala siya ng mga kababaihan sa nakaraan ngunit sa mundo ng Engkanto. Isang babae mula sa nakaraan ang misteryuso nag laho. Sa kaniyang pag dating hindi niya inaasahan may naghihintay na misyon dahil...