Thirty-Four

1K 68 15
                                    

Note: This is an unedited version of this chapter. Some inconsistencies can be seen in this chapter. This chapter has some information that does not align with the previous ones. Once again, what you will read is an unedited version. Although there are mismatched details, the overall plot is not affected in any way.

BEATRIX

I FIXED MY CLOTHES and straightened the creases with the flat of my palms and even wiped off the imaginary dusts on my shoulders that actually weren't there. Just the finishing touches. I took the cap and put it firmly on my head but I tied my hair in a ponytail before that.

I took my phone out and looked at myself. This would probably do. I looked like a fresh graduate of Criminology. I stared at Kato and his uniform was loosely hanged on his body but the disguise would pass. The dark blue uniform only made his brown skin darker: perfect for blending in. But it surely made his dark brown eyes stand out.

"Okay, isa lang ang plano natin," panimula ko at nagmasid-masid sa paligid. Napansin ko na may kalakasan ang boses ko. Hindi naman talaga 'yon malakas at sadyang tahimik lang kaya parang malakas. Ayoko namang kuhain ang atensyon ng mga pulis na 'to at maudlot pa ang gagawin namin ngayong gabi. Kahit naka-disguise kami, baka magtaka pa rin ang ibang mga pulis kung bakit may mga bagong mukhang lumitaw ngayon nang hindi man lang sila nasasabihan. At kapag nangyati 'yon siguradong dadalhin kami agad sa opisina para tanungin kung sino kami, anong ginagawa namin at kung bakit nasa labas pa kami ng ganitong oras. Ayoko namang sagutin ang mga tanong na 'yon kaya kahit papaano ay mas hininaan ko ang aking boses. "At iyon ay 'wag mahuli," bluong ko sa kanya.

Sumaludo naman siya sabay sabi ng, "Yes, ma'am!" Damang-dama niya talaga ang pagiging pulis. Naglakad na siya papunta sa entrance ng spaceport at sumunod naman ako sa kaniyang likuran.

"Isa pa pala," sabi ko at huminto siya para lumingon sa 'kin. "'Wag mo ring gagamitin ang kakayahan mo. Gamitin mo lang 'yon kung kailangan na talaga."

"Yes, ma'am!" Sumaludo na na naman siya na kala mo ganap talagang pulis. "Okay na? Mauuna na ko." At tumalikod na siya. Bago niya pa maihakbang ang paa niya ay may naalala ulit ako.

"Isa pa pala," tumigin ako sa taas habang ang kanang kamay ko'y nasa aking baba habang ang kaliwa naman ay nakapamaywang. "'Wag kang hihiwalay sa akin. Mahirap na maghanapan kapag nawala ka pa."

"Yes, ma'am." Saludo ulit. "Bago tayo pumunta do'n, baka may nakalimutan ka pang ibilin," sabi niya at naghintay.

"Wala na," sagot ko at inunahan na siya sa paglalakad. Kinuha ko na rin ang stun gun at paralyzer no'ng babaeng pulis.

"Okay. Buti naman." At sumabay na siyang sa aking maglakad.

" At sumabay na siyang sa aking maglakad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon