Halos himatayin ako sa sobrang init kahit malamig ang panahon. Ligtas kami nakarating sa magandang bahagi ng sentro ng kaharian. Hindi ko lubos maisip na ito ang aking unang makikita, nag ka mali pala ako.
“Ayos ka lang Sabrina?” mahinang sambit ni Lucas.
“A-Ayos lang a—”
Nanlaki ang mga mata ko napagtanto na walang boses na lumabas sa bibig ko. Takang nakatingin ako sa mga mata ni Lucas.
“Huwag ka mag alala maging ayos din ang lahat.”
Nakatingin na lang ako sa kaniya.
“Huwag kang humiwalay saʼkin upang hindi ka mapahamak.”
Napayuko ako saka tumango ng tatlong beses bago mag tungo kami sa kaniyang matalik na kaibigan upang samantala makikitulog ng isang gabi.
Parang masama ang pakiramdam ko na huminto kami sa harap ng bahay na hugis puso. Gusto ko igalaw ang mga paa ko subalit na unahan ako ng takot sa dibdib.
Kumatok ng tatlong beses si Lucas sa Pinto na hugis puso rin. Kalahating oras na kami naghihintay subalit walang nag bukas ng pinto. Akmang aalis na kami na dahan-dahan bumukas ang pinto.
Napatitig ako sa munting nilalang nasa harapan namin. Katulad lang siya ng tao ngunit ang pinag ka iba ang kulay itim na balat at itim na mga mata.
“O, himala nakarating ka rito kaibigan? Paano ka nakaligtas sa bayan ng mga patay? At Sa pangit ng bahagi ng Sentro?”
“Pwede ba pumasok muna kami bago ko ikwento saʼyo ang lahat na nangyari,” mahinang sagot ni Lucas.
Palinga linga sa palibot ang munting nilalang bago mag pasya pumayag ito. Sa pagpasok namin ka agad naman nag sara ng pinto ang munting nilalang.
Nilibot ko ang tingin sa buong palibot ngunit wala naman ako napansin kakaiba maliban sa kinikilos ng munting nilalang.
“Maupo muna kayo, ano gusto niyo kape o juice?” nahihiyang sambit ng munting nilalang.
“Kape na lang siguro,” sagot ni Lucas.
Magkatabi kami umupo ni Lucas. Nagtataka ako sa mga kagamitan nakikita gaya ng mga maliliit na bote na may itim at berde na likido.
Dumating ang munting nilalang na may dala ng kape. “I kwento mo na saʼkin Lucas,” nanabik na sambit nito.
Samantala ako nanahimik sa gilid habang tamang kape lang. Wala akong balak na pakinggan ang pinag usapan ng dalawa sapagkat nagtataka ako sa mga kagamitan ng kaibigan ni Lucas.
“Ano bagay na yun?” biglaan sambit ko na ikina tahimik ng dalawa.
“Yun ba?” sabay turo ng munting nilalang.
“Pasensya ka na munti, hindi ko na kailangan sagutin ang tanong ng kasama ko.”
“Ayos lang sakin kaibigan kung sagutin ko ang kaniyang katanungan sapagkat wala naman ako nararamdaman na masamang balak sa babaeng ito,” seryosong tugon nito.
Lumapit siya sa bagay na tinutukoy ko. Saka naman ito lumapit samin upang ipakita ang bagay na yun.
“Isa itong gayuma. Kung tingnan mo mabuti ang bagay na to, hindi magtatagal lilitaw ang tunay na anyo nito.”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi, na bigla ako sa nakita ko. Isang bote na hugis puso, may lamang na kulay itim na likido at Kapansin pansin ang maliit na kulay pula nasa ibabaw ng likido.
“Gayuma ng pag - ibig, minsan ko na rin na isip paano kung ang pag-ibig ay nangingibabaw sa lahat ng nilalang sa mundong ito, siguro wala ng gulo subalit ang aking hangarin ay hanggang pangarap na lang.”
“Maari mo kaya ako bigyan niyan?” nanabik na sambit ko.
Tinapunan ako ng masamang tingin ni Lucas pero hindi ko pinansin sa halip naghihintay ako sa sagot ng munting nilalang.
Itutuloy…
BINABASA MO ANG
Del Pasado Romantico (Completed)
RandomIsang babaeng nag mula sa kasalukuyang subalit dinala siya ng mga kababaihan sa nakaraan ngunit sa mundo ng Engkanto. Isang babae mula sa nakaraan ang misteryuso nag laho. Sa kaniyang pag dating hindi niya inaasahan may naghihintay na misyon dahil...