BEATRIX
Project Seraphim—
I almost leaned into him to catch his eyes if they fell from their sockets. I literally didn't have any idea why he was in utter shock right now. It looked like a flash of lightning had struck him where he sat and lost all his motor abilities. He gazed at my phone like he just couldn't believe what he was seeing. What was with that logo, anyway? It was just a huge circle with triangles and shapes and letters carved on it.
"Prof?" I called. "Are you okay? Is everything alright?"
Huminga muna siya nang malalim at ibinalik na sa 'kin ang phone ko. Para bang sa nakita niya ay hindi na siya mapakali. Pumikit-pikit muna siya bago sumandal sa malambot na couch.
"Are you certain—absolutely certain—that it's the logo you've seen?" Halatang-halata ang pag-aalinlangan sa kaniyang boses. It was a stupid question, honestly. He saw the picture and yet he still couldn't believe it. But I didn't voice it out.
Bigla tuloy na parang may bumulong sa tainga ko na may hindi tama rito.
"Sigurado naman ako na ito nga po ang nakita ko." Tinignan ko ang phone ko at tumango-tango. Siguradong-sigurado ako na itong logong 'to nga ang nakita ko.
Umiling-iling siya at tumayo na naman. Naglakad ng pabalik-balik habang nakahawak sa baba niya na parang iniisip ang pinakamalalalim na misteryo ng mundo. Hindi nga siya mapakali.
May mali nga rito sa logong 'to. At kailangan kong malaman kung ano 'yon.
"Prof? Ano po bang may'ron sa logo na pinakita ko?" Nilagay ko ulit ang phone ko sa bulsa ko at sinundan siya ng tingin habang palakad-lakad sa buong sala. Gustong-gusto ko na talagang malaman kung anong may'ron sa logo na 'yon. Sa paraan ngayon nang pagkilos ni Professor Xean, masasabi kong sigurado na ako na may nalalaman nga siya tungkol rito.
"Wait here." Umakyat na naman siya sa taas at pagkababa niya ay dala na niya ang briefcase na hawak niya kanina lang. Nilapag niya muna sa lamesa ang case at lumapit sa may pinto. May maliit na hologram na lumabas at may pinindot siya na mga numero. Biglang sumara ang mga bintana at namatay lahat ng ilaw. Lumabas na naman ang hologram kanina.
"What I'm going to tell you is very important and I will only say it to you once. This is a secret no one—my students, my friends, and my colleagues—knows and it's only you who I'll share it with." Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at tumitig sa 'kin ng deretso. Kitang-kita sa mata niya na isa nga itong pinakatatagong sikreto. "Do not tell it to anyone."
It left me no choice but to nod at him. Nervousness and excitement flared inside me, feeding my curiosity. This was it. The answer I was vying for.
Kinuha niya ang briefcase niya at dinukot niya ang workpad niya sa loob.
"This is the logo you saw, right?" Iniharap niya sa 'kin ang workpad niya na may larawan ng logo na nakita ko sa sasakyan. Hindi hamak na mas malinaw ito kaysa kuha ko. "Although it's a government agency emblem, not everyone knows what that entails and what it represents. It belongs to the Philippine Central Research Facility. The only information about the organization available to the public is its existence. No one knows what it does, what happens inside its walls, and where it is located. Only the employees, of course."
Kinabahan ako bigla nang sinabi niya na sikreto at bawal malaman ng publiko ang impormasyong sinasabi niya sa akin ngayon. Para bang ikamamatay ko kung malaman ko itong impormasyon na 'to at para bang hahanapin ako ng mga pulis dahil lang sa nalaman ka 'to.
BINABASA MO ANG
God's Cage | WOTG #1
Science Fiction(UNDER REVISION) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, politically, and economically advanced from others - and there isn't a doubt that it is leading the world...