22: Ang dalawang nilalang
Hindi ko alam kung ilang araw na ako nandito saan Preaso ngunit wala ako makita na ibang nilalang kahit mga insekto parang hindi umiiral. Nakaramdam ako ng gutom kaya nag hanap ako ng pwede makain ko.
May iba't ibang puno ang nandito at may bunga pero hindi ko alam kung mapanganib kaya hindi ako kumain kung hindi ako pamilyar upang maiwasan pa nanatili ko sa mundong ito.
Nag pa tuloy ako sa pag hanap kahit gusto na huminto parang walang katapusang ang daan na tinahak ko. Hindi ko maiwasan makaramdam ng takot na marinig ang kakaibang hiyaw ng nilalang ng kung ano man.
Nagmamadali ako tumakbo na umalon ang lupa na muntik na ako tumama sa malamig tipak ng bato.
“Anong nangyari? Diyos ko ayaw ko pa makulong sa mundong ito!”
Biglaan huminto na naging dahilan na pag ka tumba ko sa lupa. “Aray ko ang sakit non.” akala ko nong una pag kaluluwa hindi na makaramdam ng sakit ngunit mali ako dahil mas lalong mapanganib sa tulad ko. Ang mga sakit na mula sa emosyon ko ang siyang nag paramdam ng kakaiba na hindi ko maipaliwanag.
“Ano ito?
Napatingala ako sa pulang ulap. Hindi ko maiwasan namangha sa mga nilalang na lumabas sa likod ng mga ulap. Parang mga insekto na mahalin tulad paro paro ngunit pinag kaiba nga lang ay may liwanag sa kanilang dalawang pakpak sa tuwing igagalaw nito.
“Tulad ko na mangha rin ako dati noong una ko makita ang mga yan subalit akala ko hanggan dyan ngunit nag ka mali ako. Ikaw ano sa tingin mo?”
Hindi ako makapag salita sa gulat. Lumingon ako upang malaman kung sino ang nag salita ngunit hwala akong makita maliban sa mga puno.
Tumayo ako sabay tuktok sa harapan ng sanga na pulot ko. “Sino ang nandyan?! Huwag mo ako subukan takutin hindi ako natatakot kahit anong nilalang ka pa...!” narinig ko ang tawa mula sa kung saan.
Hinanap ko ang pinagmulan ng tinig ngunit hindi ko matukoy kung saan ang tamang direksyon ng nilalang sapagkat ang alingawngaw ay nakakalito.
“Ako ba ang hinahanap mo?”
Napahinto ako na halos hindi ako makagalaw sa matinding pag ka bigla. Nag dalawang isip kung dapat ba ako lumingon o mananatili.
Muli tumawa ang nilalang na labis nag pa inis saʼkin. Dahan-dahan ako lumingon kahit nakaramdam ng takot.
“Ikaw?”
Hindi ako makapaniwala saʼkin nakita. Paano siya na punta sa lugar na ito. Kung siya ang sundo ng Inferno at taga-hatid sa patungo roon. Napailing na lamang ako sa inakto nito.
“Nagulat ba kita bagong dating?” takang sambit nito.
Hindi ako maaari magkamali, siya na nga si Lucas subalit parang may kakaiba ako nararamdaman na hindi pamilyar sa kaniya.
“Lucas?” mahinang sambit ko.
“Kilala mo ba ako, bagong dating?” sabay hakbang pa lapit saʼkin.
“O–” sabay atras ko.
Biglaan sumabog ang lalaki at nag hiwalay sa dalawang parte. Akala ko namatay ngunit nagkakamali ako. Dalawang nilalang na mag ka mukha. Tao sila kung maituring subalit ang kanilang kamay ay mahalin tulad sa halimaw sobrang haba ng kuko.
“Ahh. Kilala na namin ang hinahanap mo bagong dating subalit hindi namin maari sabihin saʼyo. Bahagi ito ng pag subok, kailangan mo lang gawin maging totoo ka sa iyong sarili lalo na sa mga bagay bagay. Tandaan pag ika'y na talo sa emosyon mananatili ka dito kasama namin,” patawang sabay na sambit ng dalawang nilalang.
Tumakbo ang dalawang nilalang na halos hindi ko makita sa sobrang bilis.
“Anong gagawin ko ngayon? Malapit na mag gabi.”
Wala na akong nagawa kundi ang mag pa tuloy sa paghahanap kay Lucas. Kahit gusto ko na sumuko ngunit naaalala ko si Lola.
Itutuloy....
![](https://img.wattpad.com/cover/341021733-288-k143809.jpg)
BINABASA MO ANG
Del Pasado Romantico (Completed)
RandomIsang babaeng nag mula sa kasalukuyang subalit dinala siya ng mga kababaihan sa nakaraan ngunit sa mundo ng Engkanto. Isang babae mula sa nakaraan ang misteryuso nag laho. Sa kaniyang pag dating hindi niya inaasahan may naghihintay na misyon dahil...